Prologue

6 0 0
                                    

Kathlyn's POV

10 years ago.... 10 years ago nung namatay si mommy at dahil dun ay naging misirable na ang buhay ko may mga importanteng taong nawala at may mga hindi importanteng dumating katulad nalang ng Step mother and Step sister ko

Sila ang mas lalong nagpahirap sa pamumuhay ko yung pakiramdam na ikaw lagi yung kawawa, ikaw lagi yung naaapi.. Tssk! Nakakasawa na!

Sana magtagpong muli ang landas namin, sana magkakilala ulit kami ng lalaking nasandalan at naiyakan ko sa araw ng burol ni mommy

FLASHBACK

10 years ago...

10 years old palang ako ng mamatay si mommy....

Lumabas ako sa burial room ni mommy dahil hindi kona kayang pigilan pa ang luha ko...  Ayokong maging mahina ako sa harap ni daddy dahil alam kong nagpapakatatag din ngayon si Daddy

Pumunta ako sa isang bench at dunumupo saka umiyak ng umiyak

"Mommy? Sabi mo po di mo ako iiwan?" Umiiyak kong tanong sa langit dahil alam kong nandun na ngayon si Mommy "Hindi mo naman po tinupad eh" dagdag ko na mas lalong nagpahagulgol sakin

Napatingin ako sa katabi ko dahil may umupo doong batang lalaki at inilalahad ang panyo nya

"Anong gagawin ko jan?" Takang tanong ko

"Tssk! Syempre pampunas ng luha! Ayaw mo edi wag" sabi nya at ipapasok na san ang panyo sa bulsa nya pero pinigilan ko sya

"Sabi ko nga diba kukunin ko?" Sarkastiko kong sabi at pinunasan ng luha ko

May nabasa akong Mariela Gomez sa panyo

"Sino si Mariela Gomez?" Tanong ko

"My mom" sabi nya...  Nagulat ako ng panggiliran ng mga luha nya ang mata nya

"Ohh...  Where's your mom?" Tanong ko dahil mag-isa lang sya ditong katabi ko

"Nandun sa Burial Room nakahiga sa coffin" sabi nya at dun na nagsimulang mag-unahan ang mga luha mula sa mata nya

"Sorry....  Pareho pala tayo" sabi ko at tinatapik-tapik ang likod nya

"What do you mean?" Takang tanong nya na pinupunasan na ang mga luha nya

"Nandun din yung mommy ko nakahiga sa coffin" sabi ko at humugot ng malalim na hangin para hindi tumulo ang luha ko

"Sorry.." Sabi na at tinap ang balikat ko

"Okay lang haha...  I'm sore na masaya na si mommy dun sa heaven...  Malay mo magkasama pa sila ng mommy mo at sinisilip tayo dito" sabi ko at saka tumingin sa napakaraming bituin sa langit...  Siguro isa jan ay si mommy

"Masaya na siguro yun sila..  Sabi kasi ni mommy pag napunta ka daw sa heaven ay mawawalan ka daw ng mga problems at puro kasiyahan lang ang mararamdaman mo" paliwanag nya

"Hi mommy! Magpakasaya ka na jan ah?! Wag mona muna akong isipin dahil hindi kopo papabayaan ang sarili ko" sigaw ko at kumaway-kaway pa sa langit natawa naman itong katabi ko kaya tinignan ko sya ng masama

"What? Hahaha" natatawang tanong nya kaya mas lalong sumama ang tingin ko

"Why are you laughing?" Pagsusungit ko mas lalo naman syang natawa

"Para ka kasing baliw kanina haha" Sabi nya at tumawa na naman

"Tssk! Hindi kita bati Balakajan!" Sabi ko at inirapan sya

"Haha...  Hindi na sorry na" sabi nya la hinarap ko ulit sya

"Kathlyn! Halikana dito.. Kung saan saan ka pumupunta" sigaw ni daddy mula sa malayo

"Opo! Pupunta na po! " sigaw ko din hinarap ko naman yung bata na nasa tabi ko "bye na ah? Tawag nako ni Daddy eh" sabi ko at saka bumaba sa bench hinawakan nya naman ako sa braso "Bakit?" Takang tanong ko

"Sayo na tong Bracelet ko para makilala kita paglaki natin" sabi nya at hinubad ang bracelet nya tsaka inilagay iyon sakin

"Sige... Ibibigay ko naman sayo tong Necklace ko wag mong iwawala ah? Galing yan kay mommy kukunin ko nalang sayo pagnagkita na ulit tayo" sabi ko at saka hinubad ang Necklace ko na may nakasulat na pangalan ko at saka isinuot sakanya

"Sige...  Kita nalang tayo ulit!" Sabi ko tska pumunta na kay Daddy at sa huling pagkakataon ay kinawayan ko sya

END OF FLASHBACK

Simula nung gabing iyon ay hindi kona ulit nakita yung batang lalaki na yun...  Hindi ko nga natanong yung name nya eh

Lagi kona din suot yung Bracelet na bigay nya sakin kahit saan ako magpunta ay suot ko yun nagbabakasakali na magkita ulit kami.....

Tiningnan ko yung Bracelet at hinaplos-haplos iyon

Kaylan kaya ulit tayo magkikita?

-------------------------------------------

TO BE CONTINUE

TADHANA (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon