Kasey's POV
'Be my girlfriend'
'Be my girlfriend'
'Be my girlfriend'Paulit-ulit kong naririnig ang mga katagang yan sa utak ko. What did he say!? OMFG!
Natulala ako sa sinabi nya. Kaya naman ay di ako agad naka salita. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit di pa rin ako nakakapagsalita. Parang umurong ang dila ko sa sinabi nya. Wtf!? Girlfriend!?
"Anak, dinner is ready." sabi ni mommy mula sa labas ng aking kwarto.
Naka uwi na ako at gabi na pero diko pa rin makalimutan yung sinabi ni ken sa akin kanina, lahat lahat.
Flashback
After kong matulala ay tinignan ko sya kung seryoso ba talaga sya sa sinabi nya o hindi. Pero nang tignan ko ay wala kang makikitang pang aasar o pang loloko sa kanyang nga mata.
Kaya naman ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. Diko alam kung bakit bigla bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko lately sa tuwing may ginagawa o sinasabi sya sakin. Kahit simpleng pagtitig lang nya kanina ay bumibilis na ang tibok ng puso ko pero ayoko lang talagang magpa apekto. Ay ewan!
Nawala ako sa pagkakatulala ko ng bigla nyang iwinagayway ang kamay nya sa harap ng mukha ko.
Nakakunot ang noo nya.
"Are you okay with that?" Nakataas kilay na tanong nya.
"Bakit ako pa?" nakakunot noong tanong ko.
"Why? Do you have a problem with that? I want you to be my girlfriend that's all. Not a real girlfriend it's just a pretend girlfriend. Don't be so OA" Umiirap na sabi nya. Ang sungit talaga! Sya na nga tong may kailangan e.
"Ahh basta ayoko!" sabi ko at nag cross arm pa.
Nag taas sya ng kilay sakin "Wala ka ng magagawa, you're my slave remember? Lahat ng gusto ko gagawin mo. Lahat ng iuutos ko gagawin mo. Maybe nagulat ka lang sa sinabi ko kanina, dahil isang gwapong katulad ko ang nanghingi sayo ng tulong na magpanggap na girlfriend. Pretend lang kasey. Wag OA. I'll give you 1 day for that. 1 FUCKING DAY KASEY." Sabi nya at umalis na sa sala at nagtungo sa kanyang kwarto.
Kapal naman ng mukha ng isang yun! Gwapo!? Potek sarap manuntok! Nagbigay pa talaga sya ng isang araw ha!? E kahit naman di na nya ako bigyan pa ng isang araw e! Duh!? As if may magagawa pako. Wala na nga daw akong magagawa diba!? Tanga lang ken? Tanga lang? Aaaaaaah! Nafrufrustrate na talaga ako dito sa puso kong kanina pa tumitibok ng sobrang lakas, parang may karera e!
End of flashback
Anong gagawin ko?
Nagising ako sa realidad ng biglang may kumatok ng napaka lakas sa aking pinto.
"Kasey anak!? Are you okay!? Open this door anak! What are you doing!?" Nagpapanic na sigaw ni mommy sa labas. Paktay! Nakalimutan kong tinawag na pala ako kanina para kumain at hindi ko manlang narinig ang pagtawag nila sa akin ng paulit ulit.
Tumayo na agad ako sa kama at binuksan ang pinto. Nadatnan kong nakatayo si mommy at daddy sa tapat ng aking pinto, nakakunot ang noo at bakas ang pag aalala.
Ang OA pero mahal ko tong mga to!
"Are you okay anak? Bakit dika manlang nagsasalita. Ilang beses kong kinalampag ang pinto mo kala ko kung ano na ang nangyari gosh!" sabi ni mommy at sabay yakap. Napatingin ako kay daddy na umiiling iling nalang sa kaOAyan ng mommy ko.
******************
Hey guys! How are y'all today!? It's been a month since nag-update ako*^O^*Vote●Comment

YOU ARE READING
My Slave is my Fiancée?!
Fiksi RemajaPaano pag nalaman mong ang slave mo ay iyong fiancée?! At ito pa, nagpanggap kayong mag girlfriend, boyfriend para lang makatakas dyan sa 'kalokohan' (which is sabi ni kenshin) ng mga magulang nyo! Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga magulan...