Chapter 10 - Maybe, That's Love.

116 0 0
                                    

Naging maayos ang buong vacation ko, yung kwintas na ibinigay sa akin ni Justin tinago ko na lang sa jewelry box ko. Ayoko kasing suotin yun sa pasukan dahil baka kapag nalaman na nila na galing yun sa kaniya magkaroon pa ng bagong issue tungkol sa amin, gaya na lang ng ibang tao na nagkakaroon ng mahal na hindi naman sila ang mahal at ang masakit dun naghanap pa ng iba. Diba? Masakit yun, Oo, masakit na masakit pero hindi naman talaga yun natatanggap ng isang tao eh sadyang nasasanay lang siya sa ganoong pangyayari kaya nagiging normal na lang para sa kaniya. Siguro yun yung tinatawag nilang "move on".

[January 2009]

Pagbalik namin sa school, nagpagawa lang ng mga essays about sa bakasyon namin. Inannounce na rin ng aming teacher sa MAPEH ang sa about sa aming group dance presentation na magiging grade namin para sa semi-finals.

Makakalaban daw namin ang mga 1st year sections kaya dapat talagang paghandaan. "Let's do this once again!" sabi ni Mimi sabay tayo at nakataas pa yung kamao. "Sit down Mimi.." sabi ni sir. 3 groups ang sasayaw per sections therefore merong 9 groups lahat sa buong 1st year na magpe-present.

Tatlo ang magiging leader, si Mimi, Rocky at Justin daw. (Ha?!) sabi ko sa isip ko. "Kasi class, yang mga leader na napili ko meron naman silang background sa dance eh. I promise" sabi ni sir. Hindi ko alam kung tadhana pero sa grupo ako ni Justin napunta, basta kung ano man ang mangyayari dito siguro pipigilin ko na ang sarili ko na mahalin pa siyang muli, muli? Oo, hindi man ako sigurado kung naka move on na ako o hindi ko na siya mahal basta alam ko namang kaya kong kontrolin ang sarili ko sa nararamdaman ko.

Ilang araw lang at nakapagproduce na ng music, kanta para sa sayaw namin "Apologize by One Republic" daw ang kakantahin namin. Kaya after 1 week siguro ng counting sinimulan na naming magpractice with music.

Magkakaroon daw ng partner sa ibang part ng sayaw, napunta pa ko sa kaniya kainis naman. Alam kasi ng mga kaklase ko yung about sa amin, hindi naman siguro lahat pero karamihan sa mga girls merong alam tungkol dun. Nung una nailang pa ako kapag naghahawak ng kamay pero habang tumatagal kahit hindi ako naga-eye to eye contact sa kaniya hindi na ako masyadong nahihiya pa.

Apologie - One Republic

I'm holding on your rope, 

Got me ten feet off the ground

I'm hearin what you say but I just can't make a sound

You tell me that you need me

Then you go and cut me down, but wait

You tell me that you're sorry

Didn't think I'd turn around, and say... 

Nung dumating na ang araw ng sayaw namin, sinigurado kong hindi ako magmumukhang kawawa. Siguro sabihin na lang nating naisip kong baguhin ng kaunti ang sarili ko kahit ngayon lang, si Mimi kasi ang kulit eh. Siya din ang nagayos sa akin, blue ang theme ng group namin kahit daw ano basta blue ang suot. High socks, paldang black at blouse na may nakalagay na glowing "fight" at nilagyan din namin ng glitters yung katawan namin, silver and gold. 

Okay na sana ang lahat nang biglang dumating yung mga 2nd year students, teacher din kasi nila yung teacher namin sa MAPEH kaya ganun. Ang sama ng tingin sa akin ng grupo nila Kim pero isa lang ang nasisigurado ko, magselos man siya sa pagiging magpartner naming dalawa ng boyfriend niya. Ipapakita ko na hindi ako naapektuhan, kahit ngayon lang..

Apologize - One Republic

I'd take another chance, take a fall

Take a shot for you

And I need you like a heart needs a beat

But it's nothin new

I loved you with a fire red-

Now it's turning blue, and you say... 

"Sorry" like the angel heaven let me think was you

But I'm afraid... 

It's too late to apologize, it's too late

I said it's too late to apologize, it's too late

Nung dumating na ang turn namin para sa steps with partner. Tinitigan ko lang siya, hindi naman ako umirap o tumingin ng masama. Tumitig lang ako, ganun din siya pero ang maganda hindi kami nababahala na magkamali dahil ni-rehearse namin to ng matagal at maayos.

Nang matapos na yung sayaw namin ang huling posture namin ay halos nakadikit na ang mukha ng boys sa bandang leeg at tenga ng girls. "Im sorry, so sorry.." sabi niya, Oo. Naintindihan ko ng maayos yun pero di ko na lang pinansin siguro "It too late to apologize.."

Marami sa ating mga nagmamahal ang nakakaranas ng masayang feeling, yung tipong puro lang "love", love na puno ng magagandang alaala pero siguro wala namang hindi makakaranas o nakaranas ng pighati pagdating sa pagmamahal. Naniniwala ako na kung hindi man ngayon, bukas o sa makalawa darating din ang panahon na masasaktan ka, hindi dahil nagkulang ka o mali siya kundi dahil "Nagmamahal Ka!"...

“Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.” - Bob Ong

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon