Christine's POV
Alam nyo guys, mahirap talaga magmahal ng isang taong sa tingin mo hanggang panaginip nalang ang lahat.Sa tingin mo wala kang pag asa.Ano bayan! ayan nanaman ako.Senti nanaman.Simula nung nag away kami ni Cassandra hindi na ko sumasama kay Niel minsan.Pag hindi talaga kaylangan.Feeling ko pag lumapit ako may gagawin nanamang masama si Cassandra.
One week na kong ginugulo nina Cassandra pero wa epek sakin yun.Buti nalang may supah friends na tutulong sakin.Sinusubukan talaga nila pasensya ko.Ako naman gagawa ng plano.Ahahahaha! lol
Pero syempre joke lang yun.Hindi ako pumapatol sa mga ganung tao.
Saturday ngayon kaya magliliwaliw muna kami nina Sandra at Zoey sa mall.We talked about kasi sa upcoming prom at naisipang tumingin ng mga dresses.Anyways prepared na nga ko.as in #ootd ako ngayon.Pupuntahan daw nila ako dito sa bahay pero hanggang ngayon wala parin."CHRISTINE!!!" speaking of Sandra.Time to gala na pampatanggal stress.
@mall
"Uy dun naman tayo sa third floor" sabi ni Zoey. one hour na kaming naghahanap ng dresses at wala parin kaming nabibili.Nakakagutom na sa totoo lang."guys,kain muna tayo"yaya ko sa kanila at magmamakaawa na ko."sige na nga.san nyo gusto?".tanong ni Zoey."Oh my! Christine,nakikita mo ba nakikita ko?!" Holy! bakit nadito rin sila? sa dami daming mall bakit dito pa."Nandidilim paningin ko,tara na"Nakakatawa talaga si Zoey.Sina Cassandra kasi yung nakita namin kasama yung mga friends nya.Ang dami na ngang nabili eh.
Napadpad kami sa foodcourt.Ok na to atleast hindi kami makikita nina Cassandra.Hindi naman kumakain sa mga ganto yun eh.mayaman kase."Christine..ano pala balak mong gawin sa mga ipis na yun?" Sina Cassandra yung tinutukoy nya alam ko na yun.psshh ano nga ba?"ewan,pabayaan nalang natin.Pag sobra na talaga edi gantihan natin."
After we finished our lunch we start looking for our prom dresses na.Meron akong nakitang store na puro dress talaga ang nasa loob so pumunta na kami dun."Hi mam.What dress are you looking for?" tanong nung babae."We need prom dresses kasi" then pinakita nila samin yung mga dresses.super bongga naman! Nag fit agad kami ng dresses.After 20 minutes.Oo ang dami kasing gusto nina Zoey at Sandra pero Zoey end up with pink chiffon floor-lenght deaded halter dress.Oh diba daming arte ni Zoey.Kay Sandra naman simple lang with tiffany blue lace prom dress.At yung sakin,white lace with high neck green tulle button dress daw.hahahaha may "daw" eh?!
"Best!!Tayo may pinaka magandang dress sa prom!" excited na sabi ni Zoey habang binabayaran yung dress nya."Nananaginip ka nanaman.Ano pa kaya yung dress ni Cassandra.Papatalo ba yun?" Sabat ni Sandra.Alam ko namang bongga manamit yun kasi model nga sya dba.
Papunta kami ngayon sa J.co dahil request ni Sandra.Manlilibre daw sya.Okay! Nadaanan namin ang isang store na puro shoes and high heels ang tinda."Guys,nadito lang nanaman tayo eh bumili na tayo ng prom shoes natin dba?" Agad naman nagmadali yung dalawa at tumingin na ng shoes.
After 10 minutes nakahanap rin kami ng perfect shoes for our dresses.Zoey choose pink stilletos with hidden platform soles and sparkling buckled ankle straps and heels pang nalalaman.Well mayaman din kasi si Zoey eh kaya okay lang samin lahat ng pinipili nya.Kay Sandra eh glitter wedges.Super ganda nung napili nila samantalang ako wala pa.huhuhu.
"Best.tulungan nyo ko maghanap pls" kumuha si Zoey sa line ng size 8.Bestfriend ko talaga to pati size ng paa ko alam."Best try mo tong Mary jane strappy platform stiletto high heels!!" ganyan po talaga yan si Zoey daming alam sa mga high heeled shoes."thank you Zoey ah!! Supah ganda!!" Nagpunta na kami sa counter at nagbayad na.Gumamit naman ng credit card si Zoey kasi paubos na daw pera nya.Ang mahal ba naman ng piniling dress.
Tumambay muna yung dalawa sa bahay ko.boring daw sa kanila eh.Si Sandra nagfafacebook tas si Zoey nagpapahinga.
"Christine!!!!!!"
Napatayo ako sa sigaw ni Sandra at pumunta sa kanya.ganun din si Zoey."Ano ba-"
-Cassandra Garcia is in a relationship with Nathaniel Alvares-
HUWHAAAAT!!!!
NOOOOOOO!!!!!
Paano-Nangyari-Yon!!!! paki explain pls.huhuhuhu~
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Anonymous347