"WAAAAAAAAH!"
Pinagbabato ko yung mga unan sa kwarto...
"Bwisit na mga lalaki, puro manloloko!" gumulong gulong ako sa kama habang tumutulo yung uhog at luha ko "Minahal mo siya, tapos lolokohin ka din niya!"
LAGABOGSH!
Bigla akong nahulog sa kama at napa-upo sa sahig "Ganyan naman silang lahat..." napatulala ako "Pare-pareho sila..."
Nagbukas ang pinto...
"Sinabi ko na gusto ko mapag-isa diba?! >>___<<" sumigaw ako "Kumuha nga kayo ng ballpen at papel tapos isulat niyo nang maintindihan niyo!"
"Uhmm... Channelle... hija, a-ako 'to... ang daddy mo..."
O__O
Napalingon ako at pinunasan yung luha ko "*sniff* Daddy... oh, kayo po pala..."
"Nabalitaan ko na may problema ka daw ah" pinasok niya ang isa niyang paa sa loob ng kwarto "Pwede ba pumasok?"
BAWAL!
=___=
I WANNA BE ALONE!
Pero dahil tatay kita magiging dakilang plastik na ako "Sige po" sabi ko in a husky voice
Naglakad siya papasok ng dahan-dahan "Wla pa kasi yung... mommy mo eh, kaya... sabi niya ako na muna ang kumausap sa'yo" umupo siya sa tabi ko "Ang gulo sa kwarto mo ah..." binangga niya yung balikat ko na parang lalaki "Ano ba ang problema?"
Ginawa naman akong lalaki na may problema at gusto makipag inuman ni Daddy...
Nung una nahihiya ako sabihin ang nangyari...
Pero wala na kasi ako mapag sabihan at pakiramdam ko sasabog na 'ko dito eh!
"Si Joven po..." sabi ko
"Oh, ano meron sa butiki na yun?"
"May ibang babae..." pinigilan ko yung luha ko "Niloko niya ko daddy..."
Napakamot sa ulo si daddy "Anak ng butiki nga naman oh!" napahampas siya sa sahig "May pumatol pa sa butiki na yun?!"
Tinignan ko siya ng masama...
"Daddy... pumatol din ako, it hurts..." sabi ko
"Sorry naman!" tumawa siya "Alam mo... anak, hindi naman lahat ng lalaki manloloko eh!"
"Si Benj nagsinungaling dati, si Joven may iba..." tinignan ko si Daddy "Kahit minsan ba hindi mo niloko si mommy?"
Npatahimik siya at umiwas sa tingin ko...
Huminga ako ng malalim "Kita mo na..."
"Lahat tayo nagkakamali..." tinapik niya yung balikat ko "Lahat nasasaktan, hindi naman pwedeng habang buhay magtanim ka ng galit sa isang tao eh... maghihilom din yan..." tinuro niya yung puso ko
"Ipaglalaban ko pa po ba siya?" tanong ko kay daddy
"Dapat ba? Kapag tumanda ka ba, hindi mo ba pagsisisihan na pinaglaban mo siya?" sabi ni daddy
Niyakap ko si daddy at napa-isip...
***
Naka-upo lang ako sa isang bench sa park at pinapanood yung mga tao na kung anu-ano ang ginagawa...
"Uhmm..."
Umupo siya sa tabi ko...
"I'm sorry..."
Tumungo ako...
Niloko niya ako, sinaktan niya ako tapos SORRY lang ang sasabihin niya?!
"Bakit mo ko niloko?" pinigilan ko ang luha ko "bakit ka humanap ng iba?"
BINABASA MO ANG
"BOYFRIEND FOR RENT book2"-Our Own Version [SLOW UPDATE]
RomanceAlam niyo yung pakiramdam na masaya ka na sa buhay mo pero pilit na bumabalik yung gusto mong kalimutan? Halina't subaybayan ang pagpapatuloy ng istorya ni Channelle at Benjamin sa bago nilang mga buhay!