Kabanata 3

7.9K 340 52
                                    

"Hoy!" Sita sa akin ni kristel.

Tamad akong napatingin sa kanya tsaka ko siya tinasaan ng magkabilang kilay.

"Ha?" Tanong ko sa kanya.

Umirap ito sa di ko nalamang dahilan. "Kanina ka pa tulala, palagi na lang ganyan, anong problema mo?" Nagaalalang tanong niya sa akin pero hindi ko siya nasagot.

Napailing na lamang ako tsaka muli akong tumitig sa librong nasira ko dahil sa pagiyak. "Sunday guys, sa fort santiago tayo" anunsyo niya anamarie kaya naman ang aking mga kaibigan ay nagkanya kanya sa pagmamaktol.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy sa aking malali, na iniisip. "Muli akong pababalikin ng iyong puso't isipan" mahinang bigkas ko sa mga katagang nakikita ko sa libro.

"Ok na ba yung mga informations natin tungkol sa kwento?" Alanganing tanong ni anamarie sa amin.

Napatingin ako sa kanya tsaka din gumala ang aking mga mata sa aking mga kaibigan. Nasa room kami ngayon at maaga namang umalis ang aming professor kaya naman nagstay na lang muna kami para mapagusapan ang gagawin namin para sa project namin sa history class.

"Pwede bang tayo na lang ang magdagdag sa kwento?" Tanong ni mae sa aming lahat kaya naman muli kaming nagkatinginang lahat.

Nagkibit balikat si anamarie. "Sa tingin ko hindi pwede...history iyon eh, dapat lahat nakasulat. Dapat may proof tayo" paliwanag niya pa sa amin na kalaunan ay sabay sabay din naming tinanguan.

She's right, kailangan accurate lahat ng information na meron kami kung sakali dahil siguradong magtatanong ang professor namin tungkol duon.

"Balik tayong malolos?" Tanong ni theresa kaya naman ay napatahimik.

Humiwalay ako sa kanila at tsaka ako tamad na umupo sa may quadrangle. Tamad ko na lamang na pinanuod ang mga estudyante sa kanilang paglalalakad. Pabalil balik at kung minsan ay ang iingay pa.

"Andrea!" Tawag ko sa kanya.

Nagulat naman ito at kaagad na napabitaw sa braso ng lalaking kasama niya. Gulat na gulat ito kaya naman napataas ang isang kilay ko.

"Shhh...wag kang maingay ha" pakiusap niya sa akin nh dali dali ako nitong nilapitan.

"Kasama mo nanaman yang si edward, wala ka talagang dala!" Mahinang pangaral ko sa kanya pero nanatili lamanh itong nakanguso sa akin na para bang nagpapaawa pa.

"Kakain lang kami sandali" pakiusap niya sa akin kaya naman napataas ang aking isang kilay.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Pag ikaw sinugod nanaman ng insik na nanay niyan, ewan ko na lang sayo" pagbabanta ko na lamang sa kanya.

Minsan na kasing pinagalitan nito si andrea ng malamang masyadong nagiging malapit ang anak nitong si Edward chua sa aming kaibigan. Paulit ulit pa nga nitong sinasabi na ang chinese ay para lang sa chinese.

Ewan ko ba naman duon sa aking kaibigan masyado ding lunod sa kanyang buhay pagibig. Napairap na lamang ako sa kawalan bago ako sumandal habang preskong nakaupo sa may bench.

Sandali akong pumikit para sana magpahinga hanggang sa maramdaman ko nanamn muli siya. Dahil unti unti ay parang nasasanay na ako ay hindi ko na lamang siya pinansin, nanatili akong nakapikit.

"Namumukhaan ko ang ginoong kasama ng iyong kaibigan binibini" sabi nito kaya naman kaagad akong napadilat.

And here we go again, antonio buenaventura is now in front of me, smiling genuinely while directly looking in my eyes.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon