Francheska's
4: 40 pm na pero hindi parin ako kumikilos, Diko kasi alam kung sisiputin ko paba si Brixx or hindi, May side kasi sakin na may magandang mangyayati pero kinakabahan ako sa kung ano yung mangyari kasi alam kong may masasaktan. Hay, ayoko ng gantong problema
"Hoy! Girl anong oras na! hindi ka paba mag aayos? 2 hours nalang HO!" sabi ni Sheena sabay turo dun sa wall clock dito sa room ko, Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa mukha ko. I'm so frustrated.
"Ano bang dapat kong gawin?" bigla namang nagflashback sa isip ko yung pinagsasabi sakin ni Mokong kahapon
Pagkalabas ni Brixx namuo nanaman yung katahimikan samin, parang ang awkward, pero madalas naman kaming ganto pero may iba ngayon
Nabasag lang yun nung nag salita siya "Anl ba nangyari sanyo ni Alliah?" siryoso niyang tanong kaya napatigil ako sa pagkain ng fries
"Kung ayaw mong sagutin, okay lang" ngiti niyang sabi, Okay lang naman siguro kung sabihin ko sa kanya, wala namang mawawala. Tinignan ko muna siya nginitian niya lang ako
Kinwento ko sa kanya lahat, mukhang naintindihan naman niya hanggang sa naramdaman ko na yung mga luha ko sa mga pisngi ko. "N-naiintindihan ko naman siya, pero bakit kailangan niya mag sinungaling m-magtago, Bestfriend niya ako eh" sabi ko habang umiiyak, niyakap naman niya ako kaya feel ko bumilis yung heartbeat ko. asdfghjkl
"I think Alliah have her reason, Pero hindi natin alam yung reason na yun, Maybe makakabuti sayo or satin yung ginawa niya or makakasama pero nasaktan siya eh, Kaya intindihin nalang natin siya" sabi niya pero nakayakap padin siya sakin. Diko alam kung iisipin ko yung problema ko o pagkakayakap sakin ni Ivan?
"Mahirap kasi yung sitwasyon niya, Baka hindi lang siya nakapag isip ng maayos kasi nga diba? nasaktan siya, actually dahil sa problema niyo na confirm ko na mabait talaga si Alliah kasi... kung iba yan for sure magagalit na sayo yan kasi nililigawan ka ng gusto niya, pero hindi eh iba, iba yung ginawa niya, Nakipagusap siya ng maayos sayo, Pero kung mahal mo si B-brixx, Sundin mo yang puso mo" kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin tapos tinuro niya yung left side ng dibdib ko kung saan nakalocate yung puso.
"I'm sure na maiintindihan ka ni Alliah kasi nagmamahal lang naman tayo eh, Hindi natin kasalanan yun, Kaya pag isipan mong mabuti, Kung anong gagawin mo, Kasi sa iaang desisyon may masasaktan may sasaya. yung mga salitang nabitawan mo na dimona pwedeng ibalik pa" pinunasan niya yung luha ko gamit yung thumb niya tapos tumayo na
"Sige, uwi na ako, Pauwi na din si Sheena, Pag isipan mo" sabi niya, Ginulo niya pa yung buhok ko tapos nag lakad na siya palayo pero bago siya makalayo ng tuluyan nagsalita muna ako "H-hindi ko siya mahal, sinabi ko na sa kanya yun pero sabi niya pumayag daw ako sa last date namin bukas, hayaan ko daw siyang pasayahin ako" sabi ko, Lumingon siya sakin at ngumiti, Naglakad na ulit siya palayo sakin, Parang may kung anong kumurot sa puso ko nung naglalakad na siya palayo sakin "Dito ka muna please" mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya kasi huminto siya sa paglalakad "Dito ka muna" dagdag ko.
"Kung ano sa tingin mo ay tama gawin mo, Kung sino o ano yung sinisigaw ng puso't utak mo paglaban mo" sabi niya tapos lumapit na ulit sakin
"Kung ano sa tingin mo ay tama ay gawin mo! Kung sino ang sinisigaw ng puso mo paglaban mo!"
"Kung ano sa tingin mo ay tama ay gawin mo! Kung sino ang sinisigaw ng puso mo paglaban mo!"
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Boyish
Подростковая литератураonce upon a time... the badboy fell in love with a boyish girl, impossible right? but now a days its possible