The Truth

2 0 0
                                    

Note: Narrator=/=Author. The narrator is old, very old. This story inspired by C.Baudelaire and his work: Artificial Paradises. Thanks and enjoy!

Ako ay espesyal, noon pa man ay alam ko na ito. Ako'y matangkad, ang kulay ng balat ko ay kasing puti ng niyebe. Galit sa akin ang mga tao dahil sa trabaho ko, pero kahit ganoon mahal ko ang ginagawa ko. Lumaki ako'ng nag-iisa, hindi ko nakilala ang mga magulang ko at hindi ko alam kung meron ako. 

May nakilala akong kakaibang matanda, siya ay laging madaming ginagawa(Sa tingin ko mahalaga siya sa kanila), pero naturuan niya akong gawin ang trabaho ko. Minsan sinabi nya sa akin na madami na ang sumubok gawin ang ginagawa ko pero lahat sila ay hindi nagtagal.

Matagal ko nang pinagmamasdan si Jack. Si jack ay maliit na lalake; hindi siya matalino pero siya ay nakakatawa at kaya niyang pasayahin sinuman; siya'y maramdamin din, nagpapatawa siya sa harap ng iba para maitago ang mga nararamdaman niya.

Isang byernes si jack ay pumunta sa tindahan para bumili ng mumurahin na alak at sigarilyo para ihanda ang kanyang tiyan sa pupuntahan niyang kasiyahan sa bahay ng kanyang kaibigan; ang magulang ng kaibigan niya ay may pupuntahan kaya nagplano ito na idaos sa bahay nila ang kasiyahan.

Dumating si Jack sa harap ng bahay habang umiinom siya ng vodka mula sa bote. Kumatok siya sa pinto at binuksan ito ng isang babae at humalik siya sa pisngi ni Jack, yung babaeng iyon ay ang kanyang mabuting kaibigan na si Katie (Ipinangalan siya sa kanyang lola kung hindi ako nagkakamali).

Kinuha ni Katie ang bote sa kamay ni Jack at sinabi: " Ang aga mo naman! Pwede na tayong uminom pag 7 na tao na ang nadito!" Sumimangot si Jack sa harap niya at itinaas niya ang gitang daliri pero pagkatapos noon ay niyakap niya si Katie at bumulong siya sa tenga niya, si Katie ay napatawa. Itinuro ni Katie kay Jack ang daan papunta sa salas: sobrang laki ng silid na iyon. May dalwang bintana sa harap ni Jack, sa kaliwa niya ay may isang Tv at 9 na ispiker(speaker) at sa gitna, hindi malayo sa Tv, may isang pabilog na lamesa puno ng alak at sigarilyo.

Binuksan ng kaibigan ni Jack ang kanyang ipod na nakakonekta sa ispiker at sinimulan niyang paandarin at patunugin ito ng malakas. Sobrang lakas ng musika sa loob ng silid; hindi ko narinig ang pag-uusap nila kaya ako'y umalis muna pansamantala. Pagkatapos ng 10-15 minutos, si Katie at Jack ay umalis sa salas, iniwan nila ang kaibigan nila sa loob.

Alay diezymedia na at ang bahay ay punong-puno na ng tao na nag-uusap, nagsasayaw, nag-iinom, gumagamit ng droga at iba pang mga bagay na hindi ko maintindihan(hindi ako nadito para husgahan sila pero mas gusto ko ang nakaraaan). Halos 3 oras at kalhati nang umiinom si Jack pero siya lang ang pinaka mahinahon sa kanilang lahat(bukod sa pagiging patawa siya ay lasinggero). Pumunta sa labas si Jack at nanigarilyo. Iniisip niya ang nakaraan(hindi ko kayang basahin ang kanyang iniisip pero sa tingin ko ay iniisip niya ang mga kung anong nangyari sa buhay niya). Hindi niya napuna na naglalakad na siya sa tabi ng daan habang ang sigarilyo niya ay umuusok ng biglang pinaglaruan siya ng kanyang isip, pinaalala nito ang kanyang masakit na nakaraan. 

Nasa gitna na siya ng daan. Umagos na ang luha sa kanyang mga mata habang ang tunog ng mga sasakyan ay binabasag ang kanyang pandinig. Siya ay napasigaw....

Kasama ako ni Jack habang nasa ambulansya siya na naghahatid sa kanya sa ospital. Nabangga si jack ng itim na coche/kotse habang umaandar ito ng mabilis; siya'y tumalsik at halos mawalan ng malay. Ang ambulansya ay dumating pagkatapos ng 3 minuto. Nadoon ako, pinapanuod ko sila habang binubuhat nila si Jack; ang buto nya sa mga braso ay bali, basang-basa siya sa sarili niyang dugo at ang kanyang kanang paa ay halos mapahiwalay sa katawan.

Nuong kinakantahan siya ng mga tao sa loob ng ambulansya para mapawi ang sakit sa katawan niya, siya ay ngumiti at nagsimulang tumawa, napatigil at natakot ang mga taong malapit sa kanya. Sila ay nalilito dahil nagsimulag magsalita si Jack.

"Nadito ka na, matagal na kitang hinihintay" ngumiti siya pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.

Napakaganda ng trabaho ko.

Naghihintay parin ako sa katulad nuong aleman(german) na may nakakatawang bigote.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon