CHAPTER 12

2.3K 83 0
                                    

"Claire?"

"Ano ba!"

"Claire gumising ka"

Pagkamulat ko ng aking mata. Laking gulat ko na nag-iba ang itsura ng paligid. Bumangon ako kaagad at lumingon-lingon sa paligid. Nasa hallway ba ako? Tama nga ako, sabi ko na nga nasa ibang lugar ako, nasa hallway (5th floor). Pero papaano ako napunta dito?

"Claire?", nandito pala si Axel. Siya siguro yung nag-dala sa akin dito. Kasi siya lang naman yung kasama ko kahapon.

"Dinala mo ba ako dito?"

"A-ah hindi Claire. Nakita nalang kita dito nakahiga. Inantay kaya kitang magising". So hindi siya ang nag-dala sa akin dito? Eh sino?

"Ganon ba", papaano kaya ako napunta dito?

"Announcement! Ngayon Sabado, may pasok kayo dahil sa pagkansela ng klase nung Wednesday. Salamat", announcement ni Sir Ian. Ano ba naman yan! Magkakaroon ng klase ngayon Sabado. Nihindi nga sila nagtuturo. Bwiset!

"Tara na Claire samahan na kitang bumalik sa dorm"

"Sige". Umalis na kami at pumunta sa dorm ko. Nakakapagtataka, paano ako napunta sa hallway? Ano nag sleep walk ako? Ganon ba? Nakakapagtataka talaga!

"Pumasok ka ah, wag kang mag cutting. Ok ba Claire? Bye na", lumakad na siya paalis.

"Sige promise!", sabi ko at tuluyan na siyang umalis. Ang bait niya talaga kahit kailan. Gwapo pa. Hindi ko talaga maiwasan na kiligin.

Bubuksan ko palang sana ang pintuan nang biglang mag-bukas ito. "CLAIRE! Saan ka ba nag punta ha!? Kanina pa kaya kita hinahanap! Tara na nga pumasok ka na!", hinila niya ako kaagad papasok sa dorm. Dumeretso ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kumain na kami at sabay na pumasok sa 1st class namin.

Nagkahiwalay na kami ni Em.

Wala muna akong balak na pumasok dahil ayokong makita sina Xylem at Tyler. Hindi parin kasi ako mapakali sa nangyari kahapon. Gusto kong lumabas ng school.

Pagkalabas ko palang, nakita ko si Axel na papasok kaya nag-tago ako. Shocks natandaan ko yung sinabi sa akin ni Axel kanina.

Pumasok ka ah, wag kang mag cutting

Hala paano yan!? Nag-promise pa naman ako sa kanya na papasok ako ngayon.. Pero ok lang naman ata. Eh siya nga eh hindi pumasok sa 1st subject tapos ako papasok? Petmalu naman. Tsaka wala rin akong magagawa doon. May mga sari-sariling mundo yung mga kaklase ko. Hay buhay talaga is parang life..

May naramdaman akong kumalabit sa balikat ko. Lumingon ako sa likod kung sino.. Si Luke!? Paktay! Anong sasabihin ko! Babatukan na naman ako nito! Shit ayoko po!

Yumuko ako, pumikit ng mata at tinakpan ang ulo ko habang hinihintay na batukan niya ako.

"Anong ginagawa mo?"

"Eh--"

"Wala akong gagawin sayo"

Mabuti naman kung wala bwiset. Nag effort pa naman akong takpan yung ulo ko.

"Ano bang kailangan mo ha?"

"Ikaw", ako daw!? Nagbibiro ba siya!?

"A-ako?"

"Sumunod ka sa akin"

Lumakad siya papalayo sa akin at sinundan ko naman siya. Wow ah ano to? Bodyguard lang ba ang peg?

Lumabas kami ng school. Hindi ko na nakita pa si Axel. Baka nakaalis na siguro.

Walang umiimik sa aming dalawa ni Luke. Ang tahimik. Dinala niya ako sa gate ng school. Pinagmamasdan niya ito at tinignan ako. Problema ng lalaking to?

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon