Chapter 60: Everything comes to an end.
Sophia's POV (Aki's beyb)
"Sino ba yang lagi mong katext? Ilang araw na yan ah." Iritang tanong sa akin ni Drew. Tss nagseselos na naman. As if hindi nya alam kung sino.
"Kilala mo naman." Sagot ko at inirapan sya. Muling nagvibrate ang phone ko at binasa ang text ni Cole.
From: Cole
Wala na ba sila? Pwede na ba ako ulit pumunta? I missed her already.
Napabuntong hininga na lang ako sa text nya. Ako ang naaawa kay Cole. He don't deserve this. Sobra nya lang talagang mahal ang bespren ko.
To: Cole
Yes. Bilisan mo, bago pa dumating ang magulang nya, babalik din sila after dumaan sa business nila.
Kasalukuyan kaming nandito sa hospital ni Drew at binabantayan si beyb. It's been 3 days simula ng mahimatay sya sa elevator. Hindi ko alam kung anong nangyari, basta tinawagan na lang ako ni Cole at sinabing nasa hospital nga daw si beyb.
Pero hindi lang kami basta nagbabantay dito ni Drew, yung magulang ni beyb ay biglang umuwi dahil sa nabalitaan nila na nasa hospital si beyb, naabutan nila si Cole sa loob ng hospital. Napapikit na lang ako non ng makitang sinuntok ng papa ni beyb si Cole at sinampal sya ng mama beyb.
Pero yung diko kinaya, tinutukan lang naman ng papa ni beyb si Cole ng baril.
Sinabihan nila ito na lumayo na kay beyb kung hindi ay ipapademanda. Sa sobrang sasakit ng salitang binitawan nila kay Cole nung nakaraang araw, di ko talaga maiwasang hindi maawa sa kanya. He suffered a lot.
"Kapag nalaman to ng magulang ni Aki, alam mong malagot tayo Sophiee ko.." Nakangusong sabi sa akin ng cute kong boyfriend. Hihi.
"Hindi nila malalaman unless magsusumbong ka." Inirapan ko sya.
Pinapabantayan kasi nila tita sakin si beyb at sinabing wag palalapitin si Cole kay beyb. Pero hindi kaya ng konsensya ko, kaya tuwing wala sila tita, tinetext ko na si Cole at sinasabing pwede na sya ulit dumalaw.
"Ako lang ba, o nakikita ko parin si pareng Cole dito sa hospital kahit nandito magulang ni Aki?" Kunot noong tanog na naman ni Drew ko.
"Yes. Nakikita ko din sya minsan na nakasilip sa bintana. Minsan naman sa bintana ng CR. Check mo yung sa likod ng TV." Utos ko kay Drew na tinaasan ako ng kilay. "Just do it."
"Fine." Tumayo sya at tinignan ang likod ng tv. Napangisi na lang ako ng makita ang gulat na expression nya. Iba ang nagagawa ng pagkamiss kay Cole. Tsk tsk. "What the-- bakit may butas dito?!"
Binutas lang naman ni Cole yung pader dun sa likod ng tv, hindi ko alam kung pano nya nagawa, basta minsan nahuli ko sya na nakasilip don kahit nagbabantay ang magulang ni beyb. Well, maliit lang naman yung butas.
Awang awa na talaga ako sa kanya. Halata rin na wala itong tulog. I wonder ano kaya ang nangyari doon sa elevator? Nakapagusap kaya sila? Napaalala nya ba kay beyb? Sana nagpalagay ako ng cctv.
Kung ako kaya ang nasa gantong sitwasyon, gagawin rin sakin ni Drew to? Aish, pasalamat na lang ako kasi hindi kasing complicated nito ang sitwasyon namin ni Drew.
Sabay kaming napalingon ni Drew sa pintuan ng bigla itong bumukas. Sino pa ba? Si Mr. Loverboy lang naman.
Napabuntong hininga ako ng makita na naman na bumawas na naman ang timbang nya. Kitang kita ko rin yung eyebags nya. Jusko naman baka hindi sya lalo magustuhan ni beyb sa itsura nya.
BINABASA MO ANG
She's The Man Hater Since Then
Fiksi RemajaHIGHEST RANK REACHED: #41 in TEEN FICTION Broken by ONE, now hates EVERYONE. One thing about me? I. HATE. BOYS No Boys No Problems Maybe other thinks, they can't live without boys. But me? I can't live when there are boys. Maybe Gays. But not...