Katakot Experience
Alam ko pong ilan lang ang naniniwala sa multo, at isa na ako don. Kasi sabi ng tita ko, hindi ako maniniwala hanggat hindi ako mismo ang nakakita o nakaramdam. Pero nagbago ang paniniwala ko ng mkaranas na ako ng mga nakakapangilabot na pangyayari. Tulad ng....
DEAD BODIES
Noong Year 2005.10 years old ako non-
6:30 ng gabi. Brown'out at medyo malakas ang hangin. Nag kukwentohan kami ng aking ate at pinsan sa kwarto ng ate ko. About sa mga horror movies ang aming topic. Ewan ko kung anong npasok sa utak ng ate ko ng sinabi niyang maglalaro kami sa labas. Tatawagin dw namin ang mga espiritong malapit dw saamin. Pumayag naman kami ng pinsan ko dahil ayaw naman naming matawag kaming duwag. Kaya lumabas kami ng bahay na may dalang mga kumot at flashlight. Umupo kami sa damuhan ang pinalibutan ang flashlight. (Nakita nya daw sa movies) at naghawak2x kamay kami. At sabi niya kong sino daw una bumitaw masasaniban daw ng espirito. Pumikit kami. Tinatawag na niya ang spirito (hindi ko na maalala kung paano niya tinawag. Tagal na kasi) 5x na nya natawag ay huminto na siya at nakiramdam sa paligid. Biglang tumahimik ang paligid, walang hangin ang nag-iingay.as in tumahik tlaga. Bigla nlang humigpit ang kapit ng ate ko sakin. napapangiwi ako dahil ang higpit na ng pagkakahawak niya. iminulat ko ang mata ko at ganun nalang pagkagulat ko ng biglang lumakas ang hangin at nakita kong nakahandusay na ang ate at pinsan ko na puro may kalmot sa pisngi at puro dugo ang damit. Nakahawak parin sila sa akin. Hindi ako mkagalaw o makaimik. Tumutulo lang ang luha ko. Tinatangay ng malakas na hangin ang buhok ko at papunta sa mukha ko kaya npapikit ako ulit. Pagkamulat ko bigla ko nalang naririnig ang boses ng pinsan at ate ko na tumatawag sakin. Natulala akong nkatingin sa kanila.hindi na malakas ang hangin. Niyakap ko sila pariho. Tinawag naman kami ng tita ko dahil bumalik nadaw ang ilaw. Pumasok na kami non. Sobrang takot ko talaga sa nakita ko. At nong kinwento ko sa kanila, natawa lang sila dahil sobra daw akong mag isip. Kaya pinagsawalang bahala ko nlang.
MANYAK NA MULTO
Year 2012-17 years old ako-
Pagkatapos kong manuod ng GGV ay naisipan ko ng pumunta ng kwarto. Mag-isa nlang ako sa kwarto ng ate ko dahil nag-asawa na siya. Nagtetext ako habang nakahiga.hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakahintay ng reply. 1am ng madaling araw nagising ako. Hindi ko alam kong bakit ako nagising. Nakaramdam ako na parang may naglalakad sa kusina(magkatabi lang kasi ang kusina at kwarto ko). Pero hindi ako makagalaw o makaimik. Parang may nagpipigil sa akin na gumalaw. Mata ko lang ang gumagalaw. Papalapit ng papalapit ang mga footstep sa kwarto ko hanggang sa narinig kong bumubukas ang pintuan.nanginginig na talaga ako.pero hindi parin ako makagalaw. Mumalapit ang mga footstep sa kama ko at huminto ito.hindi ko sya makita dahil nakatalikod ako. Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko at niyakap ako. Abot langit na ang kaba ko dahil iniisip kong magnanakaw yun at may masamang balak pa sakin. Sinubukan kong gumalaw, pinagpawisan na ako at naiiyak narin ako. Naramdaman ko ulit na hinigpitan niya ang yakap sakin at narinig kong para siyang natumawa ng mahina sa tinga ko na para bang natutuwa dahil nahihirapan na akong gumalaw. Napag-alaman kong lalaki sya basi sa boses niya.unti2x kong pinapagalaw ang mga paa ko ng unti2x niya ring pinapasok ang kamay niya sa pajama ko. Don na ako sobrang kinabahan at nilabanan ko talaga ang parang dumadagan sakin para mkagalaw ako. At binanggit ko ang name ni lord. Don kolang nagalaw ang buo kong katawan. Humarap agad ako sa likod para malaman kong sino ang taong yumakap pero laking gulat ko ng wala namang tao. At kanasarado ang pinto. Sobrang pinagpawisan ako non. Dali2x akong uminom ng tubig at ng dasal. Nakalimutan ko pala non ang magdasal dahil nkatulog ako. Dahil don hindi na ako nakatulog ng maayos.
FATHER&CHILD
Year 2013--
9pm ng gabi. Umalis ako non papuntang bahay ng bf ko dahil may ibibigay dw siya. Anniversary namin non. Kasaman ko ang pamangkin kong elementary pa. Nagmomotor kami (ito yung motor na parang jeep ang style). Nakarating kami sa bahay ng bf ko. Itinabi ko ang motor. Bumusina ako sa tapat ng bahay nila.hinintay kong lumabas siya. Pero walang lumabas kaya bumaba na ako. Before ako nakababa napansin ko ang isang lalaki at may kasamang bata sa unahan. Puro sila nakaputi, yung lalaki nakasumbrero na puti rin. naglalakad sila at magkasalubong kami(Nasa gilid ng Highway road kasi ang bahay nila). So hindi kolang rin pinansin at bumaba naako sa motor. Naglalakad parin ang mag-ama na nkaputi palapit sila ng palapit. Tatawid na sana ako ng may bumusina na sasakyan. At nung tumingin ako ulit sa gawi ng mag-ama, nawala nlang sila bigla nong dumaan ang sasakyan. Sa isip ko baka lumiko ng daan. Pero wala namang daan don kasi nga highway at isa pa palayan ang nandon. Hindi ako tumawid papunta sa bahay ng bf ko. Bumalik ako sa motor at tinanong ang pamangkin ko kung may nakita basiyang mag-ama na dumaan, baka kasi tumawid sila pero wala dw siyang napansing tao na naglalakad. Kaya don na ako kinabahan at namamawis narin ako. Tinawagan ko agad c bf at sinabi nyang nagbibihis pa daw siya. At nong lumabas na siya at pumunta sa kinaroroonan namin. Agad ko siyang tinanong kong may kapitbahay ba silang mag ama. Sabi niya wala daw. Sabi ko may nakita akong mag-ama kanina lang pero nong dumaan ang sasakyan nawala nlang sila bigla. At ang sagot niya sa akin ay nagpanginig saakin. Sabi niya "noong isang linggo kasi may mag-amang nasagasaan ng 10 wheeler truck diyan sa unahan. Baka nagpakita sayo dhar."(dhar tawagan namin.hihi)
Simula noon ay naniniwala na ako sa mga multo2x nyan o spirito. Mga kaluluwang nagpakalat2x lang sa ating paligid..
Hanggang ngayon may nagpapakita o nagpaparamdam saakin.pero pinagsawalang bahala ko nalang.kasi kahit anong gawin ko, hindi na siguro ako tatantanan ng mga ligaw na kaluluwa.Vote!!!

BINABASA MO ANG
Horror Stories
HorrorAng mga kwento ay batay sa mga tao na naka experience ng nakakatakot na pangyayari sa kanilang buhay