Genres: Teen Fiction, Comedy, Romance
©shyhaida
~•~
"Hanggang picture na lang ba talaga siya, Honesty?" Tanong 'yan ng napakagaling at napaka-supportive kong kaibigang si September habang nakaturo sa ID picture na hawak ko na kanina ko pa tinititigan.
Nakakainis talaga sila. Lagi na lang nila akong inaasar. Naturingang mga kaibigan ko pero hindi man lang ako masuportahan sa one-sided lovelife ko.
"Picture lang 'to, pero 'wag kayo, dito ko siya nahahalikan nang hindi niya nalalaman! Gabi-gabi nakakatabi ko siya sa pagtulog! Kada paggising ko siya ang unang-una kong nakikita at binabati ng good morning! Tsaka eto pa talaga, dahil sa picture na 'to, mantakin niyong nakakausap ko siya nang malapitan! Sa'n pa kayo?!" Mahaba kong sagot sa kanila habang itinataas sa harap ng mga mata nila ang mukha ni Ivan na nakangiti at gwapong-gwapo sa kanyang picture.
"O, eh anong connect ng mga pinagsasabi mong 'yan sa tanong ni Sep?" Mataray namang sabad ni October. Joke! Nova ang totoo niyang pangalan.
Ayos din talaga 'tong mga kaibigan ko, ano? Kontrang-kontra sa lovelife ko. Hanggang picture na lang daw ba talaga si Ivan? Isang milyong beses na yata nilang tinanong sa akin 'yung tanong na 'yun eh. Nakakainis talaga sila kahit kailan! Sarap talaga nilang gilitan sa leeg! Kahit pa raw bente-kwatro oras kong titigan at halikan si Ivan at kahit pa raw ipagayuma ko sa pinakamagaling na mangkukulam 'yung picture ng crush ko doon sa kabilang classroom eh imposibleng-imposibleng-imposibleng mapansin at magustuhan daw ako nun. Sino daw ba ako para magustuhan ni Ivan? Sa dami raw ng naggagandahang babaeng nakapalibot at nagkakagusto sa kanya eh imposibleng mapansin daw ako. Hay. Bukod kasi sa cute si Ivan eh matalino din siya, idagdag pang siya ang presidente ng student government dito sa paaralan namin. Kaya nga ako patay na patay sa kanya eh at kaya rin ako madaming kaagaw sa kanya. Hay. Ang hirap niyang abutin. Para siyang langit tapos ako lupa, para siyang ceiling tapos ako sahig, para siyang bituin tapos ako ordinaryong bato.
"Picture!" Asar na sagot ko.
Picture naman talaga ang connect ng mga sagot ko doon sa tanong ni September, 'di ba?
"Speaking of picture!" Agad na naibulalas ni Nova habang namimilog ang mga mata at bakas ang excitement sa mukha na nakatingin sa harapan namin. "Dadaan ang taong andyan sa picture na kanina pa pinagsasamantalahan ni Honesty!"
Mabilis kaming napatingin ni September sa direksyong tinitignan ni Nova. Shemay! Totoo nga! Dadaan sa harap namin si Ivan ko! Andito kami nakaupo sa bench at... dadaan talaga siya sa harap namin! Kinabahan ako bigla. Natataranta ako na ewan. Kailangan kong magtago. Ayokong makita niya ako. Ayoko talaga. Nahihiya ako.
Dahil tarantang-taranta na nga ako, mabilis akong nagtago sa likod nina September at Nova, sa likod ng bench na ino-occupy namin.
"Itago niyo ako, please! Ayokong makita niya ako!" Sabi kong kinakabahan talaga habang pinipilit ang sariling magkubli sa likod ng mga kaibigan ko.
"Feeling ka! As if naman titignan ka niya!" Pang-aasar ni September.
Gusto kong batukan si September kaso wala akong panahong patulan ang kawalang-hiyaan niya dahil kinakabahan na ako nang husto at natataranta na talaga ako. Ganito talaga ako. Para akong nawawala sa tamang wisyo kapag nakikita ko na si Ivan. Nangangatog ang mga tuhod ko, nanginginig, nanlalamig at pinagpapawisan ang mga kamay ko, nag-iinit ang pisngi ko, at panay tugstugs lang ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Hanggang Picture Ka Na Lang Ba? (One Shot)
Short StoryHanggang picture ka na lang ba talaga, Ivan? Picture na lang ba talaga ang tanging paraan para makausap at matitigan kita nang matagal?