Si Mommy at ang Batang may bola

35 9 0
                                    


Hi! I'm an avid reader here. Sana mapost 'tong gusto kong ishare sa inyo. And by the way, pangalawang beses ko nang nagshare ng story. Medyo mahaba 'to at hindi naman ganun kacreepy kaya salamat sa mga magttyagang basahin hanggang dulo.
So eto yun, October 2014 ng may dance contest na ganap sa school namin, bali bawat department ang magkakalaban. Nung time na yun gusto ko sumali sa mga magsasayaw, kaya lang tinatamad ako pumasok ng maaga para mag practice kaya abort mission ang ate nyo. Pero since kasali sa mga mag sasayaw ang bestfriends ko, nag participate na ko na ako na gagawa ng costume nila para magkakasama kami palagi. Clingyyy!
Practice sila sa umaga, tas kapag breaktime nandun ako sa pinagppractice-san nila para mag isip ng magandang gawin sa costume nila. Nung nakaisip na ko ng mga gagamitin namin sa costumes nila, bumili agad kami ng materials at sinimulan na namin ang pag gawa, madalas kaming inaabot ng 9pm sa school, kung saan bukod sa guard na nasa ground floor eh kami nalang ang tao sa buong building. Nung bagong lipat palang ako sa school na yun, usap usapan na yung tungkol sa bata at babaeng nagpapakita sa school, especially sa floor kung saan sakop ng dept namin. May time nun na may event ang taga ibang dept sa 7th flr, at dahil late na rin nun napag isipan namin magtrip, may telang manipis kasi sa room namin, yung parang net pero maliliit yung butas tinaklob yun nung isa kong kaibigan, tawagin nalang natin syang Jade, at dahil tabi ng hagdan ang glass door ng dept namin, dun tumayo si Jade at dahil gabi na tanging yung ilaw nalang ng exit sign ang nakasindi. Sobrang dilim na nun kaya ang daming natakot sa prank na ginawa ni Jade na pakiramdam namin ay naging dahilan kung bakit nagparamdam samin si ""Mommy"".
Ayun na nga, yung mga dancers pasok maaga para sa practice tapos ako naman magtatahi ng costumes. Ganun lagi sa hanggan sa tuwing gabi ilan nalang kaming natitira, dito na nangyari yung may bigla kakatok mula sa kabilang room kung saan wala namang tao. May biglang may papatalbog ng bola. May time pa nga na may mga naghihila ng upuan sa mga room na nalock naman na. May sisitsit. Dito na rin nangyari yung biglang tumunog sa phone ng isa naming dancer yung ""mommmyyyyy"" yung sa feng shui ata. Nagkatakutan talaga kami nun. Kaya dali dali nyang pinuntahan yung phone nya na nakacharge sa bandang unahan ng room.
Nung sumunod na araw naman, dahil gaya ng sabi ko kami nalang palagi ang tao sa buong building bukod sa guard, nagulat kami ng may marinig kaming footsteps papalapit sa room kung saan naroon kami. Since, si Jade ang pinaka malapit nun sa pinto, sya ang tinanong namin kung may tao ba sa labas, pero nung sinilip nya sa maliit na salamin sa pinto, wala syang makita kundi hallway na wala kang maaaninag sa sobrang dilim. Mga 9:30pm na siguro nung nag kaayaan na kaming umuwi, edi wala na talagang ilaw sa buong dept, kaya nagsisiksikan kami habang hinihintay namin na mailock yung room. Nung naglalakad na kami papunta sa glass door palabas ng dept, natakot kaming lahat nung bigla tumunog yung glass door samantalang wala pang nakakalapit samin dahil nagsisiksikan kami. Nung tinapat nila yung flashlight ng phone nila sa glass door, dun ko napansin yung babaeng nakatayo sa may hagdan. Sa isip ko nun, ""baka sya yung sinasabi nilang babae"". Di ko na sinabi sa kanila yung nakita ko since isa ako sa pinaka matanda sa mga kasama nila that time, sinabihan ko nalang sila na magmadali sila pababa.
At eto na nga, eto na yung sumunod na gabi kung san 6 lang kaming naiwan sa room na yun para gumawa ng costume, bali yung room na yun ay nasa pinaka dulo ng dept namin. 3 babae, 3 lalaki kami nun. Bali nandun kami sa pinaka dulong part ng room kung san nandun yung malaking table. Lima kaming nagtatahi at yung isa naman hinila yung isang upuan malapit sa amin at dun humiga habang nagccellphone. Nung time na yun, yung katapat ko eh talagang nakakakita ng mga kung anu ano. Napansin nyang di na ko komportable lalo na nung biglang may nalaglag na gamit sa likod namin ni Jade. Nung una talaga di ko na pinapansin kahit na may bumabatok sa exhaust fan na nasa taas ng sinasandalan naming pader ni Jade. Nagsesenyasan kami nung katapat ko na may something sa ilalim nung table hanggang sa may biglang bata na may hawak na bola ang dumaan sa ilalim ng table at sa tapat ko pa mismo kaya sa sobrang takot at gulat ko napatayo ako, muntik ko pang maitusok sa mukha ko yung karayom na hawak hawak ko at nung time na yun hindi na lang pala ako ang nakakita. Kasi biglang iyak din yung dalawang babaeng kasama ko magtahi. At pati si Jade na kaloko lokong lalaki eh napaapak sa table sa sobrang takot. Sa sobrang takot at iyak namin, nagdecide kaming bumaba muna ng school para magpakalma. At nung time na yun, nagulat kami dahil may nagtanong samin kung sino yung isa naming kasama. Bakit 7 daw kaming magkakasama bumaba na syang kinagulat namin dahil alam naming 6 lang naman kami. Putlang putla akong umuwi sa bahay. Sanay naman ako makaramdam pero nun lang talaga ako natakot nang ganun.
Pero simula nung gabi na yun, never na kami nagpaabot ng ganung oras sa taas. Kasi usap usapan na rin yung babaeng nagpakita sa hagdan after nung mga nangyari na yun. Feel namin nabulabog namin sila. At kung ano man ang history ni Mommy at nung bata sa school na yun, wala na kaming balak alamin. Baka magpakita ulit sya samin. Hahaha.
So ayun, salamat sa pagbabasa. Btw, isa sa mga nanalo ang dept namin. Hanggang sa muli. Hahahahaha.

Vote!!!

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon