Chapter One

135 8 2
                                    

Chapter One:

Nakahanda na ang lahat. Siya nalang ang kulang. Kinuha ko na yung cake na pinaghirapan ko ng ilang araw at naglakad papunta sa building niya. 

Habang palapit ako ng palapit, hindi ko mapigilang ma-excite sa magiging reaksiyon niya. Sana matuwa siya. Sana lang talaga. Dahil sobrang pinag-isipan ko tong gagawin ko.

Birthday kasi niya ngayon. At gusto ko siyang sorpresahin. 

Pero ang hindi ko alam, ako pala ang masosorpresa sa makikita ko.

“Czarina, would you go out on a date with me?”

“Ha Ivan? P-pero bakit ako?”

“Kailangan pa bang tanungin yun? Siyempre kasi gusto kita.”

“Pero diba may GF ka na? Nakita ko pa nga kayong magkasama kahapon eh.”

“Ha? Sino? Wala ah. Baka kaibigan ko lang yun.”

“Ah. Siguro nga…”

“So ano? Isipin mo nalang na birthday gift mo ‘to sa akin.”

“S-sige na nga.   Hmmm… Bukas free ako.”

Perfect. Just perfect.

Wrong timing. Sana pala mamaya nalang lunch break. O di kaya mamaya nalang uwian. Para mas nakapaghanda ako. Para hindi ko nalang naabutan ang nakikita ko ngayon. 

Ano bang dapat kong maramdaman? My own boyfriend just denied me. Ano bang dapat na i-react sa ganung pagkakataon? 

Hindi ko alam.

Gusto kong umiyak sa sobrang galit. Niloko niya ako. Sa iksi ng panahon na naging kami, minahal naman niya kaya ako? O isa lang ako sa mga babaeng pinaglaruan at pinaglalaruan niya?

Ansakit sakit pala.. Aaminin ko. Sinagot ko siya kahit na hindi ko pa siya mahal. Alam ko namang matututunan ko din yun. At ngayong malapit ko na yung matutunan,  ito naman ang mapapala ko.

Naiinis ako. Naiinis ako hindi lang dahil sa ka-g*****n niya kundi pati na rin sa katigasan ng ulo ko. Marami na ang nagsabi. Mga classmates ko at pati na din mga kaibigan ko. Mag-ingat daw ako. Dahil baka maging ‘flavor of the month’ niya lang ako. Pero hindi ako naniwala sa kanila. Dahil may tiwala ako sa kanya. Kasi nga boyfriend ko siya. Pero sana, mas nagtiwala ako sa mga kaibigan ko. Dahil tama sila. Isa siyang walang kwentang lalaki.

Gusto ko sana munang mapag-isa kaya naghanap ako ng isang lugar na tahimik. At dito ako dinala ng mga paa ko. 

Sa courtyard ng college building namin.

Tamang tama. Tahimik at walang tao maliban sa akin. 

“I uh—Miss?”

At sa isang lalaking hindi ko kilala. 

Napatingin ako agad sa kanya. Halata mong nagulat siya na makita niyang namumugto yung mata ko.

“Ahm eh… Ano kasi.”

Nakatingin parin ako sa kanya. Naghihintay ako ng kung ano mang gagawin niya. Halata namang nag-aalangan siya sa sasabihin niya pero…

“Uh… Sorry. Alam ko na hindi ka okay kaya di ko na yun tatanungin. Kaya I uh--” 

Buti naman at alam niya yun. Kung nasa tamang mood lang siguro ako, kanina ko pa siya pinilosopo.

Hindi ko alam kung bakit pero naaliw ako na tingnan siya. Siguro kasi halata sa kanya na gusto niyang may gawin para makatulong sa akin pero wala siyang magawa.

Tumingin-tingin siya sa paligid namin tapos kumamot siya sa batok niya. 

“Ugh paano ba ‘to? Ano kasi--- Ah! alam ko na.”

Nagpakawala muna siya ng isang matinding ngiti bago pa uli siya magsalita.

“Hindi ako magaling sa mga advices AT lalong-lalo nang hindi ko alam kung ano yung dahilan mo kung bakit ka umiiyak. So….”

May kinuha siya sa bulsa niya tapos iniabot niya sa akin.

“Eto oh. Mukhang basang-basa na kasi yung sa’yo.”

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at napatawa nalang talaga ako. Sa tagal kong naghintay sa kung ano man yung balak niya, eto lang pala yun. Bibigyan lang pala niya ako ng isang puting panyo. Pero kung sabagay, kailangan ko na nga ng panibago dahil halos mapipiga na yung akin. 

On a second thought, mukhang hindi ko na ata kailangan ng panibagong panyo. Dahil sa kanya, umurong lahat ng luha ko. Nakalimutan ko lahat nung sakit, galit at inis na nararamdaman ko kanina. 

Nung makita niya yung naging reaksiyon ko, mejo kumalma na siya.  

“Alex!!”

Bigla siyang nagtatakbo papunta dun sa isa pang lalaki na tinawag niyang Alex. Tumayo naman na ako sa kinauupuan ko tapos nagsimula nang maglakad. Hindi ko kasi namalayan na malapit na din pala yung simula ng klase ko. Ayaw ko namang ma-late since first year college palang ako. Masyado pang bata para mag-cutting classes.

“T-teka m-miss!  Hintay!”

Agad akong napatingin sa likod ko. Akala ko umalis na siya? 

Oh well. Obvious naman na hindi dahil hinahabol niya ako ngayon. May dala-dala naman siya ngayong bottled water.

“Pasensya na. Eto lang nahanap ko eh.”

Inabot niya sa akin yung bottled water kaya kinuha ko naman. Nakakapagtaka talaga ‘tong lalaking ‘to. Ganun na ba siya ka-pursigido na tulungan ako? Hinihingal pa siya dahil sa pag-habol sa akin.

“Inumin mo muna yan bago ka umalis. Para maibalik sa katawan yung mga tubig na iniiyak mo kanina.”

“O-kay?”

Napatawa siya bigla kaya nagtaka naman ako. May masama ba sa nasabi ko? Wala naman diba?

Pinigilan niya yung tawa niya tsaka ulit siya nagsalita.

“Marunong ka pala magsalita. Akala ko kasi kanina pipi ka.”

“Sorry. Hindi ko kasi alam kung anong dapat sabihin sa’yo eh.”

Kumamot nanaman siya sa batok niya habang tumitingin-tingin ulit sa paligid.

“Mukhang paalis ka na ah. Saan ba ang room mo? Ihahatid na kita.”

“N-nako wag na. Okay na ako. Baka makaabala pa ako lalo sa’yo. Promise wag--”

“What if I insist?”

Bigla siyang ngumiti sa akin. Pakiramdam ko nga ng mga panahon na yun, matutunaw na ako. At dahil sa ayaw ko matunaw ng mga ngiti niya, pumayag nalang ako bigla.

Tahimik lang kaming naglakad sa may hallway. Ni hindi man lang kami nag-uusap. Sabi ko nga ihahatid niya lang ako. Maya-maya lang nasa harap na rin kami ng room namin.

“411? First year ka palang pala.”

“Ah oo eh. I-ikaw ba?”

Ngumiti nanaman siya bago magsalita. Mukha ngang habit niya na yun ah.

“Fourth. Kuya mo pala ako.”

Nung malaman ko yun, parang may kumirot sa puso ko. Kuya. Sayang? Kung sa tutuusin, hindi halata sa kanya na fourth year na pala siya. Akala ko first year lang siyang katulad ko.

“Sige. Mauna na ako. May klase pa kasi ako.”

Pagkasabi niya nun, bigla nalang siyang tumakbo papalayo. 

“Bye. Po. Kuya…”

Sayang naman at hindi ko man lang nalaman yung pangalan niya. O kahit section man lang niya. At higit sa lahat, 

hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya.

Risks and ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon