House In Cemetery

68 15 0
                                    


Hi I'm Angel. Actually it was my first time to share a story sa page na'to. By the way, kwento ito ng aking pinsan, di ko na imemention kung taga saan sila. Matagal na 'to pero I just want to share this to you. Yung structure ng bahay nila ay parang bahay kubo, yung bahay na may 4 na paa na kung saan yung ilalim ay pwedeng maging bahay ng mga manok halimbawa. Pero yung sa kanila yung ilalim ay ginawang tambakan ng mga junks nila kasi nga may junk shop sila. Tas yung sa harap nila ay nagpatayo sila ng isang maliit na silid para sa computer shop nila. 6 silang magkakapatid ( 4 boys, 2girls). So eto na nga yung kwento. Nagcocomputer yung 2 magkapatid: 1 lalaki (about 24 years old, tawagin nating kuya Em) at 1 babae (14 years old that time, tawagin nating Ate Lor), magkatalikuran sila and ang distance ng pc na ginagamit nila ay mga 2 seats siguro. And vacant yung seats na yon. Meron doon isang customer na nanunuod lang kay Kuya Em, dun sya nakaupo sa left side ni kuya Em. While si ate Lor ay nasa right side ni kuya Em pero yun nga magkatalikod sila. Napansin ni kuya chris(kuya nilang panganay) na itong si ate Lor ay bigla nalang yumuyuko na parang may tumutulak ng ulo nya. Si kuya chris ay nakasilip sa bintana facing the comp shop (bale yung bintana ng bahay nila kasi ay nakadugtong na sa comp shop kaya pagsilip mo don comp shop ang labas). Tinanong ni kuya chris kung bat sya yuko ng yuko sabi nya "Pano si kuya Em sapok nang sapok sakin" ( 3times na syang yuko ng yuko). At galit na galit sya kay kuya em kasi ang buong akala nya si kuya Em yon. Sabi ni kuya chris "kanina pa ko nakasilip dito pero busyng busy si Em kakadota at ang layo nya sayo". Hindi naniniwala si kuya chris sa kanya kasi baka nananakot lang si ate Lor pero that night pinagusapan nila yon at inamin ni ate Lor na totoo nga yon.
Ang daming kwento sa bahay nila na yon, meron pa yung natutulog sila. Bale dun natutulog sa kwarto ng parents nila yung 3 pinakabata sa magkakapatid yung 1 lalaki na bunso, 1 babae na pang lima sa magkakapatid (tawagin nating Roann) at si ate Lor. Dun sila nahihiga sa papag, while mame at dade nya ay sa bed.( kasi di sila kasya). Habang natutulog na ang lahat, out of nowhere nagising si Roann kasi ginaw na ginaw sya at ang tanda naman nya nakakumot sya before matulog. Nung dumilat sya nakita nya yung kumot nya umaangat pataas di na maabot ng kamay nya para makuha ( hindi mo masasabing hinangin lang kasi close lahat ng window kasi nakaaircon sila) sa sobrang takot she decided na pumikit nalang at piliting makatulog pero di nya magawa. Then nung papaumaga na, nakita nya yung kumot nya na nakafold na, as in nakaayos na sya. Then nung umaga kinwento na nya sa mga kasama nya sa bahay. Another story sa bahay nila, almost 1am na daw nung pumanik ang 3 nakatatandang lalaki sa magkakapatid kasi kakasara lang ng comp shop nila non, dun sila natutulog sa papag lang din sa tapat ng pinto ng kwaro ng parents nila. Naglalatag lang sila don. So sa sobrang antok, nakatulog nang mahimbing si kuya em at kuya chris. While si kuya Jon(pangatlo sa magkakapatid) nakatulog na sya pero mababaw palang. Ang pinagmumulan lang ng liwanag ay yung buwan dahil nakabukas naman yung bintana na nasa ulunan nila. Maya maya biglang lumabas yung mame nya, naramdaman nya yon kase nga mababaw palang tulog nya. Dumilat sya ng konti, pero yung tipong nagaagaw antok na talaga sya kaya di nya ganong pinapansin. Naaninag nyang papunta sa cr yung mame nya. Nagtaka lang sya bakit hindi ito nagbubukas ng ilaw e ang dilim, malabo pa naman mata ni mame nya. Kaya sabi nya "mame bat di mo buksan ang ilaw" (sleepy voice) tas di sya pinapansin nakailang tawag sya sa mame nya. "Mame"... "Mame"... di pa rin sya pinansin e di naman ganon yung mame nya. Dun sya nabuhayan ng loob kaya dumilat sya at bumangon. Hanggang sa nakapasok na mame nya sa cr at dahan dahang sinara ang pinto. Inaabangan nyang magbukas ng ilaw pero di parin ito sinindihan. Iniintay nyang lumabas mame nya pero mga 2 mins na wala parin. Natatakot sya pumunta sa cr kasi baka wala naman mame nya don. So he decided na tawagin ang dade nya. Nung pagbukas nya ng pinto nakita nya yung mame nya na mahimbing ang tulog na katabi ng dade nya kaya dali dali nya itong ginising at tinanong "Mame, nagcr ka ba kanina? Baka kasi nanaginip lang ako" pero sabi ng mame nya hindi naman daw. Kaya sa sobrang takot nya dun na sya nakatulog sa kwarto ng mame nya. Nung kinaumagahan napagusapan nila ang mga naranasan ng magkakapatid at ikinwento na nung mame at dade nila na dati palang sementeryo yung bahay nila kaya maraming nagpaparamdam. Marami pang kwento pero yaan nalang muna. Di sila umalis sa bahay na yon dahil mas naniniwala sa Dios na di sila masasaktan non dahil masasamang espirito laang yon. Hanggang ngayon dun parin sila nakatira at sa awa ng Dios wala nang nangyayaring ganon sa bahay nila. Saka na po yung ibang kwento.

Vote!!!

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon