“Let us give a warm of applause for the wonderful message of our valedictorian for this batch 2005-2006. Congratulation graduates!...” Sabi nung host namin sa graduation.
Oo, graduation namin ngayon. Natapos naman agad yung program. Nakikita kong nagpipicturan na yung mga classmate ko kasama yung mga magulang nila. Lumabas na lang muna ako ako ng gym namin. Sa gym kasi ginaganap yung mga program dito sa school ko.
Nagtataka kayo kung bakit ako lumabas ? Kasi wala ang parents ko. Ayokong malungkot dahil lang hindi nakapunta yung mga magulang ko. Alam ko naming busy sila eh. At tsaka alam ko namang hindi sila makakapunta. 2nd honor lang ako. Siguro dapat nagaral pa ako ng sobra, para ako sana yung 1st honor. Ako sana yung nagiispeech kanina.
+++
“ Anak. Magimpake ka na. Ayusin mo na yung mga gamit mo. “ Sabi ni Mommy na dumaan sa kwarto ko na may inaasikaso ding iba.
Lumabas ako para habulin siya. “ mommy, saan po tayo pupunta ?” Pero hindi niya ako sinagot. Kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko at inayos yung mga gamit ko.
+++
“Mommy, dito na po ba tayo titira ?” Tinanong ko siya nang makapasok kami sa unfamiliar house.
“ Oo anak. Ayusin mo na yung gamit mo sa taas. Doon yung kwarto mo sa may kanan. Yung katapat ng CR. “ hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot ako dahil may bago na kaming tirahan.
Habang nagaayos ako ng gamit napadungaw ako sa may bintana. Nakita kong may mga batang naglalaro. May playground pala dito sa may gilid ng bahay. Hindi ko na tinapos yung ginagawa ko. Bumaba na ako para punta sa may playground.
“ Oh, anak san ka pupunta ? “ tanong ni Mommy.
“ sa playground lang po. “ napatigil ako sa pagtakbo.
“ Hindi! Bawal kang lumabas. Tulungan mo akong magayos dito.”
Nawala yung excitement ko. Hindi pa kasi ako nakakapunta ng playground. Simula bata ako , sa mga pictures ko lang nakikita yung mga playground. Hindi kasi ako pinapayagang lumabas ng Mommy ko. Kaya lagi lang akong nakakulong sa kwarto. Wala na akong ginawa kung hindi magbasa ng magbasa. Kaya ang labo na ng mata ko eh. Kakabasa.
Tinulungan ko na nga si Mommy sa pagliligpit nung mga karton. Kahit nahihirapan ako sa ginagawa ko , wala naman akong magagawa. Kami lang naman ni Mommy lagi ang nagtutulungan.
“ Teresa ? “ napalingon ako sa may pinto kung saan nangagaling yung boses.
“ DADDY !!!!” napatakbo ako sa may pinto. Niyakap ko ang daddy ko. Sobrang miss ko na siya. Lagi kasi siyang nasa trabaho eh. Nagulat nga ako kasi ngayon lang siya umuwi ng tanghali dito sa bahay. Lagi siyang umaalis maagang maga kaya hindi ko na naabutan paggising ko. Kapag dumating naman siya sa gabi tulog na ako.
“ oh , anak , kamusta na ? “
“ okay lang po daddy.” Kahit hindi naman talaga ako okay. Nalulungkot pa rin ako kasi hindi sila nakapunta sa graduation ko.
“ sorry anak ha ? hindi nakapunta ang mommy mo at ako sa graduation mo kahapon. Ang dami kasi naming inaasikaso eh.”
“ Okay lang po yun. Malakas ka po kayo sa akin eh. Basta po sana sa graduation ko sa highschool pumunta po kayo ah ? “
“ sige anak. “
“ promise po ? “ tinaas ko yung kanang kamay ko.
“ Promise. “ tinaasa din naman ni dad yung kanang kamay niya.
Tapos nagtawanan na kami. Nagkwentuhan din naman kami nang konti. Minsan lang kami magbonding ni dad kaya nilulubos ko na.
“ anak magbihis ka. Aalis tayo. “