Chapter Three

94 8 5
                                    

Isa nanamang araw ang magsisimula. At tulad ng mga nakagisnan ko, umaga palang gusto ko na kaagad maghapon. Araw-araw kasi akong bumabyahe papunta sa school. At hindi biro ang mahigit two hours sa umaga at almost three hours naman sa hapon.

Nasa bus na ako nung himalang tumawag sa akin ang bestfriend kong si Frances. Anu kayang nangyari dito? Dapat ng mga ganitong oras humihilik pa to ah.

“Oy anung meron?”

Masanay na kayo. Ganyan ang batian namin ng ‘Good Morning’.

“Anung ‘anong meron’ ka diyan. Don’t tell me nakalimutan mo. Nako ha makalimutan mo na ang lahat wag lang yun.”

Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Frances. May pinadadala ba siya? Wala naman akong maalala. Wala din naman kaming homework o project na due ngayon diba? 

“OMG Aianna. Nakalimutan mo nga?”

“Parang ganun na nga?”

“Oh my gosh Aianna! Sabi naman sa’yo kalimutan mo na ang lahat wag lang yun! Anu nang gagawin mo niyan?”

Eto nanaman si Frances. Tinatalakan nanaman ako sa pagiging makakalimutin nang hindi naman sinasabi kung ano yung nakalimutan ko.

“Pwede ko naman sigurong malaman kung ano yun?”

Nakarinig ako ng malalim na hininga sa kabilang linya. 

“Miss Alonzo. For your information, ngayon po ang graded recitation natin sa accounting. And baka nakakalimutan mo… six units ang katapat nun dahil baka nakakalimutan mo nanaman… Bachelor of Science in Accountancy ang kinukuha nating course.”

Pakiramdam ko nawalan ako ng dugo sa mukha. Bakit nga ba sa lahat ng nakalimutan ko, yun pa. Pwede namang ibang bagay nalang diba?

Hindi ako sumagot sa mga sinabi ni Frances. Actually, hindi na ako nakasagot. Dahil at that instant, nagsimula na ang pagiging nagger ng kaibigan ko.

At syempre dahil sa hindi ko na din alam ang gagawin ko, kailangan ko nang patigilin ang babaeng to.

“Pwede ba Ana Frances Manalo! Tama na. Okay? Kalma. Lalo akong hindi makakapag-aral kung sesermonan mo lang ako nang sesermonan. Kaya kung pwede lang sana, Ibaba mo na muna yang telepono mo at hayaan mo na muna akong mag-aral.”

“Pero Aianna andami ng coverage nun! Lahat ng topics ng prelim period pwedeng itanong sayo. Alam mo ba—"

“Hep! Tama na Frances. Ceasefire na nga eh diba? Trust me. Kaya ko ‘to. May plano na ako. Kaya sige na… Goodbye na muna.”

Hindi ko na hinintay pang sumagot si Frances at binabaan ko na siya ng telepono. I think I’ll deal with her later.

Sa ngayon yung problema ko muna sa pag-aaral ang iintindihin ko. One shot lang kasi ang graded recitation namin. Ibig sabihin, kung ano man yung makukuha kong score mamaya… yun na ang 10% ng magiging grade ko for the prelims period. At ang 10% ay 10% parin para sa isang GC (Grade Conscious) na tulad ko.

Unti-unti akong pinanghihinaan ng loob nung tiningnan ko yung mga dapat kong pag-aralan. Akala ko ba may plano ako?

Nagsisimula na akong mataranta. Sa totoo lang, naaral ko naman na yung buong accounting process noon pa. Yun nga lang, andami ko pading mga bagay na kinalilituhan. At kung sakali mang matuloy ang graded recitation namin mamaya, paniguradong wala akong masasagot. 

Bawat salitang nababasa ko, pinipilit kong isaksak sa utak ko. Lahat-lahat. 

Bahala na mamaya. Itutulog ko nalang siguro ‘to.

*****

Naramdaman kong tumigil yung bus kaya nagising na ako. At paggising na paggising ko palang, yung problema ko na agad ang unang pumasok sa utak ko.

Hindi ako nag-aral. Wala akong alam. Paano naman kaya ako nito mamaya?

Lilipat na sana ako sa bandang unahan nung bus nang mapansin ko ang isang notebook sa tabi ko. Binuklat ko yun at binasa ang post-it na nakadikit dun.

***Quote***

                Sana makatulong sa pagrereview mo.

                Goodluck sa graded recitation mamaya.

                -Kian

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung naiwan ba talaga to o iniwan. Nakakapagtaka lang kasi na yung mga nakasulat sa notebook na ‘to ay saktong yung mga dapat kong aralin para mamaya. Sino naman kaya ang may ginintuang puso na mag-iiwan nito dito?

Nung dumaan si kuya konduktor, hindi na ako nagdalawang isip na tanungin siya.

“Kuya, kilala po ba ninyo yung katabi ko kanina?”

“Nako hindi po mam. Pasensya na po.”

Tumango nalang ako at nagpasalamat kay kuya pero tinawag ko ulit siya nung naalala ko naman na hindi pa nga pala ako nagbabayad. Yun nga lang, eto naman ang naging sagot niya sa akin.

“Nako mam. Bayad na po kayo kanina pa. Ibinayad kayo nung lalaking katabi niyo. Akala ko nga ho kakilala niyo siya eh.”

Lalong lumakas yung tibok ng puso ko. Hindi malabong yung lalaking nakatabi ko kanina yung nag-iwan nitong notebook na ‘to dito. Pero sino naman kaya yun? Wala pa kasi akong katabi kanina nung nakatulog ako kaya clueless talaga ako.

Nung nakalipat na ako sa may bandang unahan, nakaramdam ako ng pamilyar na amoy. Napatingin ako doon sa lalaki sa kabilang side ng bus. Naka-jacket at earphones siya habang nakatingin sa labas ng binatana. Sa kanya nanggagaling yung amoy kaya hindi ko maiwasang titigan siya.

Siya kaya yun? 

Inalog ko yung ulo ko. Pwede namang magkapareho lang sila ng pabango diba? Masyado ka kung maka-assume Aianna.

Itinuon ko nalang ulit yung atensiyon ko doon sa notebook. Binasa ko yun ng maigi. At hindi tulad kanina, andali kong naintindihan lahat. Siguro sobrang talino ng may-ari ng notes na ‘to. Anggaling niya kasing ma-explain lahat ng mga concepts. Para lang akong nagbabasa ng isang libro pero may natututunan na pala ako.

“Kuya para po.”

Napatigil ako sa pagbabasa. Anlakas bigla ng kutob ko. Pamilyar yung boses na yun. Siya kaya yun? Napatingin ako dun sa lalaki kanina. Tumayo na siya at dumaan sa tabi ko. At bago pa siya tuluyang bumaba ng bus, nagtagpo ang mga mata namin. And at that very moment alam kong tama ang kutob ko.

Siya. Siya nanaman.

Nakababa na siya ng bus nung naalala ko na hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat doon sa ginawa niya noon at pati na din sa ginawa niya ngayon.   

“Wait lang po manong driver!”

Madalian kong inayos yung mga gamit ko tapos bumaba na din ako sa bus. Hinanap ko siya sa paligid pero hindi yun naging madali. Ano ba naman ang ineexpect ko sa Maynila? Malamang magulo at puno ng sasakyan ang paligid. Pero hindi ko ininda yung kung anu mang hadlang para mahanap ko siya.

“Kian!!”

Nakita ko siyang malapit sa may tawiran. Lumingon siya sa direksyon ko pero hindi niya ako nakita kaya tumuloy nalang siya sa pagtawid. Susundan ko sana siya kaya nga lang masyado nang maraming sasakyang dumadaan. Ayaw ko pang mamatay.

Imbis na tumawid pa ako at habulin siya, sinundan ko nalang siya ng tingin. Lumapit siya sa isang lalaki na nakasandal sa isang kotse. Nag-usap sila saglit tapos sabay na pumasok sa loob. Maya-maya lang, wala na yung sasakyan sa paningin ko.

Sayang naman. Bakit ba kasi ako natulog kanina?

Sa di ko maipaliwanag na dahilan, masaya ako kapag nakikita ko si Kian. Yun pala ang pangalan niya. At least ngayon alam ko na. Sapat na yun para mabuo ang araw ko.

Siguro hindi pa ngayon yung tamang oras para magkausap ulit kami. Pero pangako. Sa susunod na magkaroon ng pagkakataon, 

hinding hindi ko na yun palalampasin pa.

Risks and ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon