Ito ay totoong kuwento..
2007 ito nangyare hinding hindi ko ito nakakalimutan..
Pauwi ako ng Montalban kasi dun kami nakakuha ng Lote para tirhan...una hindi ako naniniwala sa mga kaluluwa,maligno at lamang lupa..kasama ko ang kuya ko on the way kami sa bahay namin ang sabi ng kuya ko mag short cut nalang kami sxepre diko pa alam kaya pumayag na ako...habangvtinatahak namin ang daanan papuntang palayan...sabi sa akin nung kakilala ng kuya ko na "Boy Mag iingat ka" sabi ko salamat po..
Sumagot ung mama na obet (name ng kuya ko) huwag mong hihiwalayan ang kapatid mo dahil may nakasunod sa kanya..tumango lang ang kuya ko...sabi ko sa kuya ko "kuya anong ibig niyang sabihin" sagot ng kuya ko "wala un..hayaan mo sxa"
Nagpatuloy kami sa paglalakad ng nasa palayan na kami nauna ang kuya ko ng dumaan kami sa may sapa pakiramdam ko may tumatawag sa akin sa may sapa..panay ang sitsit nito
Tapos sabi ko sa kuya ko "kuya antay" sagot ng kuya ko dalian mo kasi" sumagot ako na " eh sobrang putik eh"
Nagpatuloy kami sa paglalakad wala pabg 5min nawawala ung kuya ko..tawag ako ng tawag sa kanya..di sxa sumasagot...tapos may nakita akong naglalakad ng malaking kambing na may sungay kulay itim na may paa ng kabayo at kamay na matatalim ang kuko at nanlilisik ang pulang mata..nagulat talaga ako dun di ko maigalaw ang aking mga paa palayo sa kanya bagkus palapit sxa ng palapit sa akin..para daw akong namatanda kuwento ng Nanay ko kasi ung kuya ko nakarating na sa bahay at ako natatanaw nila na nakatau sa may palayan at takot na takot...ang gunawa ng nanay ko sinundo niya ako ng malapit na ung nilalang sa akin niyakap ako ng nanay ko ay nag wikang anak ko ito huwag nio sxang galawin..nawala ung nilalang at inaya na ako ng nanay ko sa bahay..sabi niya panay daw ang lakad ko sa sapa at sa palayan kaya sinundo na niya daw ako...
Kinuwento ko sa nanay ko ung nakita ko sabi niya natuwa lang daw sa akin so ok na kaso ng kinagabihan diba sa province 6pm plang kakain na tapos mga 7PM tulugan na.wala kasi kaming ilaw dun..ng nagkukuwentuhan sila nanay at ang step father ko bigla akong yumakap sa nanay ko sabi ng nanay ko "Bakit anak" sabi ko "Nanay may tao sa baba" tapos sinilip ng step father ko sabi niya wala naman sabi ko ayan na nanay papalapit na sxa nasa puno na sxa ng Saging ...bumaba ung step father ko at tinawag ung kapitbahay naming mag tatawas nakita ng magtatawas ung bisita ko inaaya daw ako dun sa sapa..nag pausok ung step father ko tapos nag aindi ung magtatawas ng kandila..kitang kita sa tawas yung itsura nung bisita ko...sabi ng magtatawas sa akin kinukuha daw niya ako kasi ako lang daw ang nakakakita sa bisita ko nayun.. kina umagahan dinalaw ako ng Magtatawas sabi niya sa akin pag ganun may nakikita kang dumaraan huwag mong papansinin kaai daw naka bukas daw ung ikatlong mata ko..
Sa totoo lang takot na takot ako nuon kasi first time ko makakita ng ganun...nag alay kami ng dasal at nag pausok kami ng insenso at kamanyang...nawala naman sxa...pero pag naiisip ko nuon kapag dumadaan ako dun until now..kinikilabu
tan ako..minsan nga pag nadaan ako dun nakakasalubong ako ng kung ano ano like naka pang magsasaka na duguan,may Hapon pa nga eh..dasaan lang sila ako ang ginagawa ko hihinto ako at tatalikod sa nadaan..
Sana nagustuhan nio ang kuwento ko...
Salamat..Vote!!!

BINABASA MO ANG
Horror Stories
HorrorAng mga kwento ay batay sa mga tao na naka experience ng nakakatakot na pangyayari sa kanilang buhay