CHAPTER TWO

4.7K 75 1
                                    

Chapter 2

Royal Visitation

Janelle

Hindi pa din ako maka get over sa nangyari! Bumaba ako ng taxi at bumaba doon sa bar na pinuntahan ko kagabi para kunin yung kotse ko.

"Bat ba kasi hindi siya nagpakilala agad?! Gigil niya ako e" mahinang sabi ko. Pagdating ko sa kotse ko ay agad akong pumasok doon at nagdrive na pauwi sa condo ko. Pagdating ko ay nadatnan kong nagda-dial sa cellphone ang bestfriend ko at kasama ko sa condo, si Wendy.

Seryoso siyang nakatingin sakin at nasa isang guhit ang labi niya, that means galit siya.

"Alam mo bang ilang beses kitang kinontak kahapon at kanina Mikayla Janelle? Hah?" inis na sigaw niya. Napababa ako ng tingin.

"Oh? Saan ka natulog niyan?! Kinontak ko si Matthew kagabi, ang sabi niya wala na daw kayo" pahina ng pahina niyang sabi. At naalala ko nanaman ang Matthew ko. Naluluha akong tumango.

"Ok ka lang ba?" abiya at lumapit sakin.

"No, I'm not" at tumulo na ang luha. Nanlambot ang mga tuhod ko at umiyak sa sahig.

"Pangit ba ako Wendy?" tanong ko sakanya pero umiling lang siya.

"Bakit niya ako pinagpalit?! Kapalit-palit ba ang itsurang ito?!" inis kong sigaw sabay turo pa sa mukha ko. Natawa bigla si Wendy.

"I'm damn serious Wen!"

"Hahaha, bwisit to! Kung ako sayo, tama lang na wala na kayo nun! E pano pag nagkaanak na kunwari kayo, edi nahaluan ng pangit na genes? Then the Mommy is hot as hell. Hays naku" sabi niya. Natawa na din ako, ganyan ang tunay na Wendy.

Marunong siyang magalit pero mas madalas siyang nagjojoke at napapasaya niya ako doon. Nakakagaan ng loob na meron kang kaibigan na katulad niya.

"May niluto ako diyan. Mamaya na tayo mag-usap. Maliligo muna ako" sabi niya at pumasok na ng cr. Dumiretso ako sa kwarto ko.

"Yung phone ko pala! Nakalimutan ko dun sa impyernong kwartong yon!" sabi ko sabay face palm. Biglang may nag door bell, naalala ko bigla si Matthew! Baka pinuntahan niya ako!

Mabilis kong tinungo ang kwarto kahit hindi pa ako nakapagpalit, at kahit wala pa akong suot na undies. Pagbukas ko ng pinto ay bumilis ang tibok ng puso ko.

"You forgot your phone and your polka dots undies" si C! Dali dali kong kinuha yong dala ng plastic na naglalaman nung underwear ko.

"Bat mo pala alam ang condo ko?!" naiinis kong sigaw sakanya. Kunot noo siyang tumawa.

"Ano sa tingin mo sakin? After we make something ay mababaldado ako at hindi na kita masundan?" aniya at tumawa ng malakas. May suot siyang baseball cap at shades.

"Psh. Umuwi kana, salamat" sabi ko at akmang isasara ko na ang pinto ng hinarang niya yung braso niya.

"Hindi mo ba ako patutuluyin? Hindi mo ba patutuluyin ang royal prince?" sabi niya. Umupo siya sa couch at ipinikit ang mga mata niya.

"Oh?! Dito kapa matutulog?!" inis kong singhal sakanya. Umupo siya at tumitig sa mismong mga mata ko.

"Hindi ako nakatulog agad kagabi, actually hindi na gabi nung natulog tayo sa pagkakaalam ko. Ikaw, hindi ka ba inaantok?" aniya. Binigyan ko siya ng don't-you-dare look.

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon