Chapter 14: Santa-Santita

672 18 1
                                    

"Fifty Four Thousand Pesos??????????"
Dumadagundong na sigaw ni Rita pagkatingin sa presyo ng damit sa loob ng paper bag na paglalagyan sana ng kasalukuyang suot ni Sahania.
"Sssshhhh!! Ano ka ba Rita hinaan mo nga yang boses mo baka isipin ng mga katabi nating unit may ganyan kalaki tayong pera ngayon dito at pagnakawan pa tayo!" suway ni Sahania dito.
"Eh sino ba namang hindi maloloka aber?! Sige, sabihin na nating maganda nga yang damit, bumagay sayo, kinaganda mo. Pero fifty four thousand talaga para lang jan?!" hiyaw parin nito na nakaturo sa damit na suot-suot niya.
"Alangan namang tanggihan ko. Di nainsulto yung tao?" sabi niya naman dito.
"Puwede bang ibalik nalang natin sa store tapos gawin nalang cash?" nakangiting sabi nito.
"Sira ka ba? Natanggal na yung price tag, sa tingin mo ba tatanggapin pa toh?" nakasimagot na tanong niya dito.
"Pahiram mo sakin, kahit isang araw lang please?" nagmamakaawang sabi nito at saka lumapit sa bed niya.
"Over my dead body!" sabi naman ni Sahania at saka niyakap ang sarili na akala mo huhubaran siya.
"Tse! Pa-English English ka na ngayon porket nakasuot ka ng fifty four thousand na damit ha!" nagtatampong sabi naman ni Rita.
Dumila lang si Sahania dito.
"Gaano ba talaga kayaman yang Jadiel na yan? Nako-curious ako ha." biglang sabi nito at saka naupo sa higaan ni Sahania.
"Yun na nga eh. Mayaman sila Daniel pero di ko maisip na mas malayong mayaman pala sila Jadiel." napapaisip naman na sabi ni Sahania.
"Pero in fairness ha. Kung ganyan pala na madatong yang si Jadiel eh boto nako sa kanya basta ba may fifty four thousand pesos akong damit linggo-linggo." parang nag-iimagine na sabi ni Rita.
"Ano ka! Balak mo pakong ibenta ha!" sabi ni Sahania dito.
"Kunwari ka pa, gustong-gusto mo din naman." napapaikot ang mata na sabi ni Rita sa kanya.
"Kunsabagay." sabi naman ni Sahania at saka sila naghagikhikan.

Pagkatapos nilang kumain ni Jadiel ng araw na iyon ay nagpahatid na siya sa boarding house nila.
Hindi na din siya nakapunta sa practice ng Glee Club dahil mas na excite siyang ikuwento kay Rita ang lahat ng nangyari.
Bahala nalang siyang magtiis sa sermon sa kanya ni Mr. Bautista.
Ilang Missed Calls at mga texts naman ang natanggap niya sa mga kaklase dahil umabsent siya sa dalawang natitirang subjects niya ng araw na iyon.
Puro sorry lang naman ang naisagot nya sa mga ito at nangako na magkukwento sa kanila.

Pagdating ng Linggo ay maaga silang nagising ni Rita para mag-jogging at para tumuloy na ring magsimba sa Cathedral dahil natatakot si Sahania na mag-serve sa parish ng unibersidad nila at alam niyang papahiyain lang siya ni Mr. Bautista.
"Pag di ka nagpakita ngayon, hindi ba lalong iinit ang ulo nun sayo?" tanong sa kanya ni Rita sa gitna ng pagtakbo nila.
"Maniwala ka sakin, mas mainit ulo nun kapag nagpakita ako ngayon. Pahupain ko muna yung galit niya." sabi naman ni Sahania.
Biglang tumunog ang cellphone niya.
Tumatawag si Daniel.
Kagabi pa ito text ng text at tawag ng tawag hinahanap siya pero hindi niya ito sinasagot.
"Hindi mo ba yan sasagutin? Kagabi pa tumatawag yan ah. Kawawa naman yung tao." sabi ni Rita na nakatingin sa cellphone niya.
"Ano naman sa tingin mo ang sasabihin ko..? Na nakipag-date ako sa pinsan niya..?" nakangiwing sabi niya dito.
Binulsa ni Sahania ang cellphone niya at saka sila nagpatuloy sa pagtakbo.
"Alam mo insan dapat mamili ka na sa dalawang 'yan." payo sa kanya ni Rita.
Hindi nakapagsalita si Sahania.
Alam niya sa sarili niya na naguguluhan na siya ngayon.
Kung dati ay ayaw niyang bigyan ng pagkakataon si Daniel dahil umaasa siyang mamahalin siya ni Jadiel, ngayon naman ay napapaisip na siya kung may pag-asa nga ba na magustuhan siya nito at ibaling nalang kay Daniel ang lahat.
Pero kapag ka naman iniisip niya ng isuko ang nararamdaman niya kay Jadiel ay saka naman ito umeeksena at pilit na binabawi ang pagmamahal niya.
"Hindi ko alam Rita. Papaano kung mahal na din pala ako ni Jadiel tapos mas pinili kong pagbigyan si Daniel? Eh di masasaktan ko si Jadiel? Ayokong gawin yun." naguguluhang sabi ni Sahania.
"Either way, kailangan mong mamili. Meron at merong masasaktan sa magiging desisyon mo Sahania. You have to face whatever the consequences are. Tama ka, kung pinili mo si Daniel at mahal ka na pala ni Jadiel, masasaktan mo nga siya. At kung si Jadiel ang pinili mo, masasaktan mo si Daniel, pag nagkataon na hindi ka naman pala mahal ni Jadiel at siya ang pinili mo, ikaw din ang masasaktan." mahabang paliwanag ni Rita na may kasama pang pagkampya ng kamay sa kada sasabihin.
Bumuntong-hininga lang si Sahania.
"Isipin mo kasi, kung may gusto sayo si Jadiel, bakit wala pa siyang ginagawang move sayo? Unless--"
Natigilan ito at tumitig kay Sahania.
"Unless ano?" di mapakaling tanong ni Sahania.
"Unless ikaw mismo ang magsabi kay Jadiel ng nararamdaman mo!" nanlalaki ang mata na sabi nito.
"What?! Ayoko nga, kababae kong tao! Nakakahiya! May pride pa naman ako oy!" agad na protesta ni Sahania.
"Sabi nga nila, 'To have something you never had, you have to do something you've never done.' Pag-isipan mo ng maayos. Baka magising ka na kapag si Jadiel na mismo nagsabi sayo na wala kang pag-asa." sabi nito tsaka nagsimula muling tumakbo.
Naiwan si Sahania na sobrang lalim ng iniisip.

The Non-Existent Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon