Maaga akong nagising kinabukasan. Well, maaga naman pala talaga ako nagigising pero mas maaga ngayon. Alas syete ang pasok pero alas kwatro pa lang ay gising na ako. Usually four thirty o 'di kaya'y alas singko na ako nagigising.
''Good morning Mom, Dad, and Ate!" bati ko sakanila nang sunod sunod silang nagsipasok sa dining. Wala pa si Kuya. Siguro mamaya pa ang pasok since college naman na siya.
"Why are you up so early?" si Daddy matapos halikan ang gilid ng ulo ko.
"I don't know, Dad. To kill time I decided to cook you breakfast!"
Sinadya kong damihan yung bacon dahil alam kong paborito 'yon ni Ate sa umaga. Wala naman siyang imik habang umuupo sa pwesto niya at kumukuha ng bacon. Napangiti na lang ako. At least kinain niya 'di ba?
"You should always sleep early para nakakapagluto ka rito," biro ni Mommy sakin.
Mabuti nga at naturuan ako maaga pa lang na magluto luto. Naengganyo kasi ako noon panoorin sila na nagluluto kaya nung nakita siguro nila Mommy na kaya ko na tinuruan nila ako agad.
Nakakalahati ko pa lang yung pagkain ko nung tumayo na si Ate at magpaalam. Nataranta tuloy ako! Uminom agad ako ng tubig at dumampot ng isa pang hotdog bago magpaalam kila Mommy. Hindi ko na sila nahalikan sa pisngi dahil tumakbo agad ako pasunod kay Ate. Mahirap na! Baka bulyawan agad ako nito, e.
Uupo na rin sana ako sa likod kaso biglang nagsalita si Ate.
''What the hell do you think you're doing?! You're not sitting beside me!''
''Ah ganun b-ba, A-ate? S-sige sa harap na lang ako.''
Inirapan niya na lang ako bago inabala muli yung sarili niya sa phone niya. Hindi ko maiwasang malungkot. Miss na miss ko na yung dating kami. Kailan ba 'yon babalik?
Tinignan ko si Ate mula sa salamin. Seryoso lang siya habang nagc-cellphone pero naramdaman niya atang nakatingin ako dahil napasulyap din siya. Iiwas sana ako ng tingin pero huli na dahil sininghalan niya na ako.
"What?!" inis na sabi niya.
Umiling na lang ako nakita kong may binulong pa siya pero hindi ko na narinig.
Mabilis na bumaba si Ate pagkarating namin sa school. Hindi na siya nagpaalam kay Manong kaya ako na lang ang gumawa nun.
"Bye, Manong! Ingat ka pabalik!"
''Ikaw rin, hija. 'Wag mo nang pansinin muna ang Ate mo." nginitian niya ako kaya napangiti rin ako pabalik.
Naglakad na ako papasok. Namataan kong kasama na agad ni Ate mga kaibigan niya. Inabangan pala siya nung mga yun sa parking lot.
Si Kuya third year college na tapos si Ate naman first year college. Tumigil ako sa paglalakad para maghanap ng ibang way dahil ayoko silang daanan. Nahihiya ako dahil halos lahat ng kaibigan ni ate nakatingin sakin. Para bang may bagay silang hindi maintindihan.
Nilakasan ko na lang ang loob ko na dumaan sa harap nila dahil wala akong ibang makitang way. Yumuko na lang ako at hinigpitan ang hawak sa bag ko. Gusto ko na sila lagpasan kaya binilisan ko ang lakad ko.
"K, do you know her? She's been the talk of the town since yesterday."
"They saw Kian with her yesterday, too, and now you? I mean, no offense I know she's just a high school student but who in their right mind would wear our uniform in that way?"
"I think she just wanted attention. Ang luwag ng blouse at ang haba ng skirt. Pinalala lang yung salitang nerd!"
"Just don't mind her," matalim akong tinignan ni Ate nang mapasulyap ako kaya halos takbuhin ko na ang entrance ng school. "She's my sister." dugtong niya pa.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^