D1

506 17 3
                                    

Shirley's POV

(40's-20's year)

"Mahal na mahal kita Drake." Sabi ko kay Drake habang nasa bakuran kami ng mansyon.
"Mahal na mahal den kita Shirley." Sabi nya sabay halik sa noo ko.
"Pagmasdan mo ang mga bituin Shirley. Nagniningning,ang gaganda. Kung may ihahalintulad man ako sayo,isa kang bituin. Ikaw kase ang ngapapaliwanag sa madilim kong buhay at ikaw ang nagniningning na babae sa paningin ko." Sabi ulet ni Drake.
"Salamat Dra--". Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil narinig kong tinawag nako ng aking ina.
"Shirley!!!" Umaalingawngaw nanaman ang nanggagalaiti at nakakatakot na boses ni ina sa buong lupain ng San Aquino o mas kilalang BernarLameo .
"Andyan na po!" Sabi ko at nagpaalam na kay Drake.
"Magiingat ka mahal." Sabi ko.
"Pangako. Ikaw den." Sabi nya at dali-daling umakyat sa pader ng mansyon.

"Ikaw! Nakipagkita ka nanaman kay Drake ano?!" Sabi sakin ng aking malupit na ina.
"Hindi po ina." Sabi ko sa nanay ko.
"Senyora Gigi,pinapatawag po kayo ni Senyor Alan." Sabi nung isang katiwala namin.
"Susunod nako. Ikaw Shirley ha,sa susunod. Pag nakita ko pa ang muka ng Drake na yan na kasama ka,hindi ako magdadalawang-isip na saktan sya kahit mayaman sya!" Banta ni ina sabay alis.

Pumunta ako sa kwarto ko. Umiiyak.. Tuwing naaalala ko ang sinabi sakin ni ina kahapon,gusto kong tapusin ang buhay ko. Pero ayoko sapagkat mahal na mahal ko ang aking kasintahan.

*Flashback*

"Shirrley!! Diba sabi ko sayo ayokong nakikipagkita sa Lagdameo na yan?!"
"Ina bakit? Wala namang masama sa Lagdameo ah!"
"Hindi mo alam ang storya sa pagitan ng dalawang pamilya! Kaya hindi mo nararapat husgahan ang desisyon namin!"
"Ina bakit?! Sa tingin nyo ba hindi ko alam iyon?! Kinuwento sakin ng aking kaibigan na si Ate Camille na hindi nagkakasundo ang pamilya Lagdameo at Bermardo dahil sa lupa at kayamanan. Ngunit ina,intindihin nyo po sana kami dahil nagmamahalan kami ni Drake."
"Hindi maari Shirley. Ikakasal kana kay Adrian sa isang taon! At wala nang makakapigil nun!"

*End Of Flashback*

Hindi. Ayoko. Ayokong pakasalan si Adrian dahil may kasintahan ako at mahal namin ang isa't isa ng lubos!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

So any comments?? Suggestions?? Feedback?? FEEL FREE TO COMMENT ⬇️ ‼️

Masyado bang tagalog?! Haha!! Nano-NUSBLID naden ako eh! HAHA!! Pero okay den ba?! Mianhe! May nabuo nanaman kasing plot sa utak ko kaya nagfi-feeling author ako!!

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon