{Chapter 1} *The Bestfriends*

84 1 0
                                    

{Chapter 1}

 

~ADESINA's P.O.V~

 

Woooooaaaaoooaaaaoooaahhh~~

Hayy, ang sarap talagang maghikab pag ganito kaganda ang sikat ng araw.

Yun bang pag-gising mo ang bubungad agad sayo eh yung napakagandang araw na para bang inaaya kang tingnan sya at bumangon ka na. Naranasan nyo na ba yun? Siguro hindi no? Baka nga naiinis pa kayo sa araw dahil ginising nya kayo eh. Ano? Aminin nyo kung hindi magkakamatayan tayo dito. =____= Okay ang aga aga kung ano ano naiisip ko. Tss.

"Good Morning sunshine." bati ko kay haring araw. Ang weird ko ba? Well, masanay na kayo. Dahil medyo matagal tagal nyong ilalagay ang sarili nyo sa katauhan ko hangga't binabasa nyo ang pov ko. Mwahaha. >;)

*KRIIIIIIIING!*

"Ay elepanteng daga!" gulat kong sabi at napatingin ako sa cellphone kong super phase out na. Wag ng itanong ang unit. Nakakahiya eh. Alam ko namang mga qwerty at touch screen yang mga cellphone nyo. =___=

*KRIIIIIIIING!*

"Tsk. Itong cellphone na to napakaapurado. Sasagutin naman sana." kinuha ko na ang cellphone ko na mukhang nadaganan ko ata sa pagtulog ko. Buti nalang at original to. Gumagana pa rin. HAHAHA.

"Hello? Bat ba kaaga aga tawag ka ng tawag---"

(Miss Adesina Merridith De Guzman, is this you?)

Napatigil agad ako sa pagrereklamo ko nang marinig ko yung tono ng boses nung tumawag. Ang seryoso brad! Kailangan maging seryoso din ako. Eh teka? Bat alam nito ang pangalan ko? Hindi kaya kidnapper to? Eh? Ang formal masyado eh. Saka english speaking talaga. Ok. Hindi pasok sa qualifications ng kidnapper.

"Ah. Yes. Who's this?"

(I'm Mr. David De Vivar. I heard you're looking for a job. I happened to see your post in the internet. So I called you if you're still interested---)

"OF COURSE! Uhm... I mean, yes sir! I'm still looking for a job."

(That's good! So can we meet later? To discuss my offer to you. Don't worry I'm not a bad person if that's what you're thinking right now.)

Wow ha. Alam nya talaga ang iniisip ko. Nagtataka lang kasi ako kung ano bang trabaho ang ibibigay nya sakin. Well as you can see, hindi naman ako mayaman. Mahirap lang ako. Kailangan ko ng trabaho para mabuhay ako. Nag-aaral pa ko. 18 y/o naman na ako eh. Kaya pwedeng pwede na talaga akong magtrabaho. Nagboboard lang ako dito sa dorm ng school. Wala naman tong bayad dahil parte to ng scholarship ko. Yung parents at isa kong nakababatang kapatid na lalaki ay nasa probinsya. Alam nilang nandito ako sa maynila. Todo support nga sila eh. Akala nila wala na kong poproblemahin dito dahil scholar ako pero nagkakamali sila. Hindi naman sagot ng school ko ang pagkain ko at iba ko pang pangangailangan. Nga pala, sa Chua University ako nag-aaral. At may mga kaibigan din naman ako. Baka sabihin nyo sa weird kong to siguradong ala akong kaibigan. Wag kayooooo. Friendly kaya ako! :P

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon