Ang Aklat (Maikling Katha)

689 3 2
                                    


            Ako si Luigi, kagaya rin ako ng isang tipikal na kabataan. Mahilig maglaro at magsaya sa buhay kasama ang mga kaibigan. Masasabi kong matulungin naman ako bilang isang anak sa aking mga magulang. Ngunit may isang bagay ako na hindi ko kinagigiliwan, ang pagbabasa. Lagi kong kinatatamaran ang pagbaabasa ng kahit anumang uri ng babasahin. Mas naaaliw pa ako sa panunuod ng mga palabas sa telebisyon at sa sinihan, mas nais ko pang maglaro sa aking PSP, makinig sa sking iPOD at magpka-aliw sa pamamasyal kasama ang mga kaibigan.

            Linggo, unang araw ng semestral break sa paaralan. Tuwang-tuwa ako dahil ‘di na muna ako mapipilitang magbasa. Kung tutuusin hindi talaga ako nagbabasa at himalang nakakapasa ako sa mga pagsusulit. Makinig. Yan ang sandata ko sa pagpasa sa anumang pagsusulit. Mahilig akong makinig sa mga nagtatanungan sa klase. Pero natatandaan ko naman ang ilan sa aming mga pinag-aaralan na winiwika ng aming propesor.

            Alas dos ng hapon, mainit ang sikat ng araw kahit ito ay buwan ng tag-ulan. Madali akong nagsawa sa aking paulit-ulit na ginagawa – ang makinig sa iPOD, maglaro sa PSP, makinig sa iPOD, maglaro sa PSP. Sinubukan kong tawagan ang aking mga kaibigan upang manuod sa sinihan ng bagong palabas, yung Ladda Land. May pagka-horror yung palabas na iyon. Ngunit walang sumama dahil nasa kani-kaniyang probinsya ang mga ito. Wala na akong ibang magawa kundi ang maglakad mag-isa.

            “Ma, aalis lang ako.”

            “Saan ka tutungo anak?”

            “Sa may sinihan lang po, manunuod.”

            “May mga bala naman tayo dyan ka nalang manuod.”

            “Ma, luma na yang mga yan at ilang beses ko na yan napanuod.”

Pagkababa ng  jeep ay nasa harap ako ng isang kilalang parke kung saan may dalawang guwardyang nagbabantay sa monumento at sa labi ng isang bayaning namatay upang ipaglaban ang kalayaan ng bayan. Sa paglalakad, napansin ko ang mga taong nagpapahinga sa ilalalim ng mga puno at matatamo ang mga nagtatayugang mga gusali. Nakakita pa ko ng isang istatwa ng kalabaw, ang pambansang hayop. Di maitatanggi ang pinsalang hinatid ng mga nagdaang bagyo sa lugar na iyon. Ang pamosong lugar na makikita ang higanting aquarium na tila ikaw ay nasa loob nito kasama ang iba’t ibang uri ng isda na napaka sarap pagmasdan. Ang labas ng gusaling ito ay kasalukuyang inaayos dahil sa pinsalang natamo sa bagyo. Maging ang bay ay nasalanta rin, ngunit sa kabila nito Maaaninag parin ang napaka gandang dagat ng syudad.

“Maganda naman ang palabas nakakbitin nga lang.”

“Mag-gagabi na pala. Nagugutom na ako.”

Dumaan ako sa isang kainan at puno ang lugar kung kaya’t naghanap ako ng ibang mapagkakainan. Napunta ako sa isang kainang banyaga ang may-ari, sa isang bansang sumakop sa atin ngunit ibinigay ang mga pangangailangan ng mga pilipino. At um-order na ako ng isang burger, dahil sa ang karamihan sa paninda ng kainang iyon ay pang meryenda lamang.

            Sa pagka-uwi agad binungad sa akin ang aking ina na kaming pamilya ay tutungo sa probinsya upang magbakasyon at salubungin ang araw ng mga patay.

Kinabukasan ay tumungo na kami pa norte. Sa byahe makikita at malalamang wala na sasyudad dahil sariwang hangin na ang iyong masasamyo at puro luntian ang paligid. Nang dumaan na ang sinasakyan sa malapit sa dagat ay malapit na ang lugar.

Pagkarating sa lugar agad bumungad sa amin ang mga kaanak at magiliw silang bumati at pinapasok kami sa tahanan.

“Kumusta ang biyahe”, tugon ing isang kaanak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Aklat  (Maikling Katha)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon