Matagal ko na siyang gusto. No, scratch that. Mahal ko na nga ata siya, Yun nga lang, nahihiya akong lapitan siya kaya nakokontento nalang ako sa pagtanaw sa kanya mula sa malayo.
Isang araw, nakaisip ako ng paraan para mapansin niya ako.
"Uhm, Alex? Pwedeng pahinging papel?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman."
Ganun lang kami araw-araw simula non. Sa kanya ako parating humihingi ng papel. Hindi naman siya nagagalit o ano. Di nagtagal, umabot sa puntong, sabay na kaming kumain. Sabayng pumasok sa school. At sabay umuwi.
Isang araw, habang sabay kaming naghihintay ng jeep...
"Aalis na kami bukas patungong Hongkong." bigla niyang sinabi na pumawi sa masayang katahimikan.
Napatingin ako sa kanya sa gulat. Napayuko nalang ako at lumong-lumo ang mukha. Pagkatapos naman nun, meron nang jeep na dumating. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa jeep at pakiramdam ko parang ito na ang huli naming pagkakausap kaya di ko namalayan at bigla akong nataranta kaya napasigaw ako sa kanya.
"ALEX, MAHAL KITA!"
Nagulat ako sa sinabi kong yun. Pano kung mag-iba yung tingin niya sakin? Pano kung iwasan na niya ako?
BINABASA MO ANG
Mahal Kita... JOKE LANG!!! (One shot)
Historia CortaSana di ko na lang binawi! Eh di sana tuluyan na kong naging masaya ngayon. Sana wala na lang yung "JOKE LANG!". Eh di sana, wala nang "sana"...