Another one shot :) Enjoy! :) Smile :--)
Ahhhhhh! KAPARTNER KO SIYA SA DANCE FESTIVAL NAMIN!!!! HUHUHU :""""">
Helllo!! Ako mga pala si Riza. Isang simpleng nilalang dito sa mundo. Charing! Isang 3rd yr high school. Maganda, mabait, mahinhin at tahimik ang lagi nilang sinasabi tungkol sakin.
Pero nagkakamali sila. Dahil lahat ng yun ay kabaligtaran.
Ewan ko ba kung bakit ganun tingin nila sakin. Hindi naman ako sobrang tahimik. Sa totoo nga, bully ako eh.
Siguro dahil sinasabi nilang mabait ako, dahil natatakot sila sakin. Kaya mga positive ang mga pinagsasabi nila sakin. Siguro pag talikod ko, mga sinisiraan na ko ng mga echoserang froggy na yun. Bully kasi talaga ako.
"Okay class. Hanapin nyo na yung mga partner na naka assign sa inyo. Magiistart na tayo ng practice" Halaaaaaa. Eto naaaa. Kinakabahan ako. Pano ba naman kapartner ko yung crush ko. Si Johhan.
Hanap.. Hanap.. Hanap..
Halaaaa. Bakit wala siyaaa. Baka di sya umattenddd. Sinong kapartner ko (_._') sayang naman yuuun. Nyehehe :>
"Okay, pag nahanap nyo na yung partner nyo. Find your place and let's start the practice"
Ano ba yan. Wala pa siya. Sasabihin ko nga muna kay maam.
"Uhm, maam. Wala po akong kapa--"
Biglang bumukas yung pinto.
"Sorry i'm late"
Ohmygoooosh. Ang gwapo nya talaga >//////<
Magkatinginan kami pero bigla nya rin iniwas yung tingin.
"Palagi ka namang late mr. Bugarin. Find your partner ng masimulan na ang practice"
Lumapit na ko sakanya. Hindi nya naman kasi ata alam na ako kapartner nya eh. Tulog lang kasi ng tulog sa klase yan eh. Walang pakialam sa mundo.
"Hi. Ako nga pala kapartner mo"
Pero imbis na sumagot sya, hinatak na nya ko papunta sa lugar namin.
Ang gentleman nya no >.<
Walang nagiimikan samin. Walang nagsasalita ni isa. Parang wala akong naririnig na kahit ano sa paligid. Nakatingin lang ako sa kamay ko na hinahawakan nya ngayon.
Parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko. Feel ko sasabog na ko anytime.
Bigla syang humawak sa baywang ko. Nagulat ako kaya medyo lumayo ako sakanya.
"Di ka ba nakikinig!? Sabi ni maam humawak ka sa kamay at balikat ko"
Ang sungeeeeet >.<
"Ay, oo sorry. Nakalimutan ko"
"blahblahblah"
Tinuturo na ng teacher namin kung pano yung rules ng sayaw. Nakinig naman ako syempre. Ayokong mapahiya saknya.
"Eto tatandaan nyo class ha. Sa mata ng partner nyo lang kayo titingin. Di kayo titingin sa kaliwa sa kanan sa taas o sa baba. Sa mismong mata lang ng partner nyo."
Hala. Nakakailang yuuuun. Nakakahiyaaaa :"""""")
Nagsimula na kaming magpractice.
Sinusubukan kong tumingin sa mata nya pero naiilang talaga ako. Nung medyo nakapag adjust na ko. Naisip ko na, minsan lang maka eye to eye to no!!
Nung nakatingin lang ako sa mga mata nya. Napansin ko na di sya sakin nakatingin. Malayo yung tingin nya. Nung tumingin ako sa tinitignan nya. Yung muse sa klase namin.
Baka crush nya yun. Syempre, sino nga ba ako. Isang dukha. Hahaha dyok lang no! Mayaman kaya kami. Siguro takot sya sakin kasi alam nya bully ako. Alam ko namang hindi nya ko crush bakit kailangan pa nya ipamukha!!! Huhuhu
Buong practice namin hindi sya nakatingin sakin. Kundi sa lugar lang kung nasan yung muse namin. Ang sakit lang. :(((((( palagi ko pa nga sya natatapakan eh. Pero laging sagot nya lang, tango.
Dumaan pa yung ibang araw ng practice pero hindi pa rin sya tumitingin sakin. Pero ako naman, todo tingin lang sakanya. Syempre, chance ko na rin yun no. Hehehe
Pero nung huling practice namin. Di sya pumunta. Absent ata eh.
Nakakahiya kaya wala kong kapartner. Pero sakanya naman balewala lang kung mapahiya ako eh. Di nya naman ako crush diba? Sus.
Kaya nagtemporary partner muna ako. May absent pa kasing isa samin. Buti nalang may karamay ako.
Nung araw na dance festival namin.
Sobrang kaba ko na talaga. Malay mo hindi sya pumunta? Malay mo magkamali ako? Nakakahiya yun.
"Okay, let's have a round of applause for III- Diamond"
Hala. Kami na yun. Asan na ba si Johaaaaan?? Wala talaga sya?
"Wala namang pakialam sakin yun eh. Ano pa bang ieexpect ko. Wala namang gusto sakin yun eh." pabulong kong reklamo.
Bayaaaan. Kawawa naman ako (_._)
Nagulat naman ako nung biglang may spotlight na umilaw sakin. As in sakin lang.
May lumapit sakin na lalaki.
>//////////////////<
Nilahad nya yung kamay nya sakin. At ako naman si pakipot effect, eh naginarte muna syempre.
"Ano namang kaartehan yan?"
"May i have this dance?"
Anodaaaaaw?? >////< kinikilig ako!!! Baka naman scripted to ha!!
"May choice pa ba ako?"
Hinawakan ko na yung kamay nya tas pumwesto na kami sa lugar namin. Nagulat ako kasi sakin lang sya nakatingin. Sa mismong mata ko lang.
Napansin ko rin na saming ilaw yung pinaka maliwanag.
Siguro kaya nakatingin sya sakin ngayon kasi syempre, dance festival na. Ayaw nya rin mapahiya.
"You look beautiful tonight"
Ano daaaaaw? Ang ganda ko daw!!! Ang haba ng hair ko indaaaay!
"Hoy. Kung akala mo madadaan mo ko sa ganyan mo, aba nagkakamali ka"
Pero hindi sya sumagot. Ngumiti lang siya. Pero yung ngiti na talagang matutunaw ka.
Buong sayaw naman nakatingin lang aya sakin. Naiilang na nga ako eh. Tumingin na rin ako sa mata nya ng diretso.
Feel ko para kong ice cream, matutunaw na talaga ako.
Nung patapos na yung sayaw bigla nya kong nilapit sakanya. As in lapit ha. Yung parang magkayakap na kami. Tas may bumulong sya sa tenga ko.
"Sino bang may sabing wala akong pakialam sayo. Dadating ba ko kung wala akong pakiaalam sayo. Tsaka.......
Sino bang may sabing wala akong crush sayo?"
============================END========================
AN: Thank you for reading! Have a nice day ahead ;)