Missing You (그리워하다)

4 0 0
                                    

My life is incomplete
It’s Missing you...

Another day passed today, nothing different
Being alone doesn’t feel awkward at all

Totoo..
Sa loob ng 4 na taon na ang "tayo" noon, naging "wala" na ngayon. Nakaya kong wala ka.. Araw-araw 'yan ang hinaharap kong katotohanan. Hanggang sa nasanay akong mag-isa.

I thought I couldn’t live without you but this is my life now
But I do feel a little empty, I guess I’m still at that place

Yan ang akala ko noon, na akala ko di ko kaya na mawala ka. Na hindi mahawakan ang iyong kamay. Na hindi ka mayakap, makasama buong araw.. Pero kinakaya kong tanggapin kasi ito na ang aking mundo... na walang "ikaw"..

At sa haba ng panahon, nakaya ko

Yun ang akala ko...

Kapag naalala ko ang mga panahong tayo'y magkasama, bumabalik ang pangungulila. Ang puwang sa puso nung ako'y iyong iniwan. Yung akala kong nakahakbang na ako papalayo pero wala palang progreso. Nandito parin ako. Sa lugar kung saan mo ko iniwan.

I’ll let it all out so I can feel relieved

Alak ang naging sandigan ko ng mga panahong iyon. Sa bawat lunok ng beer, bawat baso na nauubos, doon ko binuhos ang mga emosyong napupuno sa puso ko.

Nilulunod ko ang sarili ko sa alak.

Nababasakali na pag umepekto mawawala ang sakit.

Pero wala eh, napahiga nlng ako sa kama. Napansin kong tumutulo na naman ang luhang na pinaghirapan kong itago hanggang sa humahagulhol na ako.

Ang sikip, ang sakit sa dibdib. Napahawak nalang ako sa bibig ko para walang tinig ang lalabas. Binuhos ko lahat ng hinanakit sa gabing iyon.

When I think I can see the answer
Sometimes, it becomes a prison that traps me

Akala ko nahanap ko na ang sagot. Ang sagot sa mga bakit at paano. Bakit ka nagbago bigla? Paano humantong sa wakas ang wakas? May problema ba sa akin? Nag sawa ka na ba kasi hindi ako kaakit-akit? Ayaw ba ako ng mga magulang mo?

Aaah kaya pala, hindi pala ako ang gusto ng magulang mo. Mas gusto nila yung babae nauugnay sayo ngayon. Kasi siya family friend. Eh ako? Wala lang. Isa lang estrangherong gustong pumasok sa buhay mo.

Ok na sakin yun. Okay na okay. Pero bakit ngayon kusa kang bumalik? Bakit feeling ko parang pinaglalaruan mo ako ngayon? Bakit ka lumalapit sa akin kung wala ka namang balak na balikan ako?! Bakit ka ganyan? Okay na okay ako oh! Pero binalik mo na naman. Ang maliit na butil ng pag asang babalikan mo ako. Namumuo uli siya.

But time only goes forward
And I’ve done nothing

Sa maraming panahong lumipas, wala akong ginawa. Wala akong ginawa na alisin ka sa buhay ko. Ang tanga ko no? Alam kong nasasaktan ako pero wala parin akong ginagawa. Naging parte ka na kasi ng buhay ko.  

You’re still in my heart

Oo, nandito ka parin walang duda yan.  Pero alam kong meron pa akong lugar dyan sa puso mo dahil ako ang unang babaeng minahal mo. Pero MINAHAL nalang akoKasi may iba ka nang MINAMAHAL ngayon.

I was missing you and another day passed
I was missing you and another year passed

Tama nga yang lyrics na yan. Bawat araw, buwan, taong lumipas nami-miss kita. Umulan man umaraw, walang pagkakataon na hindi kita iniisip. May klase man o wala, may panahon na sumasagi ka sa isipan ko. Inaalala ang mga panahong magkasama tayo. Masaya tayo nun. Sobrang saya.

This is how I live
As I long for you, long for you
I try telling myself that I’ll be alright
But at the end of the day, it’s you again

Pero ito na ang panahong ginagalawan natin. Pinipilit kong maging okay ulit. Pero ikaw parin eh. Kahit anong pilit ng utak kong sabihin nga magiging okay na ulit pero itong puso ko hinahanap ka. Bwiset!

I still remember when we first saw each other
I still remember what you wore and how your hair looked

Oo naalala ko pa, hindi ka pa nga kapansin-pansin nun. Haha. Pero bigla lang napansin na kita. Noon ka pa matangkad. Pero ang napapansin ko nun ang ilong mo. Tinatawag nga kita na "tsonggo" nun. Hahaha. Tapos tawag mo sakin "manok". Haaayy.

I pray for you every night and day
I hope that someday soon
I can see you once again

Oo, hinihiling kong makita ka. Pero may pag aalinlangan sa puso dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin pagnandyan ka na. Kagaya nun isang gabi na nagkasalabong tayo. Sembreak na sa inyo kaya nakauwi ka at ako kakatapos lng ng klase. Kasama mo yung classmate natin dati at ako kasama ko classmate ko ngayon. Mas pinansin ko yung classmate natin kaysa sayo. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa akong nakita kita.

I try to act like I’m fine
But my depressed face
and your traces that are everywhere

Naalala mo yung gabing sinayaw mo siya? Katabi pa nga tayo nun eh nang iniwan mo ko, nilapitan siya at sinayaw mo. I tried na hindi ako masaktan nun. Kaya nagbusy-busyhan ako. I present myself as the photographer that  night pero kahit lense ng kamera doon parin patungo. Ang sakit sa pakiramdam.

Naalala ko tuloy noon nung hinala mo ko sa dancehall nung JS prom natin. Hindi na tayo nun. Gusto mo kong isayaw kaso umayaw ako. Mas pinili ko hilahin ako ng kaklase natin para magpapicture kaysa sayawin mo ako.

Nanghinayang ako nang makita ko kayo. Napatanong nga ako sa sarili ko kung sinayaw ba kita, may babago ba?

I still can’t forget you,
come back to me
Even if we’ll have the same ending again

Oo, gusto ko na magkabalikan tayo. Gustong-gusto. Kahit na pareho lang ang ending. Kaso huli na. Huling huling na.

I was missing you and another day passed
I was missing you and another year passed

I was missing you and another day passed
I was missing you and another year passed
This is how I live
As I long for you, long for you

As I long for you, long for you

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing YouWhere stories live. Discover now