Chapter Two

81 8 2
                                    

Ilang araw na din ang nakakalipas simula nung nalaman kong niloloko lang pala ako ni Ivan. At sa maniwala kayo at sa hindi, I’ve totally moved on.

“Nakuuu Aianna. Pasalamat talaga yang boyf—este ex-boyfriend mo at wala ako dito sa Pinas nang mga panahon na yun…”

“Hay nako. Kung ako siguro yun, isang buong cake ang isusubsob ko sa mukha niya. Grabe siya..”

Pero sina Frances at Faye, hindi parin. Halos isumpa pa nga nila yung tao. Lalo na ngayon at may nalaman nanaman silang panibagong tsismis tungkol sa ‘ex-boyfriend’ ko. Balitang balita kasi sa buong college na nililigawan daw ni Ivan yung current vice president ng student council namin. Bakit daw sa dinami dami ng pwedeng ligawan, yung babae na kapareho ko pa ng college.

Kung ako naman ang tatanungin, wala nang kaso sa akin yun. Tulad nga ng sinabi ko, I’ve moved on.

“Ikaw ba babae eh siguradong ayos lang? Pwede mong sabihin kung hindi. Mag-aaral akong gumawa ng cake para lang ipangsubsob ulit sa mukha ng mokong na yun!”

“Wag ka nang mag-aksaya ng oras Frances. Ayos na ako. Wag niyo na ako alalahanin.”

Siguro nga nakakapagtaka kung bakit ganun-ganun nalang kadali sa aking kalimutan yung ka-g*****n na ginawa niya. At kung iisipin ko kung ano o sino ang pwedeng dahilan kung bakit ambilis ng nagawa kong pag-move on, isa lang ang maisasagot ko.

Siya.

Hindi ko din alam kung bakit pero pagkatapos nung pag-iyak ko sa courtyard, wala nang ni isang luha ang kumawala pa sa mata ko.

And it’s all thanks to him.

Pero siyempre, hindi ko yun pwedeng sabihin sa kanila. Hindi naman nila kilala kung sino yung siya na tinutukoy ko. Useless lang na ikwento ko pa.

“Oo nga pala, inaya ako ni Josh na lumabas mamaya. Ayos lang naman diba since wala namang masyadong gagawin bukas?”

Kinikilig na sabi ni Faye. Pati nga si Frances kinilig na din. Ako naman, dedma.

“Sino yung Josh?”

Pareho silang napatingin sa akin. Si Faye, parang naiirita na ewan. Si Frances naman, blangko.

“Eh kung sinasabi niyo na kaya sa akin kung sino yun...”

Bumuntong hininga si Faye.

“Seryoso ka bang hindi mo na maalala?”

Umiling ako. Sino ba kasi yun?

“Si Josh. Yung cute guy na taga-A10. Napakilala ko na siya sayo, hindi mo parin maalala?”

“Hindi?”

Pareho silang kumamot ng ulo. Inaatake nanaman kasi ako ng topak ko. Medyo mahina ang memory ko pagdating sa mga mukha at pangalan ng tao. Kahit naipakilala na nila sa akin, madalas ko paring nakakalimutan.

“Nako Aianna. Samahan niyo na nga lang ako sa Org Room. nakaka-jirits kang kausap eh.”

Inayos ko muna yung upuan ko bago kami tuluyang lumabas ng room ni Faye. Nagpaiwan na si Frances dahil pagod pa daw siya doon sa football practice nila kagabi. 

Medyo may kalayuan yung org room kaya nakapagkwentuhan pa kami ni Faye ng mga bagay-bagay. Nun namang nasa may hallway na kami ng mga fourth years, napatigil kami.

“Bakit andaming tao dito sa hallway nila?”

Hindi nalang ako kumibo dahil hindi ko din naman alam ang isasagot ko. Malay ko ba sa buhay ng mga fourth year. Anung meron at ganito sila kagulo?

Kung nakikita niyo lang yung nakikita namin ngayon, malulula kayo. Halos ata lahat ng mga estudyante nasa labas ng classrooms nila tapos nag-uusap sila ng kung anu-ano. May nagtatatalon, may nagtatawanan tapos meron din namang umiiyak.

Tumingin kami ni Faye sa paligid. Mukhang tulad ko, nag-iisip siya kung saan pa ba kami pwedeng dumaan. Ito kasi yung hallway na mas malapit sa org room. At kung iikot pa kami para pumunta doon sa kabilang daan, matatagalan naman kami.

“Ano? Tara?”

Bago pa ako makasagot, hinila na ako nitong kaibigan ko. pinilit naming makadaan doon sa napakgulo nilang hallway. Sobrang nakaka-lula yung mga tao kaya tumungo nalang ako. Hinayaan ko nalang na hatak-hatakin ako ni Faye.

I never thought na masamang ideya pala yung ginawa ko. Not until…

“Hey Bro, watch out!! May--- Awww.”

Napabitaw bigla ako kay Faye. Nakayuko pa din ako sa sobrang gulat. May nakita akong sapatos sa harap ko na nakatiptoe. Muntik na palang may matumba sa akin. Bakit ba kasi tumungo pa ako. Sana nakita ko kung sino man yung paparating at nakaiwas pa ako.

“S-sorry. Hindi kasi kita agad napansin.”

Nung tumingala ako, tsaka ko lang nalaman na isang matangkad na lalaki pala ang muntik nang mahulog sa akin. Mga ilang segundo din kaming nagkatitigan. Alam kong hindi ko siya kilala pero parang pamilyar siya sa akin. Pamilyar yung mga mata niya at pati na din yung amoy ng pabango niya. 

Pero saan?

“A-ayos ka lang ba?”

Hindi ako sumagot. Nakatingin padin ako sa kanya. Ramdam kong nangangalay na yung leeg ko pero hindi ko yun pinansin.

Sino ka ba? Bakit parang nakita na kita noon?

“Hoy Aianna!! Tara na!!!!”

“Ah o-oo. Anjan na.” 

Hindi na talaga ako nakasagot dun sa lalaki. Salamat sa kaibigan kong bigla nanaman akong hinila. Nung maluwag-luwag na yung hallway, nakapag-usap na uit kami ni Faye. 

“Kilala mo?”

Nung una nagtaka pa ko dun sa sinasabi niya pero naintindihan ko din naman. 

“Hindi--Oo? Hindi ko alam. Nakalimutan ko na...”

“Hay nako. What do I expect?”

Hindi ko naman kasi talaga alam. Pamilyar siya pero hindi ko na maalala. Minsan naasar na din ako sa sarili ko kung bakit ba ganito kahina ang memorya ko.

Nakarating na nga pala kami sa org room. Pero hindi na ako pumasok. Medyo madami din kasing tao doon. Mahirap na at baka may mangyari nanamang banggaan.

Habang naghihintay, pinilit kong alalahanin yung nangyari. Tumingin ulit ako doon sa lugar na pinagtigilan ko kanina pero wala na dun yung lalaki. Hindi matahimik yung utak ko. 

Nakita ko siyang nakasandal sa isang pintuan. May hawak siyang SLR at masayang nakikipag-tawanan sa iba pang fourth years.

Naalala ko na. 

Naaalala ko na kung sino siya.

Yung mga ngiting yun.

Yung nakakatunaw niyang ngiti.

 “Siya.”

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga talaga yun.

Siya yung lalaki sa courtyard.

Risks and ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon