Elyths' POV
7:33pm na nang makauwi ako sa bahay namin galing school buti na lang tumigil na ang pag-s-snow.
hayss kapagod.
"heyoo kafated!" bati ko sa kafated ko nang madatnan ko siyang nakaupo sa sofa habang naglalaro sa kanyang ipad.
He is 15 years old and I'm 19 years old. Ahead ako ng 4 years sa kanya.
"hi." matipid na sagot niya.
tamad.
Umakyat ako agad sa kwarto ko ng may maalala ako. Kinuha ko agad sa table ko ang isang garapon na may lamang snowflake at nagmadaling bumaba.
"May papakita ako sayo, alves. hihi" excited na ako hoho.
"Ano na naman ba, ate? Snowflakes ulit? tsk." walang ganang sambit nya.
huh?
"Anduga mo naman eh. Paano mo nalaman eh hindi mo pa nga nakikita?" suhestyon ko at inilabas mula sa likod ko ang garapon na may snowflake sa loob "Tignan mo ang ganda diba? hehe" hindi man lang siya nag-abalang tignan ang garapon at patuloy pa rin sa paglalaro sa ipad.
"Alam kong dahon na naman yan, ate. tsk." nakasimangot na tugon nya habang 'di inaalis ang tingin sa ipad.
Lagi niyang sinasabi iyan tuwing may pinapakita ako sa kanya na snowflake.
"Lagi naman iyan ang sinasabi mo. Kaasar ka." pagtatampo ko.
Saglit syang natigilan sa paglalaro niya at nakita ko ang pag-pause niya sa kanyang nilalaro sa ipad niya bago tumingin sa akin.
Minsan talaga natatakot ako sa kafated kong ito. Mas matanda ako pero kung makatingin siya akala mo kung sinong matanda.
Walang manners. hayss
"10 years..." huminga sya ng malalim bago tinuloy ang sasabihin niya "...10 years mo nang ginagawa sa'kin iyan, ate. At sa loob ng sampung taon never kong nakita na naging snowflake ang isang dahon. Tigilan mo na ako, ate. Sawang-sawa na ako. tsk." pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niyang itinuloy ang paglalaro niya sa ipad.
Hindi agad ako nakapagsalita dala na rin siguro ng pagkalungkot ko. Paano ba naman kasi ngayon lang ako ni-real talk ng kafated ko huhu.
Tagos sa puso.
10 years...
Ganun na ba katagal?
Ganun na ba ako katagal na nabubulag sa katotohanan?
Literal.
"G-Ganun ba? Sorry na kafateeed!" Sabay yakap sa kanya.
"Ate naman eh! Naglalaro ako." naiiritang reklamo niya. hahaha
Inalis ko na ang pagkayakap ko sa kafated ko at napunta ang tingin ko sa mahinhin at inosente niyang mukha,
Ngayon ko lang napansin...
"Gumaganda ka beh yieee tapos yung buhok mo humahaba na." nakangiting sambit ko.
"Iyan ka na naman ate eh!! Hindi ako gumaganda dahil hindi naman ako babae!!" pasigaw niyang tugon. Nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya hehe.
Cute.
"Eh sinasabi ko lang naman kung ano ang nakikita ko eh." pang-aasar ko.
"Abnormal kasi 'yang mata mo!" padabog siyang tumayo at umalis sa harapan ko.
Abnormal?
Ouch.
Tagos sa puso.
hayss
Mag-isa na lang ako nakaupo sa sofa dahil iniwan na ako ng maganda kong kafated.
kru kru~
alaaaah nagugutom na ako :---(
"El, anak. Magpalit ka na at kumain ka na dito."
yeyy!
Si mama talaga laging handa hohoho
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay dumiretso na ako sa kusina para kumain.
Nadatnan ko ang maganda kong kafated na kumakain na at katabi naman niya ang isang napakagandang babae.
Makinis.
Maputi.
Sexy.
Red lips.
...at mukhang dalaga.
in short...
Flawlesssss *0*
Mama ko iyan!
"Hello kafated! Hello mama!" masayang bati ko sa kanila.
Sinimangutan lang ako ng kafated ko habang si mama naman ay nakangiti sa'kin.
Pretty.
"Umupo ka na at kumain." utos ni mama.
Natutuwa talaga ako 'pag nakikita ko ang kafated at mama ko.
May maganda akong kafated.
May mala-Beauty Queen akong mama.
Ang sarap sa mata.
hayss.
Pero 'pag tuwing hinahawakan o hinahaplos ko sina mama at kafated...
Nagpagtatanto ko na matanda na si mama..
Kapag hinahaplos ko ang makinis niyang mukha taliwas iyon sa nararamdaman ko batay sa sense of touch ko.
Medyo may wrinkles at makulubot na rin ang mukha ni mama. Hindi na rin maganda ang hubog ng katawan ni mama dala na rin siguro ng katandaan. Pero para sa akin, siya pa rin ang pinakamagandang mama sa buong mundo!
Ang kafated ko naman ay lalake talaga at hindi babae. Paano ko nalaman? hihi syempre noong bata palang kami nakita ko nang lalake siya pero pagkatapos ng aksidente, doon na nag-umpisang magbago lahat at minsan naman hinahawakan ko ang dibdib niya pero wala naman akong makapa na mayroon siyang boobs hehehe.
Nalalaman ko ang katotohanan sa tulong ng four sense ko.
Ang sense of touch, smell, taste, and hearing.
Doon ko nalalaman ang mga bagay-bagay na kabaliktaran na nakikita ng mata ko.
Depende kasi sa mata ko kung ano ang gusto niya makita ko oppositely. I am smart enough to determine which is true and not and minsan dinadaan ko na lang sa common sense. hayss
but there's a part of me na nalulungkot ako dahil parang bulag na rin ako buti na lang at maayos pa ang 'four senses' ko.
..At nagpapasalamat ako dahil nandyan sina mama at kafated na nagsisilbing mga mata ko.
They're willing to describe every details just to give me awareness and see things normally.
They treated me as a normal person and I really adore them for being like that.
I love them both.
***
BINABASA MO ANG
Peculiar Eyesight (On-going)
خيال (فانتازيا)Ang babaeng nagngangalang Elyths Foxelincs na may pambihirang klase ng mata ay aalamin ang misteryosong bumabalot sa mala ginto niyang mata. Ang kanyang nakikita ay kabaligtaran sa kung ano ang totoong nakikita ng iba. Ang kanyang paningin ay kakai...