Ang Tropang My Drummer Boy
©zynianne26/Monica Anne
Bago ko matuklasan ang MDB, madami na akong Wattpad stories na nabasa. One time, nagpunta ako sa site ni Ate Denny (Oo, Ate. Epsi ako e), then napansin ko tong MDB. Syempre dinownload ko. may binabasa pa kasi akong ibang story bago ko to basahin. After nung story na un, sinunod ko tong MDB. Lagi kasi ako sa kwarto nagbabasa. Naliligo ako ng unan para pag kinilig ako, lam na. Yung seryoso pa ako pagbabasa, tapos biglang gugulong kasi kinikilig, then mapapatigil tas biglang maiiyak. Jusko mukha kaya akong mental patient nun.
Nung first part, natawa na agad ako kase lakas trip si Jessie eh. Para walang bukas kung asarin nya si Luna. Tapos dagdag mo pa yung baduy na pangalan ng banda nila. Haha peace! Nasusuya ako kay Jessie kase akala mo kung sinong gwapo para mang-asar. Oo na, gwapo ka na. tapos habang binabasa ko ung part na nanggigil na si Luna kay Jessie, naiimagine ko yung itsura nya na naglalabasan na ung veins sa leeg nya tapos nag-aapoy na ung paligid nya. Haha. Opposites do attract talaga! Pango si Luna, matangos si Jessie. Nyehehe joke lemeng pfouhsxz. Bilib ako kung pano sila kumapit sa isa’t-isa. Na kahit gano na kadami at kasaklap ang dinanas nila, still, di pa rin nila binibitawan ang kamay ng isa’t-isa. And I admire them for that.
Si Steff Lazaro, ang berat na bestfriend ni Luna Reyes, na nainlove sa lokong gitarista ng Pepperoni Cheese na si Kevin Perillo. Iba ung pagkakilig ko sa kanila eh. Yung para bang sabi ko sa sarili ko, ‘Gusto ko pag nag-bf ako, ganito kami magtrato sa isa’t-isa’. Okay lang kay Kuya Kebs kahit sapakin sya ni Ate Steff e. Things you do for love nga naman. Baduy nga naman ung masyado kayong sweet. Maganda ung nagsasakitan para may thrill! HAHAHA. Araw-araw nag-aaway pero hindi naghihiwalay. Ayiiieeh!
Tapos eto naman si Justin Cuevo, waaaaah ang crush ko! HUHUHUHU! Nung naheartbroken sya dahil kay Luna, kulang na lang puntahan ko sya para icomfort pero alam kong OA na yung gagawin ko kaya nanahimik na lang ako. Hahaha. Sana, sana lahat ng lalaki kagaya ni Justin. Naiyak ako dun sa scene sa Be Mine Again, ung gabi na nag-usap sila ni Luna. Noong sinabi ni Justin na “I have to let go.” Syempre masakit magparaya pero alam mo namang hindi ka sasaya kung ipagsisiksikan mo pa sarili mo dba?
Then there’s Sarah Vernon and Rio Lee. Iniiiiiiiiiis na iniiiiiiis ako kay Sarah noong una. Napakalaki nya kasing kontra-bulati sa Lunessie. Sarap nyang ibitin patiwarik at ihagis sa Bermuda triangle. Pero nagbago yung tingin ko sa kanya nung nakilala nya si Rio. Bagay sa kanila yung quote na, “Love is seeing an imperfect person perfectly.” Kahit anong gawing pagkontra ng mga kaibigan ni Rio para sa nararamdaman nya kay Sarah, hindi nya yun pinansin at sa halip, pinaglaban nya ung pagmamahal nya. Ang sweet lang eh. Nakakainis kase pakipot pa si Sarah. Pero gustung-gusto din naman. Hahaha. Sila yung couple na nasa loob ang kulo. Pero I find them sweet. Na kahit ganun sila eh alam mong mahal na mahal nila ang isa’t-isa.
Lastly, Casey Montez and Katrina Yuzon. True lovers are never apart. Matagal man silang nagkahiwalay at hindi man nila naipagtanggol ang isa’t-isa sa magulang nila, in the end, di pa rin nawawala ang love nila for each other. They may be apart in distance, but never in heart. Ilang bundok, dagat, o puno man ang layo nila sa isa’t-isa, andun pa din ung fact na kahit anong mangyari, magkakonekta pa din ang puso nila.
Different people, different love stories, united in one story.
Natawa, naiyak, kinilig, nainis, at kung ano-ano pang anik sa katawan ang naramdaman ko dyan. Masaya sila kausap kahit Facebook, Twitter, at text lang. HAHAHA. Keep it up guys. Stay strong sa relationship nyo. And congrats Ms. A/Nikkidoo/Dating asawa ni Leeteuk/Asawa ni Himchan/Nikki Lubis. More blessings and opportunities to come. You’re still young so alam ko, at namin, na madami ka pang kayang gawin. Follow your dreams, aim high, and don’t waste a chance to reach the top.
-- Monica Anne
