Chapter 22: Deductions

21 3 0
                                    

"Isa na namang kaso ng pagpatay ang naitala sa kilalang campus na pinangalanang SEA, dito sa lungsod ng Laguna. Ayon sa pulisya, katulad din nito ang paraan ng pagkakapatay, noong mga naunang kaso. Tumanggi namang mag bigay ng pahayag ang mga nakatataas na opisyal dito."

"Ayon sa awtoridad, magpapatawag daw ng Press Conference ang pamunuan nang nasabing campus."

Umagang-umaga at balita mula sa isang kilalang istasyon ang bumungad sa amin. At hindi lang basta balita, kundi balita na involve kami, dahil campus namin ang tinatalakay dito.

Tulala lang kaming tatlo habang nanonood nang balita sa kwarto ng dormitoryo. Walang pasok ngayon, at hindi rin kami maaaring lumabas ng kwarto namin dahil sa dami ng mga Press, unless, emergency ang dahilan.

Dahil bawal lumabas, nagdesisyon sila Maureen na dumito na lang muna sa room namin ni Jaimee, dahil mag-isa lang naman ako. Ala-una nang madaling araw ng tumakas si Jaimee.

"Kaya stress na stress na sila Mommy, eh. Gawa niyang hindi na matapos na patayan na 'yan." Napabuntong-hininga kami pare-pareho.

"Bakit ganoon sila? Bakit ganoon na lang kadali para sa kanila ang pumatay?" Seryosong saad ni Duanne at muling bumuntong hininga.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung papaanong magreact.

"Pero, ya' know guys, I have something to tell you." Wika ni Maureen kaya't naideretso ko ang pagkakaupo ko.

"Ano naman 'yun?" Kunot-noong tanong ko, at umayos na rin siya ng upo.

"Feel ko, magkakakonekta 'yan, pero magkakaiba ang killer." Seryosong paglalahad nito.

"Paano mo nasabi?" Naguguluhang tanong ni Duanne.

" 'Eto ha, kung natatandaan niyo kung paano pinatay 'yung si Andres Napoles, 'yung natagpuan sa likod ng boy's dormitory na wakwak ang tiyan? Pagkakasakal ang Cause of Death nu'n bago winakwak ang tiyan. Minsan ko nang pinakielaman ang mga files ni Daddy sa office niya, kaya alam ko. At, nakita kong may simbolo ng mukha ng isang ibon sa gitna ng leeg at balikat nu'n."

"Pangalawa naman, si Jerome Liverde. Multiple gun shot naman ang Cause of Death nito. Mayroon din siya ng nasabing simbolo, pero ang kaibahan, sa balikat naman ito nakalagay."

"Third, si Sir Alvarez. Si Sir naman, gun shot din ang Cause of Death pero wala akong nakitang kahit anong simbolo."

"And lastly, si Ms. Sandoval. Another, wakwak tiyan victim at may naiwang marka ng pagkakasakal sa leeg nito. At, may nakitang simbolo ng ibon sa leeg, malapit sa balikat nito." Mahabang salaysay ni Maureen. Napaisip naman ako.

"And you're saying that?" Maarteng tanong ni Duanne.

Napaikot naman ang mga mata ni Maureen, bago sumagot. "And I'm saying that, maaaring magkakakilala ang mga killer ni'yan, naiba lang 'yung kay Liverde." Paliwanag ni Maureen.

"Parang may idea rin ako." Anunsyo ni Duanne, at nakinig naman kami.

"Spill it." Saad ko.

"Hindi kaya 'yung may simbolo sa leeg, malapit sa balikat ay biktima? Tapos, 'yung kalaban ay may marka sa balikat?" Mariing tanong niya.

PAYBACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon