Prologue

20 0 0
                                    


Naglalakad ako sa gitna ng red carpet habang hawak hawak ng dalawang kamay ko ang isang puting bulaklak, suot ang isang simple pero magandang white gown, nakapusod pataas ang aking buhok habang may kaunting buhok ang nalaglag sa gilid ng mukha ko. It's a garden wedding.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko ng wala akong makita na kahit isang tao, kahit yung lalaking dahilan kung bakit ako andito ay hindi ko makita. Andaming katanungan ang gumugulo sa isip ko, iniwan nya na ba ako? narealize nya bang hindi ako ang dapat nyang pakasalan? sa isiping yun bigla nalang tumulo ang aking luha.

Naglakad pa ako hanggang sa makarating ako sa gitna patungo sa dapat ay nakatayong pare at ang taong papakasalan ko, huminto ako at luminga linga sa paligid habang walang tigil sa pagluha at tinatawag silang lahat, sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko para na akong nabibingi, hindi ko na marinig ang sariling boses ko na sinisigaw ang pangalan nya. Sa muling paglingon ko ay halos mapasigaw ako sa nakita ko lahat ng mga taong dumalo sa kasal ko ay nakahandusay sa sahig at ang kanilang mga puting damit ay naging pula na dahil sa kanilang mga dugo,  para silang naliligo sa sariling dugo.

Sinong gumawa nito sa kanila? yung mga magulang ko na wala ng buhay na nasa harap ko ay sobrang nakakapang hina sakin. bakit?

Naramdaman ko na may tao sa likod ko kaya unti unti ko itong nilingon, hindi pa man ako lubusang nakakaharap sa kanya ng maayos ay naramdaman ko ang mahigpit na pag hawak nya sa aking leeg at ang mabilis na pagtama ng katawan ko sa puno. Napapikit at napangiwi ako dahil sa sobrang sakit na bumalot sa buong katawan ko at sa higpit ng pag kakasakal sa akin na parang anytime pwede akong malagutan ng hininga. Damn!  Ano bang nangyayari?

Pinilit kong imulat ang mga mata ko para makita kung sino sa gustong pumatay sa akin.

"hindi ako makakapayag na makasal ka sa kanya, kaya papatayin na kita!"

At mas lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakasakal sa akin kaya naman nabitawan ko na ang mga bulaklak na hawak ko at hinawakan ang mga kamay nya nagbabakasakaling matanggal sa leeg ko. But I can't!  sobrang higpit at hindi na ako makahinga ng maayos napapikit ako at tumulo ang mga luha sa mata ko. asan kana ba? help me please!  namamanhid na ang buong katawan ko. hindi ko alam kung san humuhugot ng lakas ang babaeng to para syang lalaki dahil sa sobrang lakas nya.

Sobrang nanlalabo na ang paningin ko. Is this really the end of my life? What about my parents?  ay oo nga pala She killed my parents!  Damn her and her strength!

Ano bang kasalanan ko sa kanya? e hindi ko naman sya kilala!

Bigla nalang akong natumba at nawala yung mga kamay na sumasakal sakin, parang feeling ko bali bali na ang mga buto ko sa katawan pero kahit ganon pinilit kong bumangon kahit hirap na hirap ako tiniis ko hanggang sa makabangon ako at pinilit na makaupo at sumandal sa puno minulat ko rin ang mata ko, napatakip ako ng bibig upang pigilan ang pag sigaw dahil sa nakita ko. basta nalang nyang hinagis sa kung saan ang walang buhay na katawan nung babae kitang kita ko ang ginawa nya kung pano nya pinutol ang buhay nito.

Napalingon sya sakin at bahagyang ngumiti kitang kita ko ang dalawang matutulis na pangil na may bahid pa ng dugo. Lumapit sya sakin at nilahad ang kamay nya sakin, nag dadalawang isip pa akong kung aabutin iyon ng maramdaman ko na tinayo nya ako hawak nya ang magkabilaang balikat ko hindi nya ako binitiwan dahil siguro alam nyang matutumba ako kapag ginawa nya yun.

Tinitigan ko sya sa mga mata, mapupula ito pero hindi mo makikitaan ng poot.

"Bampira ka?"  nanginig ang buong kalamnan ko sa sinagot nya. "Yes, and we're married!" mga salita na nakapagpahina ng buong katawan ko at bago pa ako makasagot ay isinuot nya na sa akin ang isang wedding ring pinakita nya rin sakin yung daliri nya na may singsing na katulad ng isinuot nya sakin.

S-sya yung lalaking dapat ay naghihintay sakin sa altar pero something happened at ngayon...

Seriously!?...

"IM MARRIED TO A VAMPIRE!!"

ALLY's note:
kamusta yung Prologue?  may na feel ba kayo? or wala? come on... honest answer lang po!! hehe
Anyway, I'm trying to put more kilig every chap. and vampire fight scene at the same time!

So please continue reading!! labtots 😘😘

ally♥

I'm Married to a VampireWhere stories live. Discover now