Kianne's POV
At last! Pumayag na rin si Katniss para maging fake girlfriend ko! Matutuloy na rin mga plano ko! xD
Habang abala sa pag-organize ng mga papeles for TVOA, may biglang tumawag sa'kin.
Si Chief Dela Rosa.
"Hello Chief?"
"Mr. Kianne, may nakuha na kaming lead sa kaso niyo. Alam na namin kung sino ang bumaril sa'yo." SHIT! Nahuli na ang bumaril sa'kin! Sa wakas, may update na rin sa kaso!
"Alright sir, I'll be right there immediately." Binaba ko kaagad ang call at tinawagan si Flex.
Sana sumagot siya.
*ring*ring*
"Oh ano kailangan mong fast food chain ka?" Nako di pa rin maka get-over sa nakita HAHAHA!
"Seryoso to Flex."
"Ano? Sabihin mo na. May ginagawa pa ako."
"Nahuli na ng mga pulis ang bumaril sa'kin."
"TALAGA? Myghad puntahan na natin! Kita tayo sa may parking lot." Aba't binabaan kaagad ako. Babaeng yun.
Pumunta ako sa parking lot at nakita ko kaagad siya. Aba, nakakulot ang buhok ng mayora!
"Anong meron ba't ganyan buhok mo?" Panimula ko
"You don't care. Tara na sa police station!" Tumango naman ako at pinaharurot na ang Ferrari ko.
*****
"There you are Ms. Levine and Mr. Cegan. Maupo kayo" Bungad sa'min ni Chief Dela Rosa.
"Salamat po." Ani Flex. Gusto ko nang makita ang bumaril sa'kin at suntukin ang hayop na yun! Muntikang makapatay ng inosenteng tao?! Walang puso!
"Sa kaso niyo, nadakip na namin ang taong bumaril sa'yo, Kianne. Siya ay si Rigor Belormina, 28 taong gulang galing sa Caloocan. Ayon sa imbestigasyon, napag-alamang napag-utusan lang ang suspek na ito na barilin ang isa sa inyo. Hindi pa namin iyon natitiyak kung sino ba talaga ang tunay na target ng salarin. Hindi kasi umaamin. Sa tingin ko'y kayo lang makakagawa nun." Tama nga ang hinala ko, may nag-utos ng insidenteng ito.
Pero sino naman kaya?
Kung sino man siya, mamatay na siya sa konsensya niya!
"Maaari namin po ba siyang makausap?" Flex.
"Oo naman. Phil, dalhin mo sila dun." Chief
"Yes Chief." Sumaludo naman yung Phil at dinala kami sa kinaroroonan ng kung sino mang bumaril sa'kin.
Umupo na muna kami ni Flex sa may gilid ng selda.
"Kinakabahan ako, KFC." Hinimas ko naman likod niya.
"Relax, Flex. Malalaman na rin natin ang katotohanan at makukuha na ang hustisya." Ngumiti na lang siya kahit ang tabang tingnan.
Nakita naming dumating na yung pulis kasama ang isang lalaking di pa naman masyadong katandaan. Si Rigor na yata ito, ang taong muntikang patayin ako -.-
Agad uminit ang aking kamao at susugurin ko sana siya kaso pinigilan ako ni Flex.
"Kianne, stop! Control your temper!" Bulalas niya sa'kin. Tsk!
"Eh muntikan na akong mapatay ng lalaking yan eh!" Galit kong sabi.
"Kausapin natin siya nang maayos para masabi na niya ang nalalaman niya. Please Kianne, para 'to sa'yo alalahanin mo." Sabagay tama siya. I should control my temper then.
BINABASA MO ANG
The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)
RomansaMeet Rova Flexine Levine. Ang isang babaeng may minamahal at may isang lalaking matalik na kaibigan. Si Ezekiel Nicky Burne ang boyfriend. Si Kianne Francis Cegan naman ang bestfriend. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng dalagang ito kasama ang dal...