- Chapter 59 -

955 52 16
                                    

Chapter 59: Unintentionally

Steven Cole's POV

"...kahit kailan, hindi naman kita iniwan."

Mahirap din pala. Masakit. Nakakapagod. Nakakasawa. Nakakapangliit.

Pero wala eh, mahal ko. Gustuhin ko mang hayaan sya, na sundin yung gusto nya na lumayo ako sa kanya pero hindi ko talaga kaya.

Tsaka yung sinasabi nila na 'When you really love someone, you need to let them go.' Hindi ako naniniwala dyan, kasi kung mahal mo yung isang tao, gagawin mo lahat at ipaglalaban sya.

In my case, hindi pa ako kuntento sa mga nagagawa ko, kahit na pinagtatabuyan nya na ako, pinagsasabihan ng masakit na salita lalo na ang "hindi na kita mahal", eto pa rin ako sinusuyo sya.

Pilit pinapaalala yung nakaraan na nakalimutan nya pero ayaw nya ng balikan.

Masakit kasi paano ko maipapa-alala yung nangyari sa amin, sa kanya, noon kung sya mismo ayaw nya.

Gusto ko mang gumawa ng mga bagong ala-ala kasama sya, ayaw din naman nya. Kaya eto ako umaasa na lang na sana maalala nya.

I heard her crying. Expected ko na to, nakiusap kasi ako kay Sophia na tulungan nya akong makulong kami ni Ven dito sa elevator, dito mismo kung saan pinili nyang magtiwala sakin at sinabi yung nakaraan nya. Dito kung saan kahit madilim, kitang kita ko yung kagandahan nya noon. (Chapter 16-17, yung time po na nag-open up si Aki kay Cole noon sa elevator.)

"Sshhh.." Hinaplos ko yung buhok nya habang nakayakap pa rin ako sa kanya. Humihikbi pa rin sya.

"You will." Mahinang bulong nya kaya napatigil ako sa paghaplos sa buhok nya. "You'll leave me."

Mahigpit kong hinawakan ang balikat nya at pilit syang hinarap sakin, nakayuko lang sya at humihikbi kaya hinawakan ko ang baba nya at itinaas para magtama ang paningin namin.

"Bakit naman kita iiwan?"

Natahimik sya sandali pero agad ding nag-iwas ng tingin at nagsalita. "Sooner or later, magsasawa ka rin. Iiwan mo rin ako, hindi nga lang kasing sama ng g-ginawa ng kuya mo p-pero.."

Hindi nya natuloy yung sasabihin nya at lumayo sakin. Ganon ba sya kawalang tiwala sa akin? Ganon ba kasama yung tingin nya sakin?

Napabuntong hininga nalang ako habang tinitignan sya na umupo sa kabilang dulo ng elevator at sumukop sa tuhod nya nan parang takot na takot habang umiiyak.

Hindi ako iiyak. Bakit naman ako iiyak? Pucha naman oh. Ano ba Cole, kalalaki mong tao bakit may tumutulong luha sa mata mo?!

Inis kong pinahid yung mga luhang bumabagsak habang nakatingin sa babaeng mahal kong umiiyak din.

Bakit parang takot na takot sya sakin? Ano bang ginawa ko sa kanya? Natatakot ba sya dahil nakulong kami dito o dahil sakin? Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko kanina nung sinasabi nyang iiwan ko sya. Pucha talaga, bakit ako ba yung naghihirap sa mga ginawa ni kuya?!

Lalapit sana ako pero mas nagsumiksik sya sa dulo ng elevator. "Don't..don't come near me."

Napangiti nalang ako ng mapait sa nasabi nya. Bakit ang lapit lapit ko lang sa kanya pero parang ang layo layo ko? Nasa iisang elevator lang kami pero hindi ko sya mahawakan.

Para akong tanga kasi kahit na medyo basa na rin yung mata ko nagagawa ko paring ngumiti kasi naaalala ko yung nangyari samin dito dati.

Umupo ako sa kabilang dulo at nilagay ang paper bag na hawak ko kanina sa tabi ko, how I love to remember our memories. Hindi ganon kadami pero special lahat para sakin.

She's The Man Hater Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon