Chapter 1

546 13 13
                                    

Ako nga pala si Prince James Calderon. Isang anak mayaman. Dahil sa ako ay nag-iisang anak lahat ng bagay na aking magustuhan ay nakukuha ko. Sunud-sunuran ang aking magulang sa lahat ng aking hilingin. Halos lahat ng bagay ay naibigay na nila. Subalit sa lahat ng luhong ito hindi pa rin ako masaya. Paano, lagi naman silang wala. Kung sino at kung ano pa ang tunay kong kailangan yun pa ang di nila maibigay.

Malaking bahay para sa iilang tao? Nakakalungkot. May mga kasama ka nga di naman kayo magkasalubong dahil sa laki ng espasyo. Meron lang naman kaming 100 katulong. Mahigit 50 ang kuwarto ng bahay. Maswerte ka na kung may mkasalubong ka. Instant kakwentuhan na yun. Mas mabuti na lamang na madalas magpunta dito samin si Patrick. So may nakakausap ako. Halos kapatid na ang turing ko sa kanya, dahil parehas kaming solong anak at sabay ng lumaki.

Magbabakasyon nanaman at as usual, wala nanaman ang parents ko.

Lagi namang ganun eh. Kahit anong okasyon pa ang dumating lagi naman silang wala. Lumaki ako ng wala sila sa tabi ko. Kaya't ang nakagisnan kong magulang ay ang mga katulong namin at mas malapit pa ako sa kanila lalo na kay manang Tilda. Siya ang nagalaga sa'kin mula pagkabata.

Umaga nanaman. As usual, nasa business trip nanaman sila.

"O hijo, bumangon ka na dyan at tanghali na! baka malate ka na!" sigaw ni Manang Tilda.

"Gising na po ako, manang." sagot ko.

"O hala bumangon ka na. Mag almusal ka na muna bago ka maligo! Heto at dinala ko na ang almusal mo." si Manang Tilda.

"Sige po Manang salamat." sagot ko naman.

Matapos kong makapagalmusal ay naligo na ako.

Makalipas ang isang oras natapos n dn akong maligo. pagkatapos ay nagbihis na ng aking uniform.

"Manang, aalis na po ako." hiyaw ko.

"O sige mag-iingat ka." paalala ni manang.

~~~~~

(SCHOOL)

Eksena sa loob ng classroom, magulo, maingay.

May ilang naguumpukan sa dulo. Merong nakayukyok sa mesa. Merong sweet-sweetan sa sulok. Merong nagliligawan, Naghahrutan at Nagpapayabangan.

Ganyan naman talaga ang eksena sa classroom 'pag wala pang teacher. Pero 'pag nandyan na ang teacher kanya-kanyang balik na sa puwesto.

RING!!! RING!!! RING!!! RING!!!

(Tunog ng bell. Magsisimula na ang klase.)

"Andyan na si Ma'am Chacha!" sigaw ng isa kong kaklase si Peter.

Sya kasi ang tagabantay ng buong klase kapag parating na ang teacher namin. So ibig sabihin madalas syang nasa labas kapag wala pang klase. Kapag di pa naguumpisa ang klase.

"Okay, class take your sit." Sabi ni Miss Chacha.

Well, actually di talaga yun ang pangalan nya. Siya si Miss Lovely Dela Rosa. Our adviser and our English teacher. Isa syang matandang dalaga. Nasa 40's na wala pa ring boyfriend o kaya'y asawa. Siguro ay dahil sa kapansanan nya. Ika-ika kasi sya maglakad. Dati daw di naman sya ganun maglakad. Nagkaganun lang sya nun sya ay maaksidente. Naapektuhan ang paglalakad nya dahil spinal cord ang napuruhan sa kanya ng sya ay mahulog sa third floor netong school. At dahil dun binansagan sya ng iba naming kaklase na Ma'am Chacha. Para kasing nagcha-chacha pag naglalakad. Sama namin noh..hehe...Well ganun naman talaga mga estudyante. Huwag nyong sabihing 'di nyo binabansagan ng pangalan yung mga teachers nyo..hehe...

So tuloy na natin. Baka kasuklaman nyo pa kami.Hehe...

Yun sige daldal ng teacher namin pero wala namang nakikinig. Yung iba nagdadaldaln, yung iba naman wala lang nagpipretend na nakikinig, yung iba nagliligawan, at yung iba inaantok, may isang tulog na. Para san pa ang pakikinig? E ilang araw na lang naman bakasyon na. hehe. Bakit pa siya nagtuturo? Tapos na rin ang tabulation of grades. hehe.. Talaga tong si Ma'am Chacha ang sipag magturo.

After 30 mins. natapos na ang klase ni Ma'am Chacha. Hintay na naman kami ng bagong papasok na teacher.

10mins.

15mins.

30mins.

1 hour.

2hours.

Wala pa ding pumapasok na teacher. Kaya naman ang classroom para ng palengke. Marami ang nagtatawaran..hehe....

Kaya ang grupo namin ayun nagkukumpulan din..hehe..

"Malapit na ang bakasyon natin ah." wika ni Prince.

"San ba kayo magbabakasyon ng family nyo?" dagdag nito.

"Di ko nga alam kung san kami ngayon eh." sagot ni Patrick.

"Oh di ba may resort kayo sa batangas?" tanong ni Prince..

"Meron nga. E, kaso Nagsasawa na ko..Tuwing bakasyon na lang nandun kami.." sagot ni Patrick.

"Bakit di ka na lang kaya sumama samin nila Jeoffrey. Nagpaalam na ko kina Mommy at Daddy na magbabakasyon ang tropa sa rest house namin sa Antique." paanyaya ni Prince.

"Geh tol, sama ako dyan! Para maiba naman!" sagot ni Patrick.

"Tol, wala ng backoutan to ha. Umoo ka na." dugtong ni Prince.

"Oo tol. Go ako jan. Marami bang mga chicks dun?" biro ni Patrick.

(Si Patrick ang pinaka chickboy sa grupo. Palibhasa'y gwapo kaya naman maraming babae ang nahahaling sa kanya. Pero kahit may pagka-chickboy. Iisa lang ang laman ng kanyang puso. Si Cassandra.)

"Haha basta chicks talaga, di ka pahuhuli. Oo tol, maraming chicks dun..Super hot and sexy..." pangaganyo ni price.

Ring......Ring......Ring.......

(Nagbell na ang ring. Senyales na tapos na ng klase. Nagsiuwian na din ang mga estudyante. Maliban sa grupo ni Prince.)

"Mga tol, ano ok na ba? sigurado na ba kayo na dun na lang tayo sa rest house namin sa Antique?" tanong ni Prince.

"Aba'y syempre tol!" sigaw ng tropa in chorus.

"O ikaw Pat? Bat di ka sumasagot? Di ka pa ata sigurado e?" tanong ni Prince kay Patrick.

"Di naman s ganun tol. Nakaoo n nga ako e. Ipapaalam ko muna to sa'min. Kilala mo naman si Mommy." sagot ni Patrick.

"O sige. Tutal naman may 1 week pa. Dahil sa ngayong week na to aayusin p natin yung mga clearance natin. Kaya may time pa tayo para makapagprepare." sagot ni Prince.

"O pano mga tol, mauna na kami sa inyong maglovers ha." sabay tawa nung dalawa. Si Jeoffrey at Michael.

"Ulol, maglovers kayo jan. Magsiuwi na nga kayo!!.." asar n sagot ni Prince.

(Lagi kasing magkasama ang dalawang yun, kaya minsan napagkakamalan silang bading. Mula Bata pa lang ay sila na ang magkasama.Dahil sa pareho silang "Unico Hijo" kaya naging malapit n sila sa isa't isa at magkapatid n ang turingan ng dalawa.)

"Hala tara na tol, umuwi na rin tayo at maggagabi na rin pala.." yaya ni Patrick.

"Tara tol." sabi ni Prince.

"Maglakad n lang tayo tol, para may exercise. Haha.." sabi ni Prince.

Umalis na ang dalawa at naglakad ng pauwi......

"Ikaw kaya magpaalam kay mommy? Para maniwala. Baka di manila sa'kin yun e pag ako nagsabi." sabi ni Patrick.

"Geh, para naman makumpleto ang tropa ngayong summer." sagot ni Prince.

"Daan ka na sa bahay." bulalas ni Patrick.

"Malamang dadaan ako dun magkapitbahay lng tayo. (sabay nakakaasar na ngisi)." sagot ni Prince.

"Hahaha...Nakakatawa...Kaasar ka talaga tol. Napakapiloto mo!." asar na sagot ni Patrick.

Bakasyon (UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon