Sa gabing iyon nagkaroon ng party sa loob ng Music Museum. Yup, sa Music Museum ako dinala nung mga babae. Sorry nga sila ng sorry saakin nung gabing iyon. Pero natawa na lang ako dahil ang galing nila.
Sa ngayon, mahimbing parin ang tulog ni Cyrus na talagang inenjoy pa nitong yumakap ng mahigpit saakin.
"Cy, gising na. Tanghali na oh!"
Bulong ko sakanya sabay tapik sa braso niyang nakayakap saakin.
Pero mas lalong humigpit ang yakap nito at unti-unti niyang dinilat ang mga mata niya.
"Gising kana pala? Tara na sa baba." sambit ko.
"Mamaya na, dito na muna tayo." bulong niya saakin.
Para kaming tangang nagbubulungan dito sa loob ng kwarto. E, hindi naman kami naririnig sa labas.
"Wala ka bang pasok ngayon?"
Bulong ko at yumakap sakanya ng mahigpit. Kasabay naman ng pag patong ng mabigat na binti nito saaking katawan.
"Meron, pero ikaw muna ang priority ko ngayon." bulong niya.
Sumiksik ako dibdib niya. Dahilan ng pag halakhak niya. Kaya naman napakunot ang noo kong tumingala sakanya.
"What?" taas ang kilay kong tanong.
"Kanina ka pa sumisiksik saakin. Chansing ka?"
Mas lalong natawa ito sa huling sinabi niya. Pero ako napatunganga akong napatitig sakanya. Dahilan ng pag init ng pisngi ko. A-Ano daw? Chansing?
Buong lakas kong itinulak siya at tinadyakan dahilan ng pagbagsak nito sa ibaba ng kama. At ako naman agarang tumayo at dumeretso ng CR. Ni lumingon sakanya ay hindi ko ginawa kundi tumawa ako ng malakas.
"HAIST, ANG LAKAS MONG PAYAT KA."
Rinig kong sigaw nito mula sa kwarto. Pero humalakhak lang ako bago binuksan ang shower at naligo.
Pakanta kanta pa akong naliligo sa banyo at ine-enjoy lang hanggang sa matapos ako. Pero wait may nalakimutan ako.
"Cyrus" sigaw ko.
"Oh, ano may nakalimutan ka?" sigaw rin nito.
"Oo, pwede dalhin mo dito?"
Alam niya kasi kung ano yung nakalimutan ko.
Agaran akong napatakip sa katawan ko ng makitang pumasok ito. Wall glasses kasi itong banyo. Kaya kita ang buong katawan ko. Napataas pa ito ng kilay saakin at talagang binuksan pa nito ang pintuan at ibinigay ang hawak niyang towel.
Naestatwa ako ng lumapit ito saakin at ramdam ko ang init ng pisngi ko ng bumulong ito at sinabing...
"Mahal, huwag kang pa-virgin." malandi niyang bulong.
"Bast-"
"Sinong nakahubad saatin ngayon."
Halakhak niya at halos wala pang segundo ang pagkawala nito sa harap ko. Dahil mabilis siyang kumaripas ng takbo habang tumatawa. Walang hiya talaga ang isang yun.
Namumula parin ang pisngi kong lumabas ng banyo. Hindi ko na rin ito nadatnan sa kwarto namin. Kaya naman nagpalit na ako ng pambahay.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng bumalik ito sa kwarto at ngayon may hawak-hawak na siyang brown enveloped.
"Ano iyan?"
Tanong ko habang nag susuklay ng buhok ko at muling humarap sa salamin.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na papalapit ito saakin at pinatong ang brown enveloped sa harap ko. At kinuha nito ang suklay sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)
RomansaIf you Love someone you always fighting for. Dahil sa pag-ibig ay hindi handlang ang di' pagkapantay sa buhay. Dahil walang pangit na hindi nababagay sa gwapo't maganda. Kaya wala ring mahirap na hindi nababagay sa mayaman. At higit sa lahat hindi b...