THIRTY FIVE

310 9 0
                                    

"YvonePOV"

Magkasama kaming umuwi, gusto ko sanang ako nalang ang mag drive ng motor ko pero di sila pumayag kaya si jasper ulit ang nagdrive nun pauwi, pagpasok namin sa gate bumulantang agad samin ang isang sports car na kulay dilaw, kaya nagtaka ako kung kanino yun, halatang halata ang ang pagkagara nang sasakyan.

Pagbaba namin sa sasakyan ay hindi parin inaalis ni brandon ang kamay niya sa bewang ko.

Alam mo pwede ka ng bumitaw, makita tayo ni eurika magagalit yun sakin at sasabihing nilalandi kita"prinangka ko na siya dahil alam kong yun ang iisipin ni eurika pagnakita kami , tiyak magkakagulo na naman sa panig namin.

Wala na kami"sagot nito , hindi niya parin binibitawan ang bewang ko ni hindi manlang ako tinitignan.

Yun nga e..., pagnakita tayong ganito iisipin nun na nilandi kita at ako ang dahilan kung bakit kayo nag break"ako na mismo ang nagtangal sa kamay niya, nakita ko naman si jasper na kakababa lang sa motor,

Sabay na tayo hon"kasabay nun ang paghigit niya sa kamay ko.

Ang gulo na talaga nito promise.

Isa ka pa"hinatak ko naman ang kamay ko kay jasper at naglakad magisa dahil si ella ay nauna na.

Paano ba yan??"mayabang na sabi ni brandon napa ismid nalang ako sa kawalan. Ang mga gago, pinagpustaaan ata ako.

San kayo galing ella??"bungad na tanong nito as usual wala kang makikitang kahit anong bahid na emosyon sa mukha ni tito gavereal

Diyan lang po to,"ako na ang sumagot dahil mukhang walang planong sumagot si ella dahil busy sa kakadutdot ng cellphone niya.
Tumango ito kaya umupo nalang kami sa sofa.

Nga pala uncle---"

Nagulat ako ng lumabas si grey sa kusina at iniluwa sa sala na nasa harap na namin ngayon, hindi na niya naituloy ang pagsasalita niya ng magtama ang mga mata namin.
Palihim akong napalunok dahil sa itsura nito na ngayon ko lang nakita ng walang bahid na pagkalito hindi katulad kanina at idagdag mo narin ang ilang linggong hindi kami nagkita.
Kung paano siya tumayo, ang kakisigang taglay niya na talaga namang umaarko ang t-shirt niyang damit sa sariling katawan. Ang mukhang kahit sinong babae ay mapapasunod nito ang napakatangos niyang ilong ang labi niyang pulang pula at ang mata niyang kulay berde na parang may enerhiyang naghahatak ng kung ano.

Sino nagpapasok sayo dito??"galit na boses ni ella.
Tinignan lang ni grey si ella at naglakad ulit yun na parang walang naririnig.

Ang isa rin sa napansin ko, wala na yung dating tingin niya sakin na punong puno ng pagmamahal. Nawala na. O baka naman nagaassume lang ako.

Gang Rape "Revenge Of The Victim" [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon