Inilabas ko na yung mga bagahe ko galing sa sasakyan na pinagsakyan ko papunta dito, dito sa lilipatan ko.
Pumasok na ako sa loob ng bahay para ayusin na yung mga gamit ko. Siguro dito na muli ako magsisimula.
Ako si Marcus.
17 years Old.
Single..... na ngayon.
Apat na buwan na rin ang lumipas. Simula nung nangyari yon.
Yakap ko pa siya, masaya kami, at walang problema, naghahabulan pa nga kami at nagtataguan sa puno. Ang saya saya namin. May mga oras pa nga na pagka gising ko yayakapin nya ako at sasabihing 'Good Morning Mahal.' Ang sweet talaga ng girlfriend ko. Wala na akong mahihiling pa kasi nasa akin na ang lahat, nasa akin na siya. She's Almost perfect for me.
6th Monthsary namin, nag text ako sa kanya, na hindi na ako makahinga.. Na mamamatay nako, siyempre nag-alala siya kaya dali dali syang nag punta sa apartment ko.
Pagka bukas ng pinto, nagulat siya... Kasi ang daming balloons, ang daming bulaklak, ang daming palamuting hugis puso na nakasabit sa kisame.
'Surprise Mahal (: Happy 6th Monthsary satin (: I love you Rine' Saad ko sa kanya at dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya, hawak ang three roses.
Halatang gulat siya sa mga nakita niya. Ang ganda nya talaga kahit anong reaksyon niya, napaka bait at loyal pa. Kaya mahal ko yan eh. Hindi ako papayag na mawala siya.
Nasa harap niya na ako, at nakatingin lang kami sa mata ng isa't-isa. Yung mga mata niyang magaganda, kahit magdamag kong tignan hindi ako magsasawa na titigan siya.
Ibinigay ko na yung tatlong rosas na hawak ko at sabay sabing 'I love you Mahal. Nagustuhan mo ba? Sorry kung pinag-alala kita ha. Mahal na mahal kita!'
Hindi pa rin siya nakibo sa pwesto nya,at di nya parin tinatanggap yung rosas na binibigay ko, nakatingin lang sya sakin. Bakit? Hindi nya ba nagustuhan? Napag-alala ko ba soya ng sobra?
'Marcus I'm really really sorry. I... I know masakit to. Pero Marcus kailangan kong gawin eh. I'll do this not because I dont love you.. Its because I REALLY LOVE YOU. I REALLY DO. But Marcus... Sorry. I break up with you. Sorry Marcus... Im so sorry'
Nagulat ako sa mga binitawang salita ni Rine sakin. Makikipag break siya kasi mahal niya ako? What the heck?
Nanghina ako sa mga narinig kong salita galing kay Rine. Bakit niya gagawin yun? May iba na ba siya? Hindi niya na ako mahal? Nagsawa na siya? Bakit?
Nabitawan ko ang rosas na hawak ko at napaupo sa sofa.
'Rine bakit? May nagawa ba ako? Sabihin mo lang kung ano, para matama ko yung kamalian ko. Dahil ba sa nasabi kong mamamatay na ako? dahil saan Rine?'
Saad ko sa kanya.
Ngunit hindi na siya muling nagsalita at tumakbo nalang papalabas ng apartment ko.
Umiyak lang ako doon. Magdamag lang akong tulala, magdamag akong hindi kumain, magdamag akong gising.
Pero ngayon. Sinusubukan ko parin siyang kalimutan. Nagagawa ko pero nandito parin siya eh.. Nandito parin siya sa mundo ko. Hindi siya maalis, na parang rugby na sobrang dikit. Bakit ganyan ka Rine?
☆☆☆
Thursday December 3.
Kakagising ko lang, ang sakit ng katawan ko kaka-ayos ng mga gamit ko kahapon. Ako lang ata ang lalaking madaming gamit at kaartehan sa katawan. Siyempre kailangan malinis, dagdag pogi points.
Lumabas ako ng bahay at may napansin ako. May mail box? Naks. Bihira lang ang mail box ngayon.
Tinignan ko yung mail box at may sobre doon, kulay brown. Binuksan ko ito at may sulat 'Welcome! Smile for this day. This is your first day here, so Enjoy! ♡'
Tinignan ko kung may pangalan pero wala. Kanino galing to? Pss.
☆☆☆
Friday. December 4.
Tinititigan ko pa rin yung sulat. Napangiti ako habang tinitignan ito. ☺
Lumabas ako ng bahay para mag jogging. Gusto ko libutin tong subdibisyon na to. Mukang magtatagal ako dito eh.
Pero napansin ko nanaman yung mail box. At tinignan ko nanaman ito, may laman nanaman. Isang sulat pero wala ng sobre, color brown parin yung papel.
'Hiii. Go somewhere and enjoy our subdivision! Hihihi ♡'
Sino kaya to?
Bumalik ako sa apartment ko at kumuha ng papel, yung colored.
At nagsulat ako don 'Uhhhmm. Sure, thanks? (:' pagkasulat ko non ay nilagay ko na dun sa mailbox sa tapat ng apartment ko. (((((:
Lumipas ang ilan pang araw ay nagkaka-sulatan na kami.
"WE'RE ROLLING IN THE DEEP! Live high~ ♡"
'WE'RE LIKE LADY GAGA, WE ARE BORN THIS WAY! haha. (:'
"AND WE'RE LIKE BRUNO MARS! JUST THE WAY YOU AREEEEE! HAHAHA. Kidding aside ♡♡♡"
'Uhmm. Should we meet now? What do you think? (:'
Lumipas ang tatlong araw ay hindi na siya sumagot sa huling mensahe ko. Ano na kaya nangyare dun?
Gusto ko na talaga malaman kung sino siya.
Kadagising ko sa umaga una kong pinupuntahan yung mail box. Baka kasi sumagot na siya. Pero wala parin eh
Isang araw nagpunta ulit ako sa mail box. At tinignan kung sumagot na siya. At tama nga. May sulat don na kulay brown ang papel. Galing to sa kanya.
"Uhmm.. Are you sure? Okay. Let's meet"
'Where? (:'
"Alam mo na kung saan. Kung saan huli tayong nagkita (: ♡"
Kung saan kami huling nagkita?
Eh hindi ko pa nga siya nakikita? Huh?..
..
......
.........
Nagpunta ako sa dati kong tinitirhan. Kung saan nawasak yung puso ko, kung saan nasaktan ako ng sobra, kung saan nabigo ako, kung saan iniwan niya ako.. Kung saan iniwan ako ni Hyorine.
Umupo ako sa gilid nung bahay na pinagtirhan ko dati.. Nakita ko siya. Oo siya, naglalakad papunta sakin, halata sa muka niya ang kaba, ang takot, ang nerbyos.
Tumayo ako at tumingin sa kanya.
'R..Rine (:'
"Marcus"
THE END. (: