A/N: Pagkatapos nito ay yung part two na ng "Salamin at Lipstick".
~*~*~*~*~*~*~
Ang saya-saya ko ngayon! Alam nyo kung bakit? Kasi ang ganda ng panaginip ko eh. Hehehehe! Alam nyo ba sa panaginip ko ay naging si Dora ako tapos naging si Barney tapos sa huli naging yung naka pink sa power rangers! Tapos sumisigaw-sigaw pa ako ng "HAYA!" at "WAG MONG SASAKTAN SI DORAAAAAA!!! HUHUHUHUHU!!!". Naiyak pa nga ako nung akala ko papatayin nila si Dora eh.
"~NEVER MIND I'LL FIND, SOMEONE LIKE YOOOOooooUUUUUuuuuu~!!!! I WISH NOTHING BUT THE BEST FOR YOoooooOOOuuuuu TOOOoooooo!!!!!!!!!!~"
Ano ba 'yan! Panira ng moment sa pakukwento eh! Sino ba 'yang kumakanta na iyan?!
*Tingin sa kaliwa*
*Tingin sa Kanan*
ahhhh! Si Grizzly Bear lang naman pala eh!
"GRIZZLY BEAR!!!" tinawag ko siya pero mukhang hindi niya ako napansin kasi patuloy parin siya sa pagkanta.
"~DONT FORGET ME!!!!!~"
"Yoooohoo~!" tinawag ko siya pero mas nilakasan pa niya ang pagkanta niya.
"~I BEEEHHHHGGGG!!!~"
"JACOB!" mukhang umepekto naman kasi agad naman siyang napatingin saakin.
"ANO BA!? KITA MONG KUMAKANTA AKO EH!" sinigawan niya ako with matching nakakunot ang noo. Siya pa talaga may karapatang magalit? Huhuhuhu! Ang sama sama niya!
"Hehehehe, pwede bang paki-hinaan ng boses mo, grizzly bear? Baka mabasag mo ang mga bintana dito sa school eh. Baka nga magising ang mga engkanto sa lupa at kunin ka. Syempre ayoko naman mangyari yun kasi malulungkot ako. Hehe..." pakiussap ko sa kaniya. Pero sa tingin ko mas lalo siyang nainis kaya nag-walk-out siya. Hayyy... Ayos lang, sanay naman ako na ganiyan siya eh. Nasa dugo talaga niya ang pagiging masungit.
Ako nga pala si Brittany Sumner, half British ako, pero may accent lang ako sa tuwing nag-i-english ako. Yung kanina ko nga palang kausap si Jacob Tan, boyrfriend ko siya. Nakalimutan ko nga kung paano naging kami eh, hehehehe. Basta ang alam ko lang ay Grizzly bear ko siya at Teddy bear niya ako.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories ( Romance ) [REVISED!]
Historia Corta'Wag kayong mawalan ng pag-asa at sabihing "Wala namang nagkakagusto saakin. Paano pa ang may magmahal saakin"? Tandaan nyo, ang buhay ay Weather weather lang. (Joke lang!) Tandaan nyo, may isang tao na tatanggap sa'yo kahit sino ka man. -SaneWoman...