Masaya ako dahil nandiyan ka, ikaw yung naging magulang, kapatid, kadugo at kaibigan ko sa tuwing kinakailangan ko sila. Gaya ng lupa pinaparamdam sa akin ang tunay at makabuluhang buhay dito sa mundo.
"Clifford, what is this all about!" rinig ko galing sa sala.
"Dad, I can explain."
"Alam mo ba kung anong kahihiyaan ang ginawa mo. Maaapektuhan ang negosyo natin alam mo ba iyon!"
"Honey, tama na."
"You better clean this mess or else." at narinig ko nalang ang mga yabag ng mga paa na umakyat.
Lumabas ako sa kusina at naabutan si Sir Cliff na nakayukong umupo. Lumapit ako sa kaniya pero napansin ko ang mga litrato naliit na table.
Siya at mga kabarkada niya na nagsusuntukan sa isang bar laban sa isang grupo.
"Why are you here?" umupo ako sa parihabang upuan at tumingin sa kaniya na nakangiti.
"Why are you always like that?" sabi niya sa akin na akala mo kakainin ako ng buhay.
Pero ngumiti lamang ako sa kaniya.
"Idiot and pathetic." sinabi pa niya.
Pero nginitian ko lang siya, yung tipo na mawawala na ang mga mata ko.
"Crazy." at napatawa ng mahina.
Alam mo ba ikaw nag-iisang tao na kahit anong taboy ko ay nandiyan ka parin ngumingiti sa harap ko.
Ana.
Patawad.
Sana mapatawad no ako as lahat ng ginawa kong pagpapahirap sa iyo. Ngayon ako naman ang nasa lupa, nagtatrabaho para sa ikakabuhay sa sarili. Simula nung pinalayas ako ng mga magulang ko sa bahay ay nawala na sa akin lahat. Pamilya, kaibigan, pera, pag-aaral at pati.....ikaw.
"Napakawalanghiya ka! Saan ka ba nagmana! Tarantado! Lumayas ka! Sunod-sunod ang kamalasan ko sa iyo!"
"Dad its not what you think?"
"Ang ayaw ko sa lahat ay yang mga kagaguhang ginagawa mo! Hala! Layas! Simula ngayon wala na akong anak na tarantado."
"Dad, hear me out first."
"Guards! Wag mo nang papasukin iyan."
"Da-d please!"
Nakita ko si Sir Cliff na hinihila ng mga guwardiya palabas.