"ANONG ginagawa mo dito?" tulalang tanong ni Nami.
Base sa nakita niyang reaksiyon ni Lance, halatang maging ito ay nagulat ng makita siya. Pero hindi nagtagal iyon, kalaunan ay agad sumilay ang mala-demonyong ngisi nito.
"Look what we have," sa halip ay sagot nito.
"Ano sabi ang ginagawa mo dito?!" galit na ulit niya sa tanong.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan, anong ginagawa mo dito sa bahay ng kaibigan ko?"
Biglang naguluhan si Nami. "Kaibigan? Anong kaibigan ang sinasabi mo diyan?! Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?!"
Humagalpak ng tawa si Lance.
"Ang totoo, hindi ko akalain na ikaw ang maaabutan ko dito. My real purpose is to visit my friend, Adrian. Pero ngayon nandito ka, mukhang medyo sinuswerte ako," nakangising sagot nito.
"Friend? Magkaibigan kayo ni Adrian?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Hindi lang basta kaibigan. Ako ang bestfriend niya, way back in America," sagot niya.
Parang papel na biglang nilamukos ang puso niya. Simula ng nangyari ang insidente sa hotel sa pagitan nila ni Lance. Walang sinabi sa kanya si Adrian na kilala nito ang walanghiyang lalaking muntik gumahasa sa kanya.
"Umalis ka na! Wala si Adrian dito!" sigaw niya sabay tulak ng pinto.
Pero bago pa mailapat ni Nami iyon, agad hinarang ni Lance ang braso niya, sabay tulak ng malakas sa pinto. Nakabitaw siya at napaupo sa semento. Tuluyan ng nakapasok ang lalaki sa loob ng bahay, mabilis siyang napaatras.
"Umalis ka na, Lance! Lubayan mo na ako!"
Malakas na nagmura ang binata. "Nang dahil sa'yo, tinalikuran ni Adrian ang ilang taon na pagkakaibigan namin! Hindi ko alam kung paano mo nabilog ang ulo ng kaibigan ko? Pero hindi ako papayag na pati siya ay lokohin at perahan mo!"
Tumayo si Nami, habang panay pa rin ang atras niya.
"Kahit kailan hindi ko siya niloko! At mas lalong hindi ko siya pinerahan! Ginagawa ko iyon sa mga walang kwentang lalaki na gaya mo! Iyong mga lalaking hindi makuntento at laruan kung ituring ang mga babae! Dahil kung tutuusin, sa dami ng mga babaeng sinaktan n'yo! Kulang pa ang bente mil na 'yon bilang kabayaran!" galit na sagot niya.
Tila balewalang humagalpak lang ito ng tawa.
"Really? At sino ka para gawin iyon? Ikaw na babae ka ang malas sa buhay ko, wala ng nangyaring tama sa akin simula ng makilala kita! Iniwan ako ng girlfriend ko! Ngayon naman tinalikuran ako ng kaibigan ko!"
"Huwag mong isisi sa akin lahat ng resulta ng kalokohan mo! Karma mo 'yan, Lance!"
"Tell me, magkano ang binabayad sa'yo ni Adrian para sumiping ka sa kanya gabi-gabi? Saan n'yo ginagawa? Dito? O sa loob ng restaurant?"
Pakiramdam ni Nami ay umakyat ng tuluyan ang dugo sa ulo niya. Walang salita na inilang hakbang niya ang pagitan nito sabay sampal ng malakas dito.
"Hayop ka! Mahal ko si Adrian! At huwag mo siyang igagaya sa tulad mo! Marangal siyang tao!"
Nagiritan ang mga ngipin nito, napasigaw siya ng biglang sumugod si Lance at sinakal siya.
"Sisingilin ko ang utang mo sa akin! Ngayon, sisiguraduhin kong hindi ka na makakatakas! Tingnan ko lang kung tanggapin ka pa ni Adrian!"
BINABASA MO ANG
Heaven's Warriors Series 1: Awakening the Angel
Fantasy(SOON TO BE PUBLISH ON PRECIOUS HEARTS ROMANCES) Teaser: Kung ganda din lang ang pag-uusapan, agad na itataas ni Nami ang dalawang kamay. Kung katawan din lang labanan, siguradong kulelat na ang iba. Ang mga 'yan ang katangian niyang ginagamit para...