'His'

7 2 0
                                    

Para sa Babaeng nandyan palagi sa tabi ko.

Masaya man o Malungkot.
Mahirap man o madali.
Yung mga pagsubok ko sa buhay.
Nandyan ka palagi.

Salamat ah.
Para sa Sacrifices mo alang alang lang sa akin.

Pero nanibago ako nung nagsimula kang umiwas.
Gustong gusto kitang tanungin kita ng...

"May kasalanan ba kong nagawa?"

Gusto kong magsorry sa 'di malamang kadahilanan.

Ilang linggo mo na ba kong iniiwasan? Ganoon ba kalaki yung kasalanan ko sayo? Para gawin mo saakin 'to?

Na saktan ako?

Sinubukan kitang kausapin pero...

"Punta lang akong Cr ah."

"Sorry, busy ako."

"Aalis kasi kami."

"Di ako pwede ngayon, Sorry."

"Nagmamadali ako e."

"Sa susunod nalang, Please?"

"Pwede next time nalang?"

Sasagutin na sana kita ng

"HINDI PWEDE, GUSTO KO NGAYON NA."

nang....

Hinila ka nung bago mong Bestfriend.

Saka mo ko iniwan mag isa, mali pala.
Kasama ko yung napakaraming tanong na naiwan sa utak ko.

150 Pesos na yung nagagastos ko kakaload para matext ka.
116 texts, 17 missed calls,

Wala ni isang reply.

5 pesos nalang tong pangtext na masesend ko sayo.
Sana pagnabasa mo to...

Sana.

Pansinin mo na ko.

"Sorry ah, Kung may nagawa man ako sayo. Pero sana wag naman sa ganitong paraan ka maghiganti. Sobrang sakit na e. Ipabugbog mo nalang ako kesa sa Iwasan mo ko. Please. Please lang naman o. Sana pagnabasa mo to, Mapatawad mo na ko."
Sent 9:37 PM

"Sa bawat araw na nakikita ko kayong magkasama, parang ang sarap niyang patayin sa loob ng isip ko. Alam mo ba yun? Syempre hindi. Busy ka nga diba? Ano pa nga bang magagawa ko? Nth years, ibabaon mo lang sa limot? Wag ka namang ganon, napakadaya mo naman. Kung kelan, Mahal na nga ata kita."

•Sending...

Tumunog yung Cellphone ko.
Sana ikaw na to. Sana.

Akala ko lang pala.

"We have deducted 4 pesos from your Previous unpaid...."

Paksh*t naman oh. Halos maibato ko na yung Cellphone ko.

*Toot* *Toot*

Sending Failed.

"ARGHHHH!"
Buti nalang at unan ang naihagis ko dito sa loob ng kwarto ko.

Wala paring nangyari.
Sa dinami rami ng texts ko sakanya natiis nya ko? Ansama naman.

Tatlong araw nalang bago yung Birthday ko. Araw araw ko syang tinetext. Tanging "okay" at "hahaha" lang ang reply. Minsan nga hindi na sya sumasagot. Ay mali, napakadalang nya ng sumagot.

Birthday ko na.
Pero wala paring pagbabago. Ang bago lang ay yung may handa kami ngayong araw.

Tinatanong nilang lahat sakin na kung nasaan ka. Ang sagot ko lang ay,

"Hindi ko alam."

Natapos yung kainan sa Birthday ko mga 4:30 ng Hapon.
Wala naman akong ginagawa sa bahay kaya naisipan kong lumabas at pumunta sa dagat.

Naaalala mo pa ba?
Dito tayo dati nagtatakbuhan. Tapos pag nadadapa ka, bubuhatin kita pauwi sa inyo.
Umuupo pa nga tayo dito pag sobrang lamig ng hangin.

Nakaupo.
Nakatingin lang sa ganda ng Langit lalong lalo na kapag sunset na.

Para kong tanga magisa dito. Iniisip ko nalang na kasama kita. Iniimagine ko na katabi kita habang pinapanood yung clouds.
Napangiti nalang ako noong naalala ko kung gaano mo kagusto ang mga ulap sa langit.

"Nakakamiss to no?"

Sabi mo saakin.

"Oo nga eh. Lalo na yung mga panahong kasama kita."

"Ang lamig ng hangin ang sarap sa pakiramdam."

Tapos sinasabi mo yun habang nakataas yung mga kamay mo.

"Alam mo, namiss kita."
Eye to eye mong sabi saken habang nakangiti.

"Ikaw din, sobra sobra."
Niyakap kita. Nakakatuwa nga kasi parang totoo ang lahat. Pagkahiwalay ko sayo, bigla mo kong tinawanan.

Saka ko lang narealize na...
Totoo pala ang lahat.

Sobrang saya ko.
Sana hindi na matapos tong araw na to.
Nakakabading man sabihin pero wala eh, namiss ko sya.

Niyakap kita ng sobrang higpit.
"A-Aray naman, Yung Lungs ko naiipit."

"Mahal kita, I Love You."
Sa wakas nasabi ko den. Ang luwag sa pakiramdam. Para kong nakawala sa Kulungan.

Totoo pala yung sinasabi nilang...
"THE TRUTH WILL SET YOU FREE."

"Cheesy mo masyado. Tinamaan ka ba ng kidlat? Hahaha." Sabi mo.

Matawa tawa kong sinabi,

"Kailangan pa bang iwasan mo ko para malaman kong mahal kita?"

Tumango ka nalang.

"Salamat ah. Pinakamasayang Birthday ko to. Kasi kasama ko yung taong mahal ko at mamahalin ko pa. Ano tayo na ba?"

Umiling ka.

"Aba humihindi ka na ngayon ah." Sabay tayo.

Tinawanan mo nalang ako sabay takbo palayo saakin. Eto naman ako hinahabol ka, ang iniintay ko nalang ay yung pagdapa mo.

*Bogshhh*

Akalain mo 'yun, ang bilis talaga.
Pagkapa ko sa bulsa ko may Band-Aid. Sanay na ko sakanya eh.

Umupo ako sa harap mo ng nakatalikod.

"PIGGYBACK RIDE?"

"Ayaw."

Iniwan kita dun na nakaupo sa sahig este lupa pala na puno ng bato at alikabok, hahaha.

"ARAYYY!!!"

No choice tuloy ako kundi tumakbo sayo.
Sinakay na talaga kita sa likod ko. Walng kapermi permiso.

"Namiss ko to." Nakangiti mong sabi saken.

"Liligawan kita ah. Sinasabi ko yun, hindi tanong or request. Statement."

"Pshh. Bahala ka."

Tagal na natin ah. 7 years? Wag ka magalala. Liligawan parin kita. Hahabulin at Hahanapin.

Mamahalin.

"Boy Friend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon