CHAPTER 55

64 4 0
                                    

Chapter Fifty five.

Samantha Angeles

Nasa loob na ako ngayon ng sasakyan ni Jungkook dahil pagkatapos ng kainan namin ay kinausap muna ako ni Jungkook.

"Phone." Sabi nya at inilahad ang kamay sa akin.

Naguguluhan akong tumingi sa kanya.

"B-bakit?" Tanong ko.

"Give me your phone." Pag-uulit nya.

Hindi na ako nag-alangan pa at binigay ko na sa kanya ang Phone ko.

Wait, ano'ng gagawin nya?

Inaabangan ko lang ang mga gagawin nya at bigla nyang hinarap ang phone ko sa akin.

Password.

Akmang ita-type ko na ang password nang pigilan nya ako.

"Teka. Gusto kong malaman." Sabi nya.

Napangisi naman ako at binigkas ang password ko.

"Jungkook bunny," sabi ko sabay ngiti.

Nakita ko ang saglit na pagngiti nya bago pinakialaman ang phone ko.

Napapangiti narin ako sa mga nangyayari ngayon kahit wala akong idea kung bakit nya kinuha ang phone ko.

Ilang minuto rin ang itinagal bago nya ibinalik sa akin ang phone ko.

Tinignan ko muna sya bago chineck ang nangyari sa phone ko.

WHAT THE?!

Pagbukas ko palang e bumungad na agad sa akin ang mukha ni Jungkook!

Mabilis ko syang nilingon.

"Jungkook! Bakit mo naman pinalitan ang lock screen ko. Tapos mukha mo pa."

"Gusto ko lang makasigurado na sa akin ka lang titingin. Baka mamaya, habang nasa Japan ako, may bago ka nang kinakikiligan." Sagot nya na nagpatigil sa akin.

Mygosh. Hindi ko aakalain na ganito katamis ang dila ng lalaking ito!

"Ikaw lang naman po kasi ang pinaka hot na sumayaw, pinaka cute ngumiti, pinaka magaling kumanta at higit sa lahat, ang nag-iisang lalaking nagpapakilig sa'kin.."

Nakita ko ang pagngiti nya sabay iwas ng tingin sa akin.

Aww! Nakita ko 'yon! Gosh kinikilig ako.

"Baka naman kalimutan mo na ako kapag nasa Japan na kayo ha? Kahit Two days lang 'yon.." Dagdag ko pa.

"Kung gusto mo, pagkatapos namin mag perform, alis na kaagad kami. Wala ng interview." Sagot nya.

Hinampas ko naman sya dahil sa sagot nya.

"Aray!"

"Baliw ka ba? BTS kayo. Isang napaka sikat na grupo tapos ganyan ka sumagot? Malilintikan ka talaga sa'kin!" Sermon ko na nagpangisi sa kanya.

"Sorry na po huhu."

Napairap nalang ako bago sinilip ulit ang phone ko.

Tss. Mukha nya agad ang bubungad!

"Napaka kulit talaga ng bunny ko.." Bulong ko pero mukhang narinig  nya.

"Hehehe.."

-.-

~•|•~
Vote and Comment!
=)

Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon