Chapter 23: Abduction

21 1 0
                                    

MELISSAH ENDRADA

Tila, hindi ako mapakali dahil sa pagdating ng dalawang 'to.

Nang wala na sa amin ang atensyon ng dalawa ay agad kong tinanong ang kanilang tunay na pakay.

"What's the real reason behind?" Seryosong tanong ko kay Chestter.

"Dalawa lang ba talaga ang kaibigan mo?" Mas seryosong tanong ni Ches.

"Uhuh. Teka--bakit mo natanong?" Kinakabahan kong wika.

"Listen carefully, little sis. Nakatanggap kami ng impormasyon na isa sa mga kaibigan mo ang gagawin nilang pain, para makuha ka. Ingatan mo ang mga kaibigan mo. At sa or-----"

"Lis, Duanne is missing!" Naputol si Chestter sa kaniyang sasabihin nang sumigaw si Maureen. Mayroong nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata.

Maging ang ibang mga tao sa baba ay nakatingin na rin sa amin dahil sa pagsigaw ni Maureen.

"Huh? Paano nangyari 'yun, eh nandito lang siya kanina?" Nagtatakanang saad ko, at pilit pinapakalma si Maureen.

"Nagpaalam siya na may titignan siya. Tapos may nakita na lamang ako na malaking van na humarurot sa labas. Wala na si Duanne!" Tuluyan nang umiyak si Maureen.

"F*ck! This can't be real." Saad ni Chestter sa gilid.

"Ate, kilala niyo po ba yung babae kanina? 'Yung sinakay sa Van? Nakita ko po kasi siyang nawalan ng malay kanina." Isang freshmen ang humahangos na tumakbo papunta sa amin.

Kumpirmado. Dinakip nga si Duanne. Pero paano na 'yan?

"Idial mo ang hotline ng pulis. Dali!" Sigaw ni Maureen sa akin, at agad naman akong napasunod.

Kinakabahan ako, na to-the-point na hindi ko na alam ang gagawin ko.

Loro? Ano bang problema niyo?

Ano ba kasing kailangan nila sa akin?

Lumipas ang kinse minutos, ay dumating na ang mga pulis. Kalmado na rin si Maureen. Bumalik na sila Chestter sa Mansyon para ipaalam kay Dad ang nangyari.

"SPO3 Miguel Franscisco. Ano pong maipaglilingkod namin?" Pormal na panimula ng isang pulis na tingin ko'y mga nasa mids 40's.

"Nawawala po 'yung kaibigan namin. Please do something about it." Pakiusap ni Maureen at nagsimula na namang umiyak.

"Calm down, Ma'am. Gaano na po katagal nawawala ang biktima." Kinuha na ng pulis ang kaniyang leather notebook at nagsimula nang mag-take down notes.

"Mga 30 minutes na po, sir." Pormal na sagot ko at napaismid naman ang pulis.

"Seryosong usapan ito." Saad ng pulis.

"We're serious here." Madiing tugon ko. Tila tingin niya'y nagbibiro lamang kami.

"Fine. But, we can't do something about this, for now. Kailangang itala na bente kwatro oras na siyang nawawala bago namin ito iblotter na kidnapped." Paliwanag ng pulis na ikinataas ng kilay.

" So you mean, we need to wait until tomorrow bago masagip ang kaibigan namin? That's fuckin' nonsense. Kahit icheck niyo ang CCTV ay makikita mong kinidnapped siya." Galit na sigaw ko sa pulis.

Hindi ba niya naisip na maaaring mapahamak si Duanne kung ipagpapabukas pa nila?

"We're sorry. Sige po. We will do all we can. Ibabalik po namin ang kaibigan niyo, as soon as possible." Maayos na wika ng pulis.

Tumango na lang ako as a bid of goodbye.

Gusto kong sumigaw dahil sa galit. Sigurado akong pakana ito ng Loro. Pakana ito ng pesteng Loro na 'yan, na walang magawa sa buhay. Gusto kong iligtas si Duanne, pero paano?

PAYBACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon