JASPER STA. CRUZ POV
PAGHINTO ko ng kotse ay may nakita akong lalaki na kasing taas ko lang na mukhang may kailangan yata. Lumabas ako para kausapin siya.
"Anong atin?"
Tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Dito ba nakatira si Ana Chavez?"
Nginitian ko muna ito bago magsalita.
"Yes, dito nga. Bakit?"
"Gusto ko sanang ibigay ito sa kaniya." tukoy sa puting envelope na dala niya.
"Halika sa loob tayo." aya ko sa kaniya.
"Wag na. Nagmamadali kasi ako dahil may flight pa ako mamayang 10:30" sabi niya pagkatapos tignan ang kaniyang relo.
"Ah, sige. Ako nalang magdadala niyan sa kaniya."
"Thank you." sabi niya at sumakay sa taxi na sinakyan.
At ang pag-alis niya na 'yon ay ang daan sa pagmamahalan na sinasarili lamang at siyang dahilan sa pagbiak ng puso kong umaasa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ana,
Para kang lupa, alam mo ba iyon? Kahit anong bungkal, tapak at sira ko sa iyo nandiyan ka sa tuwing mag-isa akong umupo, na nangangailangan ng masasandalan o mahihigaan- at doon ko nararamdaman at nakikita kung gaano kaganda ng paligid na gawa ng Diyos.
"Ayyy..." tumingin ako sa taong nabangga ko. Kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Eherm" tikhim niya. At nang marealise ko ang posisyon namin na nakahakap ako ay dali-dali akong lumayo sa kaniya.
"Sir Cliff, sorry po." nakayuko kong sabi.
"Tsk." binangga niya lamang ako, at maya-maya ay nagtawanan ang mga ka-school mates ko.
"Guys, may free sex daw sa kaniya."
"Gosh! Kaderi!"
"Ewww...pokpok."
"Malandi talaga."
"Bro, nag-invest oh."
Yan ang naririnig ko sa paligid habang naglalakad ako sa hallway.
"Stop."
"Stop."
Hindi ako lumingon dahil baka masabihan pa akong assuming.
"I said stop." nagpatuloy lamang ako sa paglalakad.
"Stop or I will make sex with you, Miss Chavez." at ganun na lang ang pagtigil ko sa paglalakad ng marinig ang kaniyang sinabi.
Haluh!
Tiningnan ko kung sinong lalaki ang nagsalita ng kabastusan at pinaningkitan ng mga mata. Nakakawala kasi ng respeto at dignidad! Char! Kaw na talaga Ana!
"Sino kang anak ng tipaklong na pamangkin ni Hudas at apo ni Satanas na demo-"
Nang matanto ko kung sino ang taong nasa harap ko ay siyang paglaki ng mga mata ko.
Whut! Si crushy Jasper! My gosh! Nakakahiya.