The Day She Left

251 10 6
                                    

Ako yung klase ng estudyanteng sikat sa school dahil sa mga gulong pinapasok ko. Habang ikaw, ikaw naman yung sikat sa school dahil sa kabutihan mo. Gusto ka ng maraming tao habang ako, kinamumuhian. Maganda ka… matalino… sobrang bait mo pa. Kaya nga sa dinami-rami ng mga lalaking nanligaw sayo, di ko maintindihan kung bakit ako yung pinili mo.

Una kitang nakita pagkalabas ko sa principal’s office. Napagalitan na naman kasi ako. Last warning ko na daw. Pag di pa ko nagtino, dismissal na ang aabutin ko. Sa sobrang badtrip ko, nabangga kita. Nalaglag yung mga libro mong dala. Dinampot mo yon isa-isa pero di man lang kita tinulungan. Tinitigan lang kita. Tahimik ka lang. Di ka umimik, di ka umangal. Maybe at that time, you already knew what I am. I am nothing but trouble. Siguro yun yung dahilan kung bakit di mo ko kinibo.

Tumayo ka at nagpatuloy sa paglakad na parang walang nangyari – na parang di kita nabangga… na parang di mo ko nakita.

Magmula non, araw-araw ka nang hinahanap ng mga mata ko – sa bawat classroom na madaanan ko, sa hallways, sa lobby, at pati sa library kahit na di naman ako kadalasang nagpupunta don. Gusto kong magsorry. Gusto kong tanggalin sa isip mo yung tao na akala mong ako.

May pagkamalaki tong school natin kaya di na ko nagtataka kung bakit ang hirap mong hanapin. Pero umaasa ako noon na isang araw, makakasalubong ulit kita. At pag nangyari yon, makaka-usap na kita.

At eto na. Eto yung araw na inabangan ko. Nakita ulit kita. Naka-upo ka sa park bench sa garden ng school natin. May hawak-hawak kang libro na di ko mabasa yung pangalan. Lumapit ako at naupo sa tabi mo. Di mo man lang ako tinignan. Di ko tuloy alam kung pano ka kakausapin.

Tumikhim ako. Lumingon ka na sa wakas. “Uhm, hi,” nahihiya kong pagbati sayo.

Alam ko, na-awkwardan ka bigla. Nakita ko yon sa pilit mong ngiti. “Hello,” sabi mo.

Diniretso ko na ang mga sasabihin ko. Alam kong ayaw mong maka-usap ang isang kagaya ko. “Gusto ko lang sana magsorry…”

“Para saan?” tanong mo. Tinitigan kita. Di ko alam kung nakalimutan mo na o nagkukunwarian ka lang na di mo naalala kasi ayaw mo talaga kong maka-usap. Nakatitig ka din sakin. Mukha namang nakalimutan mo lang talaga.

“Di mo na siguro naaalala pero nabangga kita last week. Sorry kung… Sorry kung medyo late na yung sorry ko,” tumayo na ko at umalis nang di na pinakinggan pa ang sasabihin mo.

Di pa ko gaanong nakakalayo nang marinig kong tinawag mo ko. “Kaiden,” sigaw mo.

Alam mo yung pangalan ko… Malamang alam mo. Kasi ako yung sikat na basagulero sa school natin. Matunog yung pangalan ko kasi halos araw-araw akong pinapaiwan pagkatapos ng assembly.

Liningon kita at yun ang unang beses na nakita ko ang matamis mong ngiti. Tumakbo ka papalapit sakin. “I’m Zoey. Nice meeting you, Mister Sattore,” inabot mo sakin ang kamay mo para makipag-handshake. Tinanggap ko naman yon.

“Just… Just call me Kai.”

Nung una, naintriga lang ako sayo. Gusto ko lang malaman kung hanggang saan ang pasensya mo. Nakipagkaibigan ako sayo. At di ko inakalang aabot yon ng dalawang taon. Habang tumatagal, natatakot ako. Kasi anytime, pwede mo kong iwan – anytime, pwedeng maisip mo na ayaw mo na ko maging kaibigan.

----

“Kinausap ka na naman ba nila?” tanong ko sayo. Alam kong ramdam mo na badtrip ako. Ewan ko ba pero ikaw lang ang nakakagawa non. Kayang-kaya mo kong basahin na parang isang nakabuklat na libro.

“Oo eh,” lumapit ka at naupo sa tabi ko. “Kai.” Ayan ka na naman sa paglalambing mo. Alam na alam mo talaga ang gagawin pag nababadtrip ako. “Wala akong balak lumayo sayo.”

The Day She LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon