White LADY

34 7 0
                                    


Bata palang Ako madalas ko nang nakikita yung white lady Na feeling ko ay binabantayan Ako kahit saan Ako mag punta. Naaalala ko pa yung kwento sa akin ng mama ko Na Nung baby pa daw ako ay iniwan niya Ako sa duyan para magtimpla ng gatas, tapos narinig niya Na umiiyak Ako kaya nagmamadali siyang balikan Ako, pero laking gulat niya Na Makita niya akong dinuduyan ng white lady, at tumigil Naman Ako sa pag iyak.
Sunod Naman ay Nung six years old Ako, nagising Ako ng hating Gabi sa Hindi maipaliwanag Na dahilan, humarap Ako pakaliwa pero imbes Na pader ang Makita ko ay isang white lady ang nakaharap ko, maganda siya maamo ang mukha at mga tansiya ko ay nasa 18+ palang siya. Napaka puti rin ng suot niyang dress Na mukhang pamburol, Walang reaction ang mukha niya Basta nakatitig lang siya sa akin, kaya Naman napatitig Narin Ako sa kanya, syempre Bata ako kaya Di ko pa alam na white lady yun, ang nakakatawa pa nakipagtitigan Ako sa kanya ng halos 15 seconds Na dalawang dangkal lang ang layo ng mukha namin. Pag gising ko tinignan ko kung may bisita kami pero wala Naman Hanggang sa lumaki Ako at mas lalong naging malinaw kung ano ba talaga ang nakatabi ko, at Hanggang ngayon natatandaan ko pa rin ang mukha niya.
PS: Hindi po Ako nakaramdam ng takot Nung nakita ko siya at kahit Na napag alaman Kong white lady siya. Mabait Siya at Hindi niya Ako sinaktan.
Pangatlo Naman ay Nung nanonood Ako ng TV sa kwarto, 13 Na Ako nang mang yari to. Mag isa lang ako nun at lahat sila nasa baba. Habang tutok Na tutok Ako sa panonood ay may biglang nahagip ang mata ko Na makapal Na usok na kulay puti at hugis babae ang dumaan sa tabi ko, sinundan ko Ito ng tingin Hanggang sa nawala Ito , pinipilit kong isipin Kong ano ba ang usok na yun Hanggang sa nakaramdam Na Ako ng kakaiba at sa takot ko napatakbo Ako mababa. Kinabukasan sinamahan ko si mama sa magtatawas upang magpahilot. At ipinatawas ko Na rin sa kanya yung nakita ko kagabi, at laking gulat ko nang malaman Kong white lady Pala yun, at nang pauwi na kami sinabi niya sa akin Na nakasunod sa akin ang white lady, pero Hindi raw Ito nananakit.
Marami pa akong karanasan patungkol sa white lady Na yun madalas ko siyang nakikita kahit sa panaginip ko kaso masyadong mahaba Na ang story ko kaya next time nalang ulit.

Vote!!!

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon