Chapter 6

19 1 0
                                    

Chapter 06

Blaire's POV

"Sa ngayon, dito ka muna titira."

Iginala ko ang mata ko sa buong kwarto at napansin kong may pagkakahawig ito sa kwarto ko. Hindi naman ito kalakihan, sakto lang para sa akin. Kulay kahel ang pintura ng buong kwarto, may higaan din sa isang kwarto na pang isang tao lamang at may dalawang malalaking bintana sa gilid nito. May sofa rin at may malaking flat screen na tv.

Dinala ako dito ni Madam Ysha matapos ang paguusap naming dalawa. Hindi parin magsink in sa akin ang mga sinabi niya. Hindi ko maimagine na nasa isang panaginip ako.

Hinigit ko ang bagahe ko at inilagay ito sa tabi. Dali-dali akong tumakbo at tumalon sa higaan ko.

"Kung may kailangan ka, tawagan mo na lang ako," 

Matapos niyang sabihin 'yon ay isinirado na niya ang pinto. Ngayon, ako na lang ang magisa sa kwarto.

Napatingin ako sa kisame ng kwarto. Hindi mo talaga masasabi na isang panaginip lang 'to. Parang totoo lahat ng makikita mo. Nahahawakan mo, nararamdaman mo at aware ka sa panaginip na 'to. Which is not normal, dahil kapag nanaginip ako oras na magising ako sa panaginip ko ay automatic na magigising na ang katawang lupa ko, pero ngayon iba na ang kaso.

Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa itaas ng drawer. Tumayo ako upang alamin kung totoo ba ang nakikita ko. Kumunot ang noo ko matapos kong makita ang mga nakasulat doon.

Year of 2100

Nanlaki ang mata ko ng marealize ko ang nabasa ko.

Sht. Ibig sabihin nasa future na ako? All along nagsimula na ang task? Bakit hindi sa akin sinabi ni Madam Ysha ang mga 'to? Sumasakit ang ulo ko dahil hindi maprocess lahat ng nangyayari sa utak ko.

Una, natulog lang ako nung isang gabi at pagkagising ko ay nasa panaginip ko na ako, Pangalawa, si Madam Ysha. Anong klaseng tao siya? Tao ba siya o halimaw na nagpapalit ng anyo?  Pangatlo, ang task na sinabi niya sa akin. Hindi pa niya masyadong naipaliwanag ang lahat dahil kumatok si August noong naguusap kami kaya no choice siya. Pangapat, sino ba ang sinasabi niyang future self ko? Saan ba siya nakatira ng matapos na ang kalokohan na 'to. Panglima, nasa 2100 ako at nasa future ako. Sinong baliw ang maniniwala na isang ordinaryong tao ang makakita ng future? at panghuli, ordinaryo pa ba ako nito? o alien na rin ako katulad ni Madam Ysha?

"Ay pusang kinalbo!"

Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig kong may kumatok sa pinto. Dali dali akong tumayo at binuksan ito.

Nakita ko ang isang babaeng kasing edaran ko lamang na nakangiti habang hawak hawak sa kaliwang kamay nito ang tupperware na may lamang pagkain. Maputi ito at slim ang katawan na kulay brown ang buhok na kulot.

"Hi! Bagong lipat ka dito diba? Ako nga pala si Marian! Nice to meet you!" nakangiting aniya at inilahad ang kanyang kamay.

Kinuha ko naman ang kamay niya at nakipagshake hands rin. Ayoko namang magmukhang masama sa kanya no. At isa pa, ang approachable niya sa akin at winelcome pa ako.

"Hello! Ako si Blaire! Nice to meet you rin!" nahihiyang sabi ko sa kaniya. "Pasok ka!" anyaya ko pa.

Tumango naman siya at pumasok sa unit ko. Inilapag niya ang dala dala niyang pagkain sa lamesa at umupo sa sofa.

"Ikaw lang magisa dito?" tanong niya habang iginagala ang kanyang mata.

Tumango ako sa kanya habang inilalagay ang binigay niyang pagkain sa isang plato. Nakita ko pa siyang tumayo at naglakad sa bintana sa kwarto ko upang tanawin ang view.

Mag-aalasais na kaya palubog na ang araw. Maganda ang view dito dahil nasa mataas akong bahagi ng condo.

Inalapag ko sa mesa ang pagkain namin. Napansin niya naman na tapos na ako magprepare kaya bumalik na siya sa kinauupuan niya at kumuha ng pagkain.

"Kakalipat mo lang dito 'no?" Tanong niya habang subo subo ang spaghetti na kinakain niya. Napatawa naman ako sa inakto niya. Para siyang bata. Nagpeace sign naman siya dahil napansin siguro niya ang mahinang pagtawa ko.

"Haha. I'm sorry! Ganto lang talaga ako kumain haha," tawang aniya habang pinupunasan ang natirang sauce sa kanya bibig.

"Okay lang no! Tayo tayo lang rin dito!"  natatawang sabi ko.

Kinuha ko ang remote upang buksan ang tv para naman kahit papaano e maaliw siya. Nagkwentuhan rin kami ng kung ano ano. Napagalaman kong 1st year college na siya at HRM ang kinuha niyang course which is same kami. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Nagiisa lang siyang anak kaya spoiled daw siya at inaadmit naman niya 'yon. Nagcondo daw siya dahil gusto niya ng maging independent at isa pa ay malapit lang ang school niya dito.

"Buti na lang kahit papaano e lumipat ka dito kasi sobrang nababagot ako dito. As in. Wala akong makausap dito kaya nung nakita kita kanina sinabi ko na agad sa sarili ko na parang same tayong at magkakasundo tayo kaya 'di na ko nahiya at pumunta dito!"

"Bakit? Ayaw mo ba ng mga tao dito?" tanong ko sa kanya habang nguya nguya ang spaghetti.

"Honestly, ayaw ko talaga. Halos kasi fangirls ni Cayden dito tumira! Nakakairita pa. Everytime na baba ka makikita mo yung mga babaeng may hawak na mga banners tapos nagsisigaw. Wala naman akong magawa dahil ito lang ang malapit sa school ko kaya no choice na rin ako,"

Napatigil ako bigla sa pagkain ng may nakita akong bumagsak ng kung ano sa labas ng bintana. Napansin naman agad ni Marian ang pagtigil ko sa pagkain kaya tinanong niya ako kung okay lang ba daw ako. Ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot sa tanong niyang 'yon.

Baka guni-guni ko lang 'yon.

Napagdesisyunan na ni Marian na umuwi na sa kalapit na condo. Sabi niya sa akin ay next time makikisleepover daw siya dito sa akin. May tatapusin daw kasi siya ngayong gabi. Tumango ako sa kanya. Wala naman sakin problema 'yon dahil kahit papaano ay close naman na kami.

Kinuha ko ang tuwalya at pumasok sa cr. Gusto kong magshower muna bago matulog dahil may bumabagabag sa isipan ko.

Napapikit ako habang patuloy na dumadaloy ang malamig na tubig sa aking mukha. Namimiss ko na sila. Kamusta na kaya sila Mama? Si Mira? Anong ginagawa nila ngayon? Uminom na kaya si Mama ng gamot niya? Ano na kaya nangyayari doon? Namiss na ba nila ako?

Nang matapos ako ay kinuha ko ang tuwalya ko at ipinahid ito sa aking mukha at katawan. Nagpalit ako ng damit at lumabas ng unit.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko, narealize ko na lang na nasa rooftop ako.

Dito, tanaw na tanaw ko ang malaking buwan. Maraming mga bituin ang nagkalat sa kalawakan at nagniningningan silang lahat. Ang ganda pagmasdan. Ewan ko ba kung bakit pero gumagaan ang pakiramdam ko tuwing titingin ako sa kanila.

Napatingin ako sa paligid.

Maraming naitayong bagong gusali. Nagbago ang mga sasakyan at lumiwanag ang buong syudad. Nakakamiss rin pala dati. Noon, noong nakapunta kami dito ay hindi ganito. Konti palang ang mga naitatayong gusali. At hindi pa ganoon kapolluted ang lugar na 'to.
Nagbago na talaga ang kultura ng mga Pilipino. Sa isang daang agwat ko sa totoo kong buhay ay malaki ang porsyento na maraming nangyari. Maraming nagbago.

May kung anong bumagsak sa likuran ko na nakalikha ito ng ingay.

Hindi agad ako nakagalaw ng makaramdam ako ng presensya sa aking likuran.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko at unti unting lumingon. Kahit nanginginig ang buo kong katawan ay pilit kong ihilig ang aking ulo para makita kung sino ang nasa likuran ko.

Ngunit sa paglingon ko, walang bakas ng kung ano.

Wala.

Walang tao.

Ako lamang ang tanging nandito.

Siguro pagod lamang 'to.

Siguro nga.



Itutuloy..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon