Kabanata 10: The Practice
---DEANNE'S-POV---
Matapos ang mahaba-habang pag-uusap sa Dean's Office ay dire-diretsyo ako papuntang cafeteria. Nakakagutom kaya. Lalo na nung salita nang salita 'yung Dean. Ayaw pang magdirect to the point e. Andami pang chuvachuchu.
"Hi, bi!" bati sa akin ni Sandra nang makarating ako sa cafeteria.
Mag-isa lang siyang nakatayo sa bandang gilid. Inantay talaga niya 'ko? Ang sweet talaga niyang kaibigan. Kaya labs na labs ko siya e.
Nagbeso ito sa akin bago lumayo. "Kamusta naman ang meet up kay Dean?" usisa niya.
"Ayun. Binigyan kami ng punishment," simpleng tugon ko sa kaniya at dumiretsyo kami sa counter.
"Hah!? Bakit?--- Ay 'wag mo na pala sagutin. Alam ko na kung bakit. So, ano naman 'yung punishment niyo?" tanong nito habang kumukuha ng foods.
I look at her with a puzzled look. Bakit parang ngisi siya nang ngisi? May nangyari bang maganda? Buti pa siya.
"I'll join the Theater's Club and he's in the Basketball Team," kibit balikat ko at umalis na rin sa counter
Asan kaya magandang umupo? Puro occupied na kasi 'yung mga upuan. Malas naman. Ang hirap pa naman kumain nang nakatayo.
"Are you serious?" biglang sabi ni Sandra.
"Huh? Serious saan?" naguguluhan kong tanong. Kung anu-ano namang iniisip niya. Kita nang wala kaming maupuang table e.
"About Riel's punishment. Sasali siya sa Basketball Team?" seryoso ang tanong niya kaya napatuwid ako ng tayo
"It's true. Namutla nga siya nung sinabi 'yun ni Dean. Does he have some issues on basketball before."
"Wala."
"Then I guess, he doesn't know how to play basketball. Tama ba 'ko?" tanong ko pa rito habang sa mga upuan pa rin nakatuon ang pansin.
"Oh my gosh. You're so genius talaga. Pa'no mo nalaman?" may halong tili ang sabi niya.
Naningkit ang mga mata ko at tumingin sa kaniya. "Seriously? Hula ko lang 'yun. Pero on the brighter side. Ang galing ko pala manghula 'no? Maging manghuhula na lang kaya ako?" nakangisi na ako.
Natawa lang ito sa akin at hinila ako. I saw the three guys. They were smiling at me, except for the monkey. Sadyang mainit na talaga ang dugo niya sa akin. But gladly, hindi naman siya nagsusungit. Inii-snob nga lang ako.
Wait. Papalapit kami sa kanila?
"Hi guys!" bati ng katabi ko sa tatlo. Magkakilala sila?
"Hi, Sandra! Hi, Deanne! Have a sit," nakangiting usal ni blonde. Mukhang babaero.
Pero ayos lang na babaero siya. Pogi naman kasi talaga siya. Mas pangit kung 'yung mga pangit pa ang babaero. Makakapal na 'yung muks nila pag ganun.
Umupo si Sandra sa tabi ni Jiro at ako naman ay nakatayo pa rin. Saan ba 'ko uupo? Sa tabi niya? Hindi kaya ako masigawan niyan?
Napatingin rin sa akin sa wakas si unggoy. Malamig ang mga mata niya na parang lutang. Tumayo ito at ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa.
Pinaupo niya ako sa tabi niya at saka siya muling umupo, na nasa tabihan ko. May himala nga talaga. Tama pala talaga si Nora Aunor.
Awkward ang atmosphere. Ewan ko kung ako lang ba, o sadyang para kaming nagkakahiyaan. Uso pala 'yun sa mga pinoy, hano?
"So, I heard na na-punish kayo. Nakakapagtaka lang at hindi kayo pinaglinis. Are you scared of theatrical things, Deanne?" panimula ni Arvin. Ihhh!!! Arvin my labs!!
BINABASA MO ANG
Too Much Crush✔
Teen FictionFormerly, 'A Thousand Crush' A girl with principles. Matalino, maganda at sobrang bait. 'Yun nga lang... mahilig sa gwapo. Lahat ng gwapong kaniyang nasisilayan ay nagiging crush niya. Playboy man 'yan, womanhater, bakla o kung anu-ano pa. Basta't g...