CHAPTER 54

60 5 0
                                    

Chapter Fifty four.

Samantha Angeles

Ang aga kong gumising. Siguro mga five ng umaga lang naman?

Hindi ko alam pero parang ang good mood ko ngayon?

Naalala ko kasi kagabi, hindi ako iniwan ni Jungkook sa sasakyan nung mag decide ang Bangtan na lumabas nang makakita sila ng convenient store.

Sobrang antok ko pa no'n. Tapos ugh! Ang bango ng jacketni Jungkook na hanggang ngayon e nasa akin pa!

Napalingo ulit ako sa pader ng kwarto ko at doon ko nakita ang naka sabit na jacket ni Jungkook.

"Omg," napasapo ako sa noo ko dahil sa inaakto ko ngayon.

Umayos ka Samantha!

Nakangiting bumaba ako mula sa kwarto ko at naghanda na ng kakainin ko.

Hindi ko maiwasan na hawakan ang Phone ko at tignan kung may nag message ba sa'kin.

Pero dahil pasaway ako, tinext ko muna si Taehyung.

'Hi Taetae! Good morning!'

Then send.

Hindi na ako nagdalawang-isip at nagtype na ako ng message kay Jungkook.

'Hi bunny. Good morning!'

Bakit ba ganito? Parang kinikilig na ako sa tuwing iniisip ko na akin lang dapat si Jungkook?

Argh! Hindi ko maiwasan.

Kinuha ko ang laptop ko sa kwarto ko at dinala sa sala habang kumakain ako ng Oat meal.

Hmm.. Ang daming notifications ah!

Inuna ko 'yong YouTube.

Nagtakha ako ng mag notify sa akin 'yong mga videos ng Bangtan.

"Bakit may recommendation ako ng mga 'to?" Tanong ko sa sarili ko.

Pero biglang pumasok sa isip ko na nag subscribe nga pala ako sa mga account na palaging nag a-update sa kanila.

Wala naman akong nakitang problema kaya naman sinarado ko na ang laptop ko para mag-ayos na ng sarili ko.

Naligo na ako, nag toothbrush at kung ano pa.

*Cring*

Nang tumunog ang phone ko ay dali-dali kong kinuha ang phone ko.

{Samantha..}

Nang magsimula ko na namang marinig ang inaantok nyang boses ay nagsimula na naman bumilis ang tibok ng puso ko.

"J-jungkook.."

{Ikaw na bumangon sa'kin oh..inaantok pa ako.. Punta ka dito, please?}

Ano daw sabi?! Waaa! Puso, kumalma ka!

Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon